Chapter 24- Accident

468 27 0
                                    


Ang hirap isipin lahat ng nangyayari. Hindi ko alam kong anong isasagot ko sa tanong ni Grae. Kung papayag ba ako. Ang hirap namang tumanggi kasi mapapahiya si Grae na kaibigan ko din naman siya. "Grae, sige na tumayo ka na diyan."

"So pumapayag ka?" Naghiyawan na yung mga tao kaya hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko na nasabi na hindi yun ganun. Ang ibig sabihin ko tumayo na siya pero hindi ibig sabihin nun pumapayag na ako, yun lang. Hinigit na ako ni Best at Yna papasok ng school. Kasama namin ngayon si Grae papasok habang kinukulit nila kaming dalawa. Pumasok na kami sa room. Pagdating namin nag-ingay sila. Umalis na din si Grae. Pagpasok namin wala si Travis. Asan na kaya yun? Bakit wala siya? Nagklase na kami pero hanggang hapon hindi siya pumasok.

"Hello Travis" Magkatawagan si Yna at si Travis? Hindi na ako magtataka. Naiisip ko pa rin yung kanina. Hindi yung ginawa ni Grae ha. Yung time na kasama ko si Travis sa mall, ang saya. Ang sarap lang isipin na ginawa niya yun. Sabihin na nating para sa akin o para maging masaya lang ako. Super naappreciate ko yun, lahat ng yun. Hindi ko nga inakala na magagawa niya yun. Knowing him, mayabang, akala mo kung sino, yung tipong hindi uso sa kanya ang salitang effort. Umalis na sila pero ako nagpaiwan dito sa school. Balak ko sanang hanapin or hintayin si Tavis dito. Si Grae naman may emergency sa bahay nila. Sana maayos niya yun. Asan nga kaya si Travis? Ano kayang nangyari at hindi yun pumasok? TRAVIS! Asan k aba at bakit pinag-aalala mo ako ng ganito?

BEEP!

Ate Ara

Sophia, nakita mo ba si Travis?

Ate Ara

Andiyan pa ba siya?

Ate Ara

Kasama mo ba siya?

Bakit ganun ang mga text ni Ate? Bigla tuloy akong kinabahan.

To Ate Ara

Ate, hindi kop o siya kasama. Hindi nga po siya pumasok ngayong hapon.

Ate Ara

Kanina ko pa siya hindi nakikita. Ang alam ko pumasok siya.

To Ate Ara

Baka po may inaasikaso lang

Ate Ara

Wala, ewan ko dun. Asan na kaya yung batang yun?

To Ate Ara

I'll pm you pag nakita ko.

Nasaan ka na ba kasi?

Ring! Ring! Ring!

"Hello"

"Sino poi to?"

"This is Doctor Alvarez, I'm sure you know Travis. Nandito siya ngayon sa hospital. Right now, he is not in good situation."

Muntik ko ng mabitawan yung phone ko. Hindi ko alam ang gagawin. Tinext ko na lang si Ate Ara pati na rin si Mommy. Nagpunta na agad ako sa hospital. Hindi naman siya ganun kaimportante sa akin pero kinakabahan at nag-aalala ako ng ganito.

Bakit ganun, kahit naaksidente na siya ang pogi niya pa rin. NAsa malala siyang kalagayan ngayon. Ang hirap isipin at hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Sabi nung nagdala dito sa kanya, may dumaan daw na aso kaya umiwas siya, nabangga sa puno. Sana kasi pumasok na lang siya. Sana maging maayos siya, patay siya sa akin at kay Ate Ara pagkagising niya.

"Sophia! " Speaking of Ate Ara, dumating na siya kasama yung mommy and daddy niya. "TRAVIS" Hindi nila naiwasang umiyak.

Ring! Ring! Ring!

"Hello mommy"

"Anak, kamusta si Travis?"

"Ayo slang siya mommy, andito nap o pala sila Ate Ara. Maya-maya lang po uuwi na rin ako."

"Oh! Sige anak basta mag-ingat ka diyan ha."

" Sige mommy, kayo din." Wait, is that Yna? Bakit siya nakasakay sa wheel chair? At bakit nandito siya sa hospital? Bakit ganun namumutla siya? Hindi kaya yun yung dahilan kaya lagi siyang nakamake-up sa school. May sakit ba siya? Anong meron? Bakit hindi niya sinasabi sa amin?

"Sophia" Tumingin ako sa likod tapos nakita ko si Ate Ara. "Ate Ara" Nag-iiyak siya tapos ang pula ng mga mata niya. Niyakap ko na lang siya. Alam ko nalulungkot siya. "Ate, magiging okay din si Travis. Wag ka ng malungkot Ate."

Binilhan ko ng pagkain sila Ate Ara tapos umuwi na rin ako. Pagkauwi ko, umakyat na agad ako sa kwarto ko. Humiga na agad ako sa kama. Hindi mawala sa isip ko si Yna. Feeling ko kasi this past few days may tinatago siya sa amin at pansin ko yung pagiging malapit nila ni Travis. Feeling ko nga talaga may something yung dalawang yun. Ewan ko basta lagi silang magkasama. Kung sila man, magiging masaya ako sa kanila. Pero sana maging okay na si Travis. Sobrang nag-aalala si Ate Ara lalo na yung mommy and daddy niya kaya sana talaga gumaling nasiya. Alam ko naman magiging okay din lahat. Magiging ayos din siya, yun pa eh ang tigas kaya nun parang bato.

Buti pa si Travis, ang daming taong nandiyan para sa kaniya. May mommy at Ate na siya, andiyan pa yung daddy niya. Hindi ko alam pero bumalik lahat saisip ko lahat. Napaiyak ako dahil naalala ko na naman siya. Bakit ganun? Pwede bang idelete na lang siya sa isip ko? Pwede bang magkaamnesia na lang ako? Pwede bang hindi na lang siya ang nagging tatay ko?

Ano kaya kami ngayon kung hindi niya ako iniwan? Masaya siguro kami ngayon. Buo sana yung pamilya namin. Naghintay pa naman ako at umasa na baling araw o isang araw babalik siya. Mabubuo ulit yung pamilya na dati masaya, at puno ng pagmamahalan. Kung makita ko siya, magprepretend na lang siguro ako na hindi ko siya kilala. Ang kapal naman niya kapag nagpakita pa siya. Kahit kalian, hindi ko siya mapapatawad. Hindi ko siya tatanggaping maging parte ulit siya ng buhay ko.

Beep!

Ate Ara

Si Travis

Ano kayang nangyari? Kamusta kaya si Travis?

To Ate Ara

Ate, kamusta siya?

Ate Ara

He's not okay.

May mga bagay talaga na nangyayari ng hindi mo inaasahan. Yung tipong mabibigla ka na lang. Bakit kaya palagi na lang? Si Travis, alam ko bukas magigising na rin siya. Alam kong hindi siya papabayaan ni God. Nawalan na ako ng isang myembro ng pamilya, si Ate Ara broken family at alam kong hindi na siya kukuhanan pa ni God ng isa pang mahal sa buhay.

"MABUHAYLANG SIYA. PROMISE! MAGPAPAKABAIT NA AKO SA KANIYA. HINDI KO NA SIYA AAWAYIN."    

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon