"Alyana" nagulat ako sa lalaking nasa labas ng bahay namin. Nakasandal siya sa sasakyan niya sa may di kalayuan.
Anong ginagawa niya dito ng ganito kaaga?
"Andrew"
"Good Morning"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka"
"Nag-abala ka pa pero since hindi naman ako maihahatid ngayon sige sabay na tayo"
Agad na lumapad yung bibig niya. Binuksan niya ang pintuan sa harap pero hindi ako dun sumakay. Nagmukha tuloy siyang driver ko kasi sa likod ako nakasakay.
Sumakay na rin siya at umalis na kami. Hinatid niya muna ako sa room ko kasi hindi kami parehas ng klase.
"I'll pick you later" Hindi na ako naka angal kasi umalis na agad siya.
Pumasok ako ng may parang mata ang nakatingin sa akin. Anong ginagawa niya dito? Sa pagkakaalam ko kasi hindi ko siya kaklase.
Nakakainis kasi sa tabi ko siya nakaupo. Ano bang bago bakit hindi ako nainform? Why are you here?
"Why.." magsasalita pa lamang ako at tatanungin siya ng bigla ng dumating si prof.
"Bes kamusta class?"
"Ayos lang, kaklase ko na pala si Travis. Nagpalipat siya, gulo din no? Akala ko nagloloko lang siya"
"Bes sige punta lang ako" Hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi dumating si ano.
"Oy saan ka?"
"Sa cr, bawal ka dun"
"Pwede daw, kagagaling ko nga lang dun"
Baliw talaga to si Andrew.
"Hatid na kita"
"No need, malaki na ako"
"Ang sungit mo talaga kahit kelan"
Magsasalita pa ako ng dumating si Justin kasama si Karl
"May event daw. Halos lahat ng freshmens kasama."
"Oh talaga?"
"Yes! and guess what, sa club house nila Alyana gaganapin. Parang socialization daw, ganun." Dagdag ni Karl
Teka bakit hindi ko yun alam.
"Teka si Travis oh. Sasama kaya siya?" Tanong ni Justin
Sinigawan nila ito at tinawag. May kasama pala siya ngayon.
"Bro sino yang kasama mo?" sabi ni Karl
"Sophia but you call them Phia, girlfriend ko"
Sabi na girlfriend niya na e. Pero bakit parang nagulat si Phia. Habang nakatingin kami sa kanilang dalawa si Andrew nakangiti lang na parang baliw.
Kailangan na yata tong ipagamot. Umalis na rin si Travis at Phia ng naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko. Kanina pa pala nakahawak sa kamay ko si Andrew.
Kainissssssss
Inalis ko agad yung kamay niya at umalis. Nadaanan ko si Travis. Hindi niya na kasama si Phia. Mukhang hinatid niya lang sa kung saan man yun. Kaya siguro umalis din agad.
"Alyana" nakita niya ako
"Why?"
"Kamusta?"
"I'm fine"
"Saan ka pupunta?"
"Library"
"Tipid mo na naman sumagot"
Bakit niya ba tinatanong? Bakit balak mo ba akong ihatid?
"Okay, ingat ka. Sige una na rin ako. Hinihintay ko rin yung girlfriend ko"
Ayun naman pala. Hindi ba pwedeng matanong lang siya Alyana? Mauna na nga at makaalis na dito.
Asan na ba yung hinahanap ko? Bakit hindi ko mahanap? Umalis na rin ako kasi may practice pa kami.
Pagdating ko sa may pool,
"Hi Alyanna"
"Hello Dara" kasamahan ko din siya dito.
"Guys magkakaroon pala tayo ng bagong member sa swimming team" sabi ni Coach
Wow! Madadagdagan na kami.
"Sir freshmen po ba?" Tanong ng isa naming kasamahan
"Yes! Wait nasan na ba siya?"
Oh my, siya? Walang halong biro nagulat ako. Ikaw as in?
"Hi! I'm Travis"
Umupo muna ako habang hindi pa nagstart yung training
"Alyana, kanina ka pa?"
"Bago rin lang. Bakit mo naisipang sumali dito?"
"Don't know, dito ako dinala ng puso ko"
Puso daw? Ano to yung puso na ang naglalakad at paa na ang nagpapadaloy ng dugo?
"Nagawa yun ng puso mo? Wow, ganda naman ng puso mo"
"Mas maganda yung nilalaman nito?"
"Alam ko, maganda naman talaga si Phia"
"Maganda ka rin naman ah"
"So what? Palagi pa rin namang nasasaktan. PS. Walang hugot dun"
"Lalim ng pinanghuhugutan mo a"
"Gaano kalalim? Kasing lalim ba ng pagmamahal ko na binalewala niya"
"Yung totoo ilan na naging boyfriend mo?"
"Haha, wala pa naman. Echos lang yung mga sinabi ko."
"So hindi kayo ni Andrew? Wala ka pang nagiging boyfriend pero kung makahugot"
"Yun na nga, wala kasi hindi naman talaga ako maganda. Haha! Tama na to"
"May pagkabaliw ka rin no? Parang ako baliw na baliw sa kanya"
"Woah corny bade, sino namang siya"
"Hindi ko sure basta alam ko nalimutan siya ng utak ko pero hindi ng puso ko"
"Baliw ka na talaga kay Phia"
"Oo pero ibang Phia, ibang Sophia"
Hindi ko naintindihan yung huli niyang sinabi
"Anong sabi mo?'
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)
FanfictionSa hindi inaasahang lugar tayo'y nagkita. Sa daming nangyari tayo rin pala talaga. Bakit ng minahal na rin kita pinaglayo naman ni tadhana. Sa iyong pagbabalik hindi na kita kilala. Nakalimutang tunay tila ba sinadya. Sa muling pagkikita ay muli rin...