Chapter 32: Missing You

445 23 0
                                    

Author's note
Thank you sa mga nag votes. Keep reading! Continue voting! Love you guys (purple heart)

Ara's POV (Special Chapter)

"Alyana" Yan na ang tawag namin sa kanya ngayon. Nakakapanibago rin pala.

"Ate Ara! Namiss kita sobra"

"I miss you too Ate" ngayon ko na lang ulit siya nakita. Ang ganda pa rin ni Sophia este Alyana.

"Kamusta na ang pinaka maganda kong pinsan" nakakamiss siya sobra

"Maganda pa rin haha. Ikaw Ate kamusta?"

"Dito na ako magwo-work."

"Wow" ang saya saya niya. Kung hindi ko alam na nagkasakit to at nakalimutan lahat sa tingin ko walang nagbago. Wala siyang pinagbmago. Andun pa rin yung mga ngiti niyang napakanda. Mukha niyang tulad ng isang anghel na palaging masaya. I miss her so much despite the things that happened. Even though a lot has changed.

"Ara nakapunta ka na ba sa mommy mo?" tanong ni Tita Sandra

"Yes tita una po ako dun nagpunta bago dito. Dun rin po ako natulog kagabi"

Ang saya saya ni Tita Sandra. Ang laki ng bahay nila ngayon. Nakalipat na sila at kasama na rin nila si Tito Patrick. Masayang masaya na talaga sila.

Nagkwentuhan lang kami ni Alyana. Nanuod ng movies at kung ano anong kabaliwan ang ginawa namin.

Nagdala si Tita Sandra sa amin ng meryenda sa may pool. Naupo rin siya at nakisali sa amin.

"Ara buti naman at nakabalik ka na"

"Oo nga po tita, nakakamiss rin kasi ang Pilipinas"

"Lahat ba kayo umuwi?"

"Hindi po Tita. Matagal na rin silang nakauwi."

Hindi nga pala naaalala ni Alyana si Travis.

"Pati kapatid mo?" natigilan kami ni Tita at mukhang nagulat si Alyana

"May kapatid ka ate"

"Oo" nagulat din ako sa nasabi ko

"Yes! kaedad mo siya. Nakalimutan kong sabihin kasi si Ara lang naman talaga ang kakilala at kaclose mo" sinabi ba talaga yun ni Tita Sandra

Hindi na nagsalita si Alyana at nagpunta sa kusina. Ipagluluto niya daw kami ni tita dito.

"Tita bakit niyo po sinabi na may kapatid ako?"

"Kung nandito na rin pala siya hindi naman imposible na muli silang magkita lalo na ngayon na nandito ka na rin"

"Thank you tita but its" hindi ko natapos kasi nagsalita ulit si Tita Sandra.

"Gusto ko sanang humungi ng tawad sa kanya sa mga nagawa ko lalo na't alam kong importante siya sa anak ko at importante ang anak ko sa kanya"

"Noon po yun tita" nabigla siya at natigilan sa sinabi ko

"Nagpunta kami sa US. A month later naaksidente si Travis" napataklob si Tita ng kamay niya sa kanyang bibig

"Na coma siya for a year at hindi nakapasok. And afterall nagising rin siya but something change. He can't even remember everything even us. Just like Sophia or should I better call Alyana, nakalimot rin siya. Parehas din nilang hindi na kilala ang isa't-isa"

Hay! nakauwi na ako sa bahay. Wala pa si Travis. Namoss ko siya ang tagal na kasi nila dito tapos ako kauuwi lang. May ipapakilala nga daw siya sa amin.

Masaya ako na masaya na ulit ang kapatid ko pati si Alyana. Pero sana pwede pang ibalik ang dati. Sana hindi na lang nangyari ang mga nangyari

"Ate" may nagsalita mula sa likod ko

"Nagpunta ka sa pinsan mo?" ala niya pala na bukod kay Xian na isa ko pang kapatid ay may pinsan ako na sobrang close ko na kilala niyo na ngayon bilang Alyana.

"Oo! Akala ko wala ka pa Travis"

PS. Kahit alam niyang may pinsan ako wala pa rin siyang alam sa lahat ng nangyari. Hindi na rin namin pinaalala sa kanya ang lahat dahil ayaw ni daddy. Oo, si Alyana ang dahilan ng aksidente niya.

May nantrip sa kanya sa US at sinabing nasa hospital si Alyana. Wala siya sa bahay pero sa pag-uwi niya dun siya naaksidente.

Nakita namin yung text sa phone niya. Tinawagan ko si Tita Sandra at dun ko nalama na nasa hospital nga siya at may sakit. Nakakausap ko na lagi si Tita mula nun.

"Ate pupunta dito si Sophia" Sophia? Nagulat ako at nabigla sa sinabi niya. Bigla tuloy akong kinabahan

"Kaklase ko siya. Nililigawan ko na Ate. Sophia Cepeda" biglang may kung anon g sumakit sa puso ko. Paano na ang pinsan ko?

"Sino naman yun? Baka mas maganda at mabait pa dun ang unang Sophia na nakilala mo" pabulong ko para hindi niya marinig.

"Anong sabi mo Ate?" hindi niya nga narinig

"Sabi ko Oo. Sige akyat na ako" iniwan ko na siya sa baba.

May nililigawan na pala siya. Bakit ngayon niya lang sa akin sinabi. Kaklase niya pa pala who knows kung sila ang magkatuluyan baka ang bongga ng ipapatayo nilang restaurant.

It can't be. Ang kapatid ko ay para lang sa pinsan ko. Pangit mang pakinggan pero yun ang gusto ko. Sana nga lang hindi na huli ang lahat para sa kanya.

Kung pwede ko lang sabihin sa kanila ang lahat. Kung pwede lang lahat ng sana natutupad. SANA

Hahaha

Bakit ba kasi pinagtagpo mo pa sila tadhana kung pilit mo ring ipaglalayo?

Bakit mo inilalayo ang mga pusong gustong gustong magtagpo

Time passed and now its different. Both of them can't figure out each other.

At the end of the day I know that thigs will come for them to be together again.

Two broken hearts is very hard to fix but just those two can make it again a better one.

If ever its now too late, I just hope and want them to be happy.

Ang mundo ay umiikot at lahat nagbabago. May mga taong dumadating at may mga taong umaalis but life is simply about who cares enough to stay.

Sana lang maging maayos na lahat. Kung ano man ang mangyari bahala na basta ang ayaw ko lang ay ang makita ulit silang dalawa na parehas importante sa akin at mahal na mahal ko na makita ulit na umiiyak, nasasaktan at nahihirapan.

Wala na rin namang galit si daddy. Okay na rin si Tita Sandra pero yung dalawa na lang talaga ang problema kasi hindi na nila kilala ang isa't-isa.

Alam mo yug mas malala? May mga bagong tao silang nakilala at malapit na sa kanila. Hay life why so mean.

I just hope the best for the both of them.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon