Chapter 16: Reasons

536 25 0
                                    

Buti na lang nakasabay ko pumasok si Yna.

"Ouch" Ang ganda na sana ng araw ko kaso, Grae?

"Sorry Sophia, I didn't mean it." Akala ko naman kung sino, wag ka mag-alala alam ko namang hindi mo talaga sinasadya.

"Yes you did it." Sino naman kayang epal to? Tumalikod ako, and guess what.

"Tavis?" Ang epal mo talaga.

"Bes" Dumating si Bes

"Travis, Yna, Grae, anong meron?" Kung alam mo lang, wait anong oras na ba?

"Naku, malelate na tayo" niyakag ko na sila tapos umalis na kami.

"Una na rin ako Sophia." umalis na si Grae tapos kami rin.

Hindi ko pinapansin ang epal na si Travis. Pagdating namin sa room, saktong dating ng teacher namin. May dala siyang bouquet of flowers, may manliligaw ata si Ma'am.

"Good morning class" Ma'am pwede bang morning lang, wala kasing maganda sa umaga.

"Good morning ma'am" Binati rin naman siya pabalik.

"Sophia, may nagpapabigay pala sayo, ang sabi nung nagbigay sa akin pinag-utusan lang daw siya. Hindi ko alam kung kanino galing ikaw na lang magbasa. May card din ata sa loob."

Sa akin? Sino naman kayang magbibigay nito sa akin? Hindi ba siya natatakot na ipahiya ko siya? Kinuha ko rin yung bulaklak tapos si Bes at si Yna excited malaman kung sino pero tinakluban ko ng kamay ko yung card habang binabasa ko kung kanino galing.

To: Sophia

From: Travis

Travis? Seriously? Para saan, seryoso talaga ba to? Bakit ba kailangan may bulaklak. Ano ako hilo para tanggapin to.

Sige ngiti ka lang diyan, kala mo nagustuhan ko. Hindi no. Pinunit ko yung card, yung tipong punit na punit baka kasi buuin pa nila Yna at Bes at malaman na kay Travis galing yung bulaklak.

Tumayo ako para pumunta sa basurahan sa loob din ng room namin pero sa may part na palikod. Nakita kong lumingon silang lahat. Tinapon ko yung punit punit na card pati na rin yung bulaklak. Hindi na sila nagulat, lagi naman.

Nakita kong nawala yung ngiti ni Travis, paki ko sayo. May gusto nga ata siya sa akin pero sorry kasi ako wala. Alam ko pating pinagtritripan mo lang ako.

Natapos na yung klase namin. Pumunta ako sa may locker tapos saktong pagbukas ko may nakita akong chocolates.

Ano naman tong trip ngayon ni Travis? Ang sarap nung chocolates, nakakapanghinayang itapon mukhang imported pero hindi pwede kailangan kong itapon. Itatapon ko nabsana pero may pumigil sa kamay ko.

"Bakit ba ang bitter mo? Bakit kailangan mong itapon ang mga binigay ko?" Paki mo bang epal ka.

"Don't touch me." Wala pa rin siyang nagawa tapos umalis na ako. Hindi ako nagpunta sa canteen kasi baka andun na naman siya.

Nagpunta ako sa may gym tapos dun nakita ko ang pawisang si Grae.

"Sophia bakit andito ka?" kaming dalawa lang ngayon dito.
"Andito ka din pala, sige aalis na lang ako." Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako, hinawakan niya yung kamay ko.

"Bakit ka aalis, hindi naman kita pinapaalis." Tama ba yung narinig ko? Naupo na kami sa may bench tapos naglabas siya ng pagkain, sandwich. Isa lang yun pero imbis na siya yung kumain binigay niya na lang sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Natigilan ako, hindi ko lang akalaing nangyayari ang mga nangyayari ngayon.

"Oo naman." Nagngitian lang kami tapos bumalik na lang ako room. Madami ng tao ako na nga lang ata yung kulang. Umupo na ako tapos

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon