Chapter 28- He's back

553 28 0
                                    

Travis' POV

Akala ko sadyang inaasar lang niya ako kaya binigyan niya ako ng Donut kahapon. Si Ate naman kasi, kwento ng kwento ang gulo pa. Pero ang sarap rin pala ng Donut. Sobrang saya ko kung ano kami ngayon. Okay na ako sa ganito, yung hindi kami masyadong nag-aaway tapos pinapansin niya na ako. Sana nga araw-araw niya na lang akong inaalagaan. Sana Sophia palagi na lang tayong ganito. Paano ko ba sasabihin sayo lahat? Paano ko sasabihin that I am secretly inlove with you? Paano na lang pag nalaman mo na lahat. Sana walang magbago. Sana hindi ka magalit. Sana hindi na bumalik yung mas matigas na Sophia na nakilala ko nung summer. Lahat ng ginagawa ko para sayo. Sa bawat araw na kasama kita, gustong-gusto ko ng aminin lahat pero hindi pa pwede.

Sophia bakit ganan ka? Ikaw ata ang buhay ko. Ikaw yung taong dahilan kung bakit nakangiti ako pero ikaw din ang nag-iisang babae, bukod kay Ate at kay mommy ang nagpaiyak sa akin. Alam mo bang nasasaktan ako tuwing pinagtatabuyan mo ako. Alam mo bang naiinis ako pag nakikita ko kayong palaging magkasama ni Grae? Alam mo bang pinilit ko lang ngumiti sayo nung araw na nagtapat sayo si Grae. Alam mo bang kahit ang hirap tanungin kung may pag-asa siya sayo pinilit kong tanungin. I always think about you more than I should because I like you, I love you, I am secretly inlove with you.

Alam kong naaksidente ako dahil may dahilan. Hindi ko sisisihin ang papa mo sa nangyari Sophia. Alam mo bang nakita ko talaga yung pag-aalala niya sa akin. Oo, siya ang dahilan. That day, that moment na nagtapat sayo si Grae, nagtext siya na nandito na siya sa Pilipinas. Dapat pupuntahan ko siya at magkikita kami pero naaksidente kami. Yung totoo kasi siya ang nakakaita at nagdala sa akin sa hospital. Pinakiusapan niya lang daw yung babae na tawagan ka para makita ka na rin niya at papuntahin sa hospital. Sakto nung wala ka dinalaw niya ulit ako at dun siya nagkwento. Masaya na siya dahil nakita ka niya kahit ilang minuto lang. Kung alam mo lang Sophia kung gaano ka niya kamahal. Pero alam mo, sa bawat araw na pinaparamdam at nararamdaman ko kung gaano ka pa rin kagalit sa daddy mo, sinabi ko sa kanya na hindi pa ito yung tamang panahon para magkita ulit kayo at magkausap. Alam kong hindi ka pa handa. Sinabi niya rin sa akin na hindi pa nga ito ang right time because that day he saw you, naramdaman niya na galit ka pa rin sa kanya. Sana mabuo na ang pamilya niyo. Sana maging masaya na ulit kayo. Sana magkaayos na kayo ng papa mo.

Ngayong nakalabas na ako sa hospital, siguro kailangan ko na talagang kumilos. Sa ngayon, I'll do what your dad said to me, na palagi kang bantayan, alagaan at protektahan. Nagdecide si tito na pumunta muna sa Davao para mas malayo dito at hindi muna kayo magkita.

"Hi! bunso" Ang Ate ko talaga

"Kamusta? Oo nga pala sabi ni daddy next time daw wag ka na daw magda-drive mag-isa. Isa pa sabi niya hanggat wala ka pang 18, bawal ka pa daw magdrive. Asan ba kasi yung driver mo that time?"

"Ate, oo na"

"Kasi naman ang tigas ng ulo mo."

"Bakit yung sayo ba Ate malambot?"

"Naaksidente ka na nga't lahat pilosopo ka pa rin."

"Ate naman kasi, naaksidente na nga rin ako't lahat pinapagalitan mo pa rin ako."

"Oo na rin. Oh! kumain ka na. Pupunta pa ako kay Tita, oo nga pala nasa Davao siya, kahapon pa"

"Sinong nasa Davao?"

"Yung mama ni Sophia" Seryoso ba yun? Teka, andun din yung dad niya. Wait kailangan ko siyang tawagan.

"Travis, ayos ka lang?"

"Ayos lang ako Ate" Umalis na rin si Ate.

Ring! Ring! Ring!

"Hello Tito"

"Travis nagkita na kami ng mommy ni Sophia"

Sandra's POV (Sophia's mama)

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit siya bumalik? Bakit ngayon pa? Okay na kami kahit wala siya pero gusto ko pa ring mapakinggan lahat ng sasabihin niya, lahat ng explanation niya.

"Sandra"

"Kilala mo pa pala ako"

"Sandra please, SORRY"

"Sorry? After all this years, matapos mo kaming iwanan na lang at hindi man lang pinaglaban sa pamilya. Sorry, ano pang magagawa ng sorry mo.

"Hindi ko yun sinasadya."

"Oh! Please stop Patrick. Ngayon pa ba ako maniniwala sa isang sinungaling na katulad mo."

"Pinaglaban ko kayo. Palagi kayong nasa isip ko pati na rin dito, sa puso ko. Ilang beses kong sinubukan pero.

"Pero ano, ayaw ng pamilya. Patrick, pamilya mo rin kami."

"Its not that"

"Then what? Tell me, tell me why you abandoned us. Baka sakaling mapatawad pa kita at matanggap ko yang sorry mo."

"Nagkasakit ako, maniwala kayo gustong-gusto ko kayong balikan pero hindi ko magawa. Alam mo bang araw-araw akong nangugulila sa inyo. Iniisip ko kamusta na kaya kayo, si Sophia?"

"Hindi lang ikaw Patrick, pero noon yun masaya na kami ngayon."

"Sandra, I want our family back."

"Sana noon mo pa ginawa lahat ng ito"

"Sandra I can't, I have been confined for years that is why I can't go back here. My mom already accept what I want. She also want to say sorry to you."

"We don't need you anymore"

"But Sandra, listen. I accepted the fact that you can't fogive me but I just want to talk and say sorry to Sophia cause I know siya yung pinaka nasaktan dito."

"Buti naman alam mo yan."

"Gusto ko siyang makasama, gusto kong magkaayos na kami."

"Anong gusto mo, makasama siya? Ano yun kukunin mo siya sa akin? No way, It can't be?"

"I'll fight for it. I'll fight for us. I'll fight for our family."

"Then do it"

"I'll do, Nakalimutan ko palang sabihin sayo para maniwala ka na totoo lahat ng sinabi ko. Nung nagkasakit ako may nakilala ako. Kwenento ko lahat sa kanya at naintindihan niya ako.

Hindi ako makakauwi dito kaya kapag nauwi sila dito pinababantayan ko kayo, lalo ni si Sophia. Hindi ko alam na kilala niya pala ang anak natin, simula pagkabata pa.

Nagdecide silang dito na tumira kaya nakiusap ako na bantayan at tingnan-tingnan pa rin kayo. Dahil dun tiwala ako na kahit wala ako ay may magproprotekta at magtatanggol sa inyo.

Masaya ako dahil nakilala ko si Travis. Ang bait niyang bata para madamay sa buhay natin. Lalo na ngayon dahil naaksidente siya nung araw na dapat magkikita kami."

"Siya?"

Ibig sabihin matagal na niya kaming, wait. Bakit hindi niya agad sinabi kahit savakin man lang. Pinagkatiwalaan ko pa naman siya.

Kailangan ko siyang makausap, kailangan ng matapos lahat ng kasinungalingan nila. Lalo pa nung wala si Sophia sa kwarto niya at pumasok ako may nakita akong notes sa notebook niya. And there she said,

"I think I am secretly falling inlove with Travis."

Alam kong malalim ang galit ni Sophia sa daddy niya. Oo ayaw ko maapektuhan ang kung anong meron sila ni Travis pero gusto kong maayos na lahat ng ito. Ayaw kong sa huli ang anak ko pa ang masaktan.

Umalis na rin ako at umuwi sa hotel. Kailangan ko na talagang matapos agad ang trabaho ko sa Davao. I wan't all this to stop basta ayaw kong mawala sa akin ang anak ko. Hindi ako papayag nakuhanin at ilayo sa akin ni Patrick ang anak ko.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon