Chapter 15: Getting to know him

580 22 0
                                    

"Mommy sino po bang bisita ko? TRAVIS?"

Anong ginagawa niya dito? Siya kaya ang nagsabi kay mommy na nagkasabay kami kanina? Pero bakit? Bakit ba kasi ganan siya?

"Travis, Anong ginagawa mo dito? Anong kailangan mo?" Naupo ako sa tabi niya.

"Gusto lang kita Makita. Masama ba? Ayaw mo ba?" Bakit gusto niya ako makita?

"Pati magtatanong sana ako sa mga ginawa niyo nung hindi ako nakapasok." Ayun naman pala.

"Bakit ba kasi hindi ka nakapasok?" Kasalanan mo yun pasalamat ka mabait ako kaya tutulungan kita.

"Hindi kasi nakapag function ng maayos yung puso ko. Nasaktan ata kahapon." Teka ano daw?

"May sakit ka Travis?" Tinawanan niya lang ako.

"Joke" Grabe, nakapag joke pa siya.

"Magmeryenda ka muna Travis tapos dito ka na din kumain ng dinner."

Bakit dito pa siya kailangan kumain ng dinner.

"Hindi na po, salamat na lang po." Buti naman tumanggi ka.

"Pag hindi ka kumain dito ng dinner kahit kelan hindi ka na makakapunta dito. Dito ka na kumain, humindi ka man ulit wala ka ring magagawa."

Mommy, wag mo na pilitin kung ayaw. "Mommy" Hayaan mo na lang kasi siya mommy.

"Kung yan po ang gusto niyo, sige po." Ano? Sige na nga mukhang wala rin naman akong magagawa.

"Kukunin ko lang yung mga gamit ko sa taas." Umakyat agad ako tapos bumaba rin agad.

"I had a dream of you and me last night. Under the star and moon so bright. Lying together we hold each other tight. Now were together, never ever will I leave you."

Ang ganda pala ng boses niya, kabaliktaran ng boses ko.

"Now were together, never ever will I leave you. Now were together"

Ang sarap pakinggan ng boses niya habang tumutugtog ng gitara. May gitara pala malapit sa kanya. Akin yun, tinatry ko kasi pag-aralan kahit hindi naman ako ganun kagaling kumanta.

"Sophia, andito ka na pala. Sorry, namiss ko lang kasi agad mag gitara." Pakailamero ka naman talaga.

"Ayos lang, mag-aral na tayo." Kinuha niya na yung mga gamit niya at gaun din ako. Ang bilis niya matuto. Kahit papano pala may magandang ugali ang lalaking ito.

"Sophia" Hindi ko namalayan, tinititigan ko na pala siya. Nakakahiya pa tuloy sa kanya.

"Ah, sorry hindi ko lang kasi inakala na marunong ka pala mag-aral ng mabuti. May pakialam ka pala sa pag-aaral." Tinawanan niya lang ako.

"Ganun ba ako kasama sa tingin mo?" Paano kung sabihin kong Oo.

"Travis, bakit pala sa akin ka nagpapatulong? Bakit hindi ka nagpatulong sa pinsan mo?" Kanina ko pa dapat yun itatanong nawala naman sa isip ko.

"Wala siya, kaya nga maaga siyang umuwi kanina. May pinuntahan sila ng family niya." Oo nga pala, bakit ba nawala sa isip ko. Ang dami ko n a talagang nakakalimutan

"Ah, okay" Binalik ko na yung tingin ko sa mga notes ko tapos nagpatuloy kami sa pag-aaral.

Maya maya napansin ko na may dalawang mata atang nakatitig sa akin. Tinaas ko yung ulo ko, bakit ganan ka makatitig Travis?

"Travis, anak kumain na muna kayo. Nakahanda na yung dinner." Nagkaiwasan tuloy kami ng tingin bigla.

"Sige mommy susunod na po kami." Inayos na namin yung gamit namin. Tapos na rin naman kami.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon