Chapter 21: Truth Hurts

544 24 0
                                    

Nakakahiya naman kaya mommy kasi napaaga yung uwi niya. Okay na naman ako at saka makakapasok na ako ngayon. Hindi rin kasi pwedeng umabsent ako kasi madami akong mamimissed na lessons. Kailangan kong pumasok sa madaming dahilan.

BEEP!

Mystery Guy

Papasok ka? Balita ko nagkasakit ka?

To Mystery Guy

Papasok ako, ayos na ako ang galing kasi ng doctor ko.

Mystery Guy

Good, see you!

Gusto mo  talaga akong makita? Kailan mo ba aaminin kung sino ka talaga? Pagkakain na pagkakain ko ng breakfast at pagkainom ng gamot sumakay na ako sa kotse at pumasok. Pagbaba ko ng sasakyan, nakita ko si Grae.

"Sophia, kamusta balita ko nagkasakit ka?" Bakit ganun parehas sila ng sinabi ni Mystery Guy.

"Ayos na ako." Ang dami talagang nagmamahal sa akin kahit ganito ako.

"Sophia" Nakita ko si Yna papalapit sa akin kasama si Tavis. Kailangan ko ba talagang makitang magkasama sila para aminin sa sarili ko na nasasaktan talaga ako?

"Yna" Hindi ko tuloy magawang makatingin sa mata ni Travis.

"Sabi ni Travis nagkasakit ka daw? Okay ka na ba?" So open pala talaga kayo sa isa't-isa. Edi shing na lang sa inyong dalawa.

"Ayos na ako." Ayos na ako dahil kay Travis.

"Sophia sabay-sabay na tayo." Ako sasabay sa inyo, wag na baka ma OP pa ako.

"Sophia una na rin ako may kukunin pa kasi ako sa locker ko." Grae wag mo naman akong iwanan. Wag mo akong iwanan sa dalawang to.

"Grae sabay na ako sayo, may kukunin din ako sa locker ko." Pumayag naman siya kaya umalis na kami tapos naiwan si Yna at Tarvis.

"Anong kukunin mo?" Wala, este

"Basta, kailangan ko kasi yun ngayon." Tama ba yung dahilan ko? Kungwari may kinuha ako tapos hinatid niya ako sa room ko. Ang tahimik namin ngayon, lalo na ako.

"Una na ako Sophia." Umalis na siya ako naman pumasok na. Hindi pa rin pala bumabalik sa upuan niya si Travis.

Minsan tuloy iniisip ko dinahilan niya lang kaya na ayaw niya na akong makatabi o gusto niya lang talaga makatabi si Yna.

"Best, ayos ka na?" Hanggang dito ba naman?

"Yes, I am" Buti na lang ang daming nagmamahal sa akin. Naupo na ako tapos nakinig sa mga sinasabi ng teacher ko. Nagbreak na kami tapos ako sa garden pumunta.

BEEP!

Mystery Guy

Asan ka?

To Mystery Guy

Sa may garden, bakit pupuntahan mo ako?

Tinitext ko pa lang yun sa kay mystery guy pero

"Sophia bakit andito ka sa may garden?" Kilala ko yung boses na yun.

"Travis? Anong ginagawa mo dito?" Nakita ko kinuha ni Travis yung phone niya sakto may nagtext sa akin.

Mystery Guy

Hindi, may ginagawa kasi ako.

Alam ko namang ayaw mo pa aminin pero ayos lang.

"Nakakain ka na ba, baka magutom ka nan at magkasakit ka ulit." Gusto ko nga yun eh, para lagi mo akong aalagaan.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon