Thank you lord for this wonderful morning. Salamat at ginising niyo ako sa isang pangit na panaginip.
Beep Beep Beep
Nasan na ba yung phone ko? Sino kayang nagtext. Naku 8:00 na rin pala, tanghali na.
"Bes, Yna"
Shocks, wala na sila, nakaalis na kaya sila. Bakit kasi gabi na rin ako nakatulog, yan tuloy tanghali na rin ako nagising. Teka, sino kayang nagtext sa akin.
Bes
Bes asan kana, bumaba ka na magsisimula na yung event
Shocks, late na nga ako nasa baba na siya. Anong gagawin ko, patay na ako neto. Nireplyan ko na lang na bababa na rin ako. Dali dali akong naligo, nagsuklay tapos nag-ayos. Bakit ba kasi tanghali ako nagising. Dali dali akong bumaba pero naalala ko naiwan ko yung phone ko kaya bumalik ako sa kwarto. Asan ko nga ba nailagay yung phone ko.
Ring! Ring! Ring!
"Bes asan ka na ba? Bumaba ka na dalian mo" narinig ko agad yung boses ni Bes.
"Pababa na ako, hintayin niyo lang ako. Binalikan ko lang dito sa kwarto yung phone ko. Sige papatayin ko na, pababa na rin ako"
Pinatay ko na tapos dinalian kong bumaba. Kailangan kong dalian baka kasi kailangan na ako ng group ko.
"Sophia, ayos ka lang?" Hiningal ako sa kamamadali.
"Okay lang ako, nagsisimula na ba?" Mukhang hindi pa ata nagsisimula. Teka parang may kulang ata sa grupo namin. Bakit lima lang kami ngayon? Asan si Travis?
"Best lima lang tayo ngayon buti na lang walang laro ngayon." Teka paano yun, anong nangyari?
"Umuwi na si Travis" dagdag ni Karl.
"Pinauwi na siya ni Ate Ara. He is not feeling well. Paano ba naman kasi gabing-gabi nasa labas pa rin. Buong gabi daw nasa may pool, ayun inuubo at sinisipon."
Seryoso ba si Bes sa sinabi niya. Kung ganun, hindi panaginip lang lahat ng yun. Siguro nandun nga siya pero yung kiss panaginip lang yun. Panaginip lang lahat yun.
"Bes okay ka lang ba?"
"Okay lang ako. Tara na magsisimula na yung event."
Nagsimula na nga, tapos lecture muna yung activity ngayon. Pagkatapos may mga speakers. Nagsimula na rin yung mga booths na buksan. Teka bakit parang may kulang. Dapat mag enjoy lang ako ngayon. Dapat nga mas matuwa pa ako kasi wala ngayon si Travis. Ano na kayang nangyari sa kanya? Okay lang kaya siya? Teka, bakit ko ba siya iniisip. Mabuti pa kumuha na lang ako ng pagkain sa loob. Binuksan ko yung facebook ko tapos naupo ako.
Travis Cruz sent you a friend request
Ano na naman kayang binabalak ng lalaking ito. Hindi, hindi ko siya dapat i-add. Shocks, no way bakit ko napindut yung confirm. Paano na to. Hindi to pwede, kailangan ko siyang i-unfriend baka may kung ano pa tong gawin. Shocks, lowbat na ako. Bakit ngayon pa naubusan ng charge yung phone ko. Hindi to pwede, pupunta muna sa kwarto icha-charge ko muna to. Kailangan ko siyang ma-unfriend. Iniwan ko muna yung phone ko habang nakacharge baka may gawin kasi sa baba hindi pa ako makasali. Bakit ba kasi ang malas ko ata ngayon. Kainis, asan na kaya sila? Siguro andiyan lang naman yung mga yun. Dito na lang muna ako sa loob.
"Ang saya ng mga booths diba?" Ayun nandito na rin sila. Rinig na rinig ko yung tawa ni Yna. Hindi nila kasama yung dalawang lalaki.
"Bes bakit nandito ka lang" sabay sabi ni Bes,
"Masaya sa labas" dagdag ni Yna.
"Okay lang ako, inaantok pa rin kasi ako. Gabi na pala talaga ako nakatulog kagabi"
"Teka diba gabi na rin natulog si Travis kagabi kasi magdamag siyang nasa labas. Magkasama ba kayo kagabi?" tanong ni Yna.
Bakit niya ba yun naisip. Oo, magkasama kami kagabi pero hindi ko pwedeng sabihin yun baka asarin na naman nila ako.
"Hindi, ako sasama sa kanya? No way, isa pa hindi lang talaga ako makatulog kagabi." Natigilan naman yung dalawa. Nakahinga din ako ng maluwag. Sumama na rin sila sa akin, naupo sila sa tabi ko. OP ako sa kanila, puro yung nangyari sa kanila ngayong araw yung pinag-uusapan nila. Bakit ba kasi hindi ako sumama mukhang ang saya saya nila. Mamaya matutulog talaga agad ako sa bahay. Mamaya susunduin na rin ako nila mommy.
Umakyat na kami sa taas at pumasok sa kwarto namin para ayusin ang mga gamit namin. Maya maya rin kasi uuwi na kami. Katatapos lang ng closing program. Grabe nakakapagod pero aaminin ko nag-enjoy ako. Sana maulit pa. "Bes tara na sa baba baka andun na rin yung sundo natin. Bumaba na kami at sakto andun na yung mommy and daddy ni Bes.
"Hi Tita Cassandra, Hi Tito Mike" lumapit kami sa kanila.
"So how is the event?" tanong sa amin ni Tita.
"It was fun mom" Sabi ni Bed and yes it was fun.
"Nag-enjoy ba kayo?" tanong naman ng dad ni Best.
"Yes Tito Mike, ang dami nga naming natutunan at sobrang nag-enjoy po kami kahit nakakapagod."
Umiwi na sila Bes pati sila Yna, Justin at Karl. Si mommy nagtext malapit na daw sila. Namiss ko agad yung mommy ko.
"Anak! Kamusta?"Andiyan na sila at last.
"Ayos lang mom, masaya yung event. Nag-enjoy po ako. How about you?"
Nagsmile siya, mukhang ang saya saya niya.
"I'm fine, I'm:happy na makakasama na ulit kita, namiss ko kasi yung baby ko ng sobra"
Ang mommy ko talaga. Parang dalawang araw lang naman akong nawala pero sabagay kahit ako naman namiss siya.
"Namiss din kita mommy" Niyakag ko na si mommy umuwi.
"Tara na, mukhang pagod na pagod ka na rin"
Yes! Mommy kung alam mo lang na pagod talaga ako. Nakakapagod yung mga laro tapos puyat pa ako. Namimiss ko na yung kama ko, yung kwarto ko. Gusto ko na talaga matulog. Sumakay na kami sa van tapos ayun nag head set ako tapos pagmulat ako nasa bahay na ako.
"Nak gising na nasa bahay na tayo." Minulat ko yung mga mata ko at ayun nasa bahay na nga kami.Nakatulog ako sa biyahe sa sobrang antok at pagod. Kulang pa yung tulog ko inaantok pa rin ako. Pumasok na kami ni mommy sa loob.
"Welcome back Sophia" bungad ni yaya. Niyapos ko agad siya. Namiss ko rin siya.
"Welcome back Ate Ganda." Teka andito si Xian? Ang sarap naman pakinggan ng Ate Ganda.
"Hello naman sa pinaka pogi kung pinsan" sabay kurot ko sa pisngi niya. Ang cute niyakasi.
"Xian, uuwi na tayo tara na?" Nakita ko si Tita Clara. Kiniss ko muna siya. Tapos nagkamustahan kami at umuwi na rin sila. Sa bahay na lang daw sila mag di-dinner. Sumaglit kasi sila dito kaso sinusundo ako ni mommy. Nagtext narin kasi si Tito Aljur kaya umuwi na sila.
Kumain muna ako ng dinner bago pumasok sa kwarto ko at matulog. Namiss ko yung luto ni Yaya. Hindi rin pwedeng hindi ako kumain kasi paborito ko yung ulam, adobo.
"Wow! Adobo" sabay upo ko agad.
"Mukhang pagod na pagod ka"
Yes yaya pagod nga ako. Umakyat na ako pagkatapos kokumain. Nakakamiss yingkwarto ko, yung katahimikan dito. Walang gilo at walang nanggugulo. Si mommy, si yaya, si Xian, si Ate Ara at si Bes lang ang nakakapasok dito.
Hay! LIFE mabuti pa makapagpahinga na.
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)
Fiksi PenggemarSa hindi inaasahang lugar tayo'y nagkita. Sa daming nangyari tayo rin pala talaga. Bakit ng minahal na rin kita pinaglayo naman ni tadhana. Sa iyong pagbabalik hindi na kita kilala. Nakalimutang tunay tila ba sinadya. Sa muling pagkikita ay muli rin...