Chapter 13: Plan

535 28 0
                                    

Knock! Knock!

"Anak gising na" Si mommy pala.
"Gising na po ako mommy, liligo lang ako tapos bababa na rin po ako."

Bumangon na ako tapos hinanda na yung uniform ko. Naligo at bumaba na rin ako. Nasa lamesa na sila mommy at si Yaya. Nakahanda na yung breakfast. Ininom ko yung gatas ko tapos kumain na.

"Sophia hindi kita maihahatid ngayon. Madami akong kailangang gawin sa office."

Kaya pala an gaga niya akong ginising.

"Okay lang mommy" Nagmamadali talaga si mommy. Marami ata talaga siyang gagawin sa office niya.

"Sophia una na ako. Ingat ka, si Yaya Anna na lang ang maghahatid sayo." Kiniss at hug ako ni mommy tapos umalis na rin.

BEEP!

Ewan

Good morning

Naalala ko tuloy yung kahapon. Si Travis nga kaya ito? Pero bakit niya ako itetext. Hindi nga kami magkasundo. Kailangan ko talaga malaman kung sino talaga to. Anong trip kaya to? Sorry hindi ako basta basta kaya sasakyan kita. Malalaman ko rin kung sino ka.

To Ewan

Good morning

"Sophia hatid na kita" Naku kailangan ko na nga palang umalis baka malate pa ako.

"Okay Yaya" Tumayo na agad ako tapos pumasok na rin sa kotse. Si Yaya asa may unahan katabi siya ni Kuya Anton ako naman sa likod.

Ewan

Nakakain ka na ba ng breakfast?

To ewan

Yes! How about you?

Ewan

Good! Nakakain na rin ako. Actually papasok na ako. Ikaw ba?

To Ewan

Ako din, pwede bang hintayin mo ako sa may gate para makilala na rin kita.

Ewan

Pwede, kung maaabutan kita. Nagmamadali kasi ako dahil may gagawin pa ako sa school.

To Ewan

Ah! Ganun? Pero saglit lang, gusto ko lang talaga na makilala ka .

Ewan

Makikilala mo rin ako Sophia. Sige, malapit na rin ako sa school.

Napansin ko malapit na rin pala ako sa school.

To Ewan

Okay fine but can I ask you something?

Are you a boy or a girl?

Ewan

Boy.

So may posibilidad nga na si

"Sophia andito na tayo. Ingat ka" Andito na pala kami sa school. Bumaba na rin ako tapos, seriously?

"Travis" Magkasabay kaming bumaba sa kotse. Umalis na siya agad at alam ko nakita niya ako. Bakit ganun ang weird niya simula kahapon?

"Grae" Paglingon ko nakita ko si Grae palakad papasok.

"Sophia! good morning" Ang cute niya talaga.

"Good morning" Yun lang yung nasabi ko sa kanya.

"Sabay na tayo, hatid na kita sa room mo." Teka, seryoso ba siya?
"Ha, fine" Naglakad na kami tapos napansin ko ang weird niya din. Nakangiti lang siya habang naglalakad kami. Hindi man lang siya nagsasalita basta nakangiti lang siya. Maganda ba ang gising niya?

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon