Chapter 1

3.4K 80 3
                                    

Author's Note

Hi! Unfortunately this is my first story. Hope you'll like it. All the names, events, etc. ay mga imaginations ko lamang. Sana magustuhan niyo. Comment lang kayo, sana mag vote kayo. Enjoy!

Love? Meron ba nun? Nakakain ba yun? I am so bored of the idea of LOVE.

Bakit totoo naman diba? Bakit pag nagmamahal ka kailan mo pang masaktan? Para matutunan mo at malaman ang lahat? Ano yun lokohan.

Sorry ang bitter ko pero nagsasabi lang ako ng totoo. Sa mga napagdaanan ko, natuto na ako. Alam niyo bang dahil sa lintek na LOVE na yan na pinaniwalaan ko nasaktan lang ako. Kung totoo yan, bakit wala sa tabi ko ang Daddy ko? Iniwan niya lang kami ni Mommy.

Naiinis ako kasi sobrang nasaktan si mommy. Ngayon sabihin niyo? anong ginawa ng love niyo? Forever? Happily ever after? Happy Endings? Sus! kalokohan, nothing stays forever.
Everything will change at kailangan lang pag nangyari yun maging handa ka. Ang sakit, ang hirap, sa mga napagdaanan ko I became stronger, braver, and independent Sophia Mendoza. Yes! yan ang pangalan ko.

Next school year Grade 10 na ako, kasi naman baksyon ngayon at sobrang saya ko kasi mas matagal ko makakasama yung pinaka maganda at pinaka mahal kong mommy Sandra at ang pinakamamahal ko ring yaya Anna.

Siya na rin yung kasama ni Mommy na nag-alaga sa akin nung panahong iniwan kami ni daddy. Hindi niya kami pinaglaban sa pamilya niya. Wala siyang kwenta kasi iniwan niya kami sa ere, kami ni mama. Hindi niya kami pinahalaghan, ngayon sabihin niyo asan dun yong pagmamahal.

Simula nung iniwan niya kami nung grade 5 pa lang ako hinahanap hanap ko na ang pagmamahal ng isang ama. Ang sakit lang nung araw na yun na yung pinaka mahal at mahalagang lalaki sa buhay ko ay iniwan ako. Wala ng magtatanggol sa akin kapag may nang-aaway sa akin. Wala na yung superhero ng buhay ko. Kada papasok ako ng school lagi na lang akong umiiyak, oo iyakin ako. Hindi naman ako ganun noon nasaktan lang talaga ako. Naalala ko tuloy nung kasama pa namin si Daddy. Masaya, I was amazed of the idea of Love. Nafeel ko yan sa pagmamahal ni daddy at mommy sa isa't isa at ganun din sa pagmamahal nila sa akin. Lahat yun ngayon memories na lang, memories na kahit kelan alam kong hanggang dun na lang at hindi na maibabalik pa. Minsan nga inisip ko pa, nasan na kaya si Daddy? Masaya kaya siya? Masaya siya na iniwan niyang mesirable yung buhay namin? Oo naging mesirable yung buhay namin lalo na si mommy. Lagi ko siyang nakikitang umiiyak. Mayaman kami pero sa pagkakaalam ko mas mayaman yung papa ko. Kilala yung pamilya niya, ang Mendoza Family. Hindi ko nga alam kung bakit apelyedo pa niya yung gamit ko, hindi ko kayang maging isa sa pamilya niya na walang kwenta. Masaya na kami ngayon nila mama, maayos lahat pati yung business namin at okay na kami kaya ngayon hindi na namin siya kailangan. Hindi ko na nga maramdaman ngayon yung salitang kulang. Ayaw ko na siyang makita pa. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa amin, I learned how to be independent and how to stand by my own.

Flashback

"Sophia mag-ingat ka anak ha! Susunduin ka na lang ni mommy mamaya" hinahatid ako ni mommy sa school, naalala ko pa tuloy nung dalawa pa sila ni daddy na naghahatid sa akin.

"Thanks mom, ikaw rin" Pagpasok ko nakita ko na naman yung mga nang-bubully sa akin. Hindi yun alam ni mama kasi ayaw ko na siyang mag-alala.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon