Its been three years. Ang hirap magkaroon ng sakit na pagkalimot. Buti na lang andiyan sila mommy, daddy, at sana masaya na si Lola sa heaven.
Ayos na yung family ko kahit sabi ni daddy dati daw galit na galit ako sa kanya. Buti na lang andiyan sila para ipaalala ang lahat sa akin. Lahat ng nakalimutan ko.
Okay na naman ako. Thank you lord for giving me a second chance. A second chance everyone deserve. Why, because anyone can change. Everything can change.
"Bye mommy, bye daddy"
"Dadaanan ka daw dito ni Cassy" sweet talaga ng best friend ko. Buti na lang naalala ko ulit siya dahil kina mommy
"Andiyan na po siya sa labas"
Lumabas na rin ako at sabay kami pumasok. Its our first year as a college students. Second year na sana kaso nagkasakit ako. Sa sobrang bait ng best friend ko tumigil siya ara sabay ulit kami pagpasok. Sweet diba?
Namimiss ko tuloy si Ate Ara. Sayang at nasa US daw siya. Kailan kaya ang uwi niya? Siguro bored yun dun. Wala pa naman siyang kasama dun. Siya lang ang anak ng daddy niya pero may bago na rin yung asawa. Tama naman diba ako? Yun kasi ang sabi sa akin nila Mommy. Sobrang close nga daw namin.
Nakarating na rin kami. "Bes tara na" yaya sa akin ni Cassy
Naglakad na kami pero sa magkaibang direction. Magkaiba kasi ang klase namin.
Ako kasi engineering kinukuha siya naman sa medicine. Tibay niya no? Ang tagal nun bago siya makatapos.
"Hi I'm Sophia Alyana Mendoza and you can call me Alyana. That's what my friends call me. I love playing violin (natutunan ko yun pagkagiling ko at sobrang nagustihan ko)"
Hay! hassle ng first day. Asan na kaya si Bes. Umupo muna ako ara magpahinga saglit. Kapagod naman, akala ko pa naman dahil first day walang masyadong gagawin.
Naglakad lakad na lang muna ako. Kung saan-saan ako nakarating. Bumalik na rin ako sa room namin kasi may klase na ulit ako.
Ayaw ko pa umuwi. Sa Cassy naunang umuwi. Busy kasi siya, saka may date ata sila ni Justin. Tagal na nila. Buti pa sila, haha
"Alyana" napatingin ako sa likod. Dito rin pala siya nag-aaral.
"Travis"
(Author's note: Hindi siya si Travis na kapatid ni Ara. Remember, sabi ni Sophia I mean Alyana na wag siyang muling ipaalala sa kanya pag gumaling na siya. BTW siya yung Travis na nakilala niya sa Chapter na donut ang title. His full name is Travis Andrew Andalonte)
"Don't call me Travis, sabi ko naman diba sayo. Just call me Andrew"
"Okay ANDREW" ang sarap niyang asarin
"Nasan si Cassy?" close namin siya. Basta naging kaibigan na rin namin siya. Pwede naman diba yun kahit walang dahilan?
"Kasama niya si Justin. May date sila ngayon"
"Tamo yung dalwang yun. Hindi man lang sinabi hindi pa nagsama"
"Sayo lang naman hindi nagsabi. Bakit naman kailangan pang magsama"
"Ayaw mo na nun kung kasama tayo edi double date"
"Loko ka talaga. Ewan ko sayo sumama ka kung gusto mo"
"Ayaw mo ba kasi double? Gusto mo ba solo?" Hinampas ko siya sa braso. Kahit kailan talaga baliw siya. Lakas mang-asar akala mo naman kaya akong paiyakin.
"So kamusta klase mo?"
"Ikaw kamusta? Umalis ka na dito baliw ka"
"Baliw nga ata. Baliw na baliw sayo"
BINABASA MO ANG
Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)
FanfictionSa hindi inaasahang lugar tayo'y nagkita. Sa daming nangyari tayo rin pala talaga. Bakit ng minahal na rin kita pinaglayo naman ni tadhana. Sa iyong pagbabalik hindi na kita kilala. Nakalimutang tunay tila ba sinadya. Sa muling pagkikita ay muli rin...