Chapter 11: Surprise

571 26 0
                                    

"Good morning Anak" Ang aga naman naglalambing ng mommy ko.

"Good morning my super sexy and pretty Mommy Sandra" Sabay hug ko sa kanya.

"Eto na naman yung anak ko binobola na naman si mommy" Mommy totoo lahat yun.

"Mabuti pa magbihis ka na tapos maghanda ka na. Remember, birthday ni Yaya ngayon?" Oo nga pala, excited na talaga ako.

"Okay mom I will" Bumangon na agad ako tapos naghanap ng damit. Bumaba na rin si mommy. Maaga pala kaming aalis kasi isasama namin sa salon si Yaya. Papaayusan namin siya tapos habang nagagala kami aayusin na yung venue. Ang galing talaga mag-isip ni Ata Ara ng surprise. Mabuksan nga muna ang facebook account ko.

100 notifications "Seriously?" Sino kaya to? Binuksan ko na yung mga notifications ko and nasurprise ako. Si Travis Cruz? Flood siya ah. Ano bang problema nito. Bahala nga siya, ang mahalaga dagdag likes yung mga yun. Mabuti pa makababa na.

"Hi Ate Ara" Ang aga niya. Sabagay madami din namang aayusin kaya dapat maaga masimulan.

"Good morning Sophia" Ang ganda ng ngiti niya.

"Happy Birthday Yaya Anna" Nakita ko na siya.

"Salamat anak" Niyapos ko muna siya tapos

"Ya tara labas tayo since birthday mo naman diba?" Nagpacute pa ako sa kanya.

"Wag na hindi na naman kailangan yun. Makasama ko lang kayo buo na yung birthday ko." Ang sweet naman nun, ang sarap pakinggan.

"Pero Yaya special yung araw na to, 60 ka na kaya. And Yaya please pagbigyan mo na ako isasama naman natin si mommy e. Magsasalon lang tayo, bibili ng damit para naman maganda kayo ngayong birthday niyo. Kaya Yaya please! please! pumayag na po kayo."

Sana umeffect lahat ng sinabi ko pati paglalambing ko.

"Sige na nga pero magbibihis muna ako" Yes! Ang galing ko talaga.

"Thank you Yaya, sige po magbihis na kayo hihintayin na lang namin kayo ni mommy."

Speaking of mommy, asan na ba siya?

"Sophia, napapayag mo ba?" Saan kaya galing si mommy?

"Yes! Mom tuloy na tuloy na talaga to" Ngumiti naman si mommy tapos inantay na lang namin si Yaya.

"Wow, Yaya ang ganda ganda mo." Pagkasabi ko nun tinawanan lang ako ni Yaya.

"Kahit kelan talagang bata ka ang galing mambola." Hala, hindi ko kayo binobola Yaya.

"Mabuti pa tara na. Para naman mas matagal natin macelebrate yung special na araw ngayon. Ara, ikaw muna bahala dito sa bahay." Sabay nag yes naman si Ate Ara. Umalis na kami tapos kitang-kita ko yung saya sa mukha ni Yaya. Sana magustuhan niya. Nakarating na kami sa salon. Ang tagal namin dun. Pagkatapos nag lunch muna kami tapos hinanapan namin ng magandang dress si yaya. Parang debut lang e. Nung nakahanap na kami pinilit naming na suotin niya habang sila Ate Ara nag-aayos pa rin sa bahay para sa surprise party. Pagkatapos nagpunta muna kaming simbahan. Ang saya saya ni Yaya. Kungwari nagala muna kami sa Park kasi hindi pa rin tapos yung venue. Hindi namin napansin yung oras, mag gagabi na pala. I think ready na lahat. Sumakay na kami sa kotse tapos umuwi na. Pagkababa namin, pumasok agad kami. Dumeretso kami sa garden tapos, "HAPPY 60TH BIRTHDAY YAYA ANNA" Ang ganda nung venue, ang galing talaga ni Ate Ara mag-ayos. Purple yung theme, yun kasi yung favorite color ni yaya. Hindi napigilan ni Yayang umiyak. Pinaupo muna namin siya tapos nagsalita si mommy. Pagkatapos nun ako naman.

"My life will never be complete without you Yaya Anna. For 15 years, you have always been there for me no matter what. Thank you for always taking care of us. I hope nagustuhan niyo lahat ng to. You've serve as my second mother, ate, friend, and I am very thankful that you have been part of my life for over long years. May the god always bless you. I wish you all the best, more birthdays and blessings to come. Enjoy, I love you Yaya."

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon