Chapter 10: Preparation

570 28 0
                                    

Nasilaw ako sa haring araw, umaga na pala at ang sarap ng tulog ko. Tiningnan ko yung phone ko 6:30 lang pala. Maaga pala akong nagising, sabagay maaga rin naman akong natulog. Nag-inat inat muna ako habang nakahiga sa kama. Inunat ko yung braso ko, "GOOD MORNING ARANETA" Eto na naman ako. Pinupush ko na talaga ito. Tumayo na ako para magbihis.

Beep!

Sino kayang nagtext? Matingnan nga muna

Unknown

Good morning

Sino kaya to? Mareplyana nga.

"Sino to?"

Beep!

Sino kaya siya? Sakto may nagtext ulit

Ate Ara

Sunduin ko kayo ni Tita.

Si Ate Ara lang pala akala ko si Unknown number na naman.

Oo nga pala magpre-prepare kami para sa birthday ni Yaya Anna bukas. Siya yung mag-aayos, magaling kasi dun si Ate Ara.

Bakit kaya hindi nagrereply si Unknown number. Sino kaya to baka bagong number ni Bes o si Yna lang. Bahala na, dahil hindi ko pa siya kilala iibahin ko muna yung pangalan niya at isisave ko sa phonebook. Ano kayang magandang ipangalan? Hmm, isip isip, alam ko na ang ipapangalan ko since hindi ko siya kilala. "EWAN" ewan na lang yung ipapangalan ko sa kanya kung sino man siya. Mabuti pa makapagbihis na baka dumating na rin si Ate Ara.

"Cause if you like the way you look at me. Oh baby you should go and love yourself"

Sana lang wag umulan baka bumaha. Inayos ko na yung buhok tapos bumaba na rin. At tama ako andun na si Ate Ara.

"Ayan na pala si Sophia, tara na Ara" sabi ni mommy at mukhang kanina pa nila ako hinihintay. Saan kaya muna kami pupunta? Sumakay na kami sa kotse tapos si Ate Ara yung nagdadrive. Gusto ko sanang umupo sa tabi niya kaso pagbukas ko.

"Good morning" Lord, bakit andito si Tavis? Baka kung anong gawin niya sa akin.

"Sophia sa likod ka na lang. Nakalimutan kong sabihin kasama ko pala si Travis"

Sinarhan ko na lang yung kotse tapos pumasok na ako at umupo sa tabi ni mommy.

"So Ara, siya pala si Tavis?" sabay oo naman ni Ate Ara. Bakit ba siya sumama may balak ba siyang inisin ako? Kung hindi lang siya kapatid ni Ate Ara baka nakaladkad ko na siya pababa ng kotse.

"Yes Tita, he is my little brother" Hindi sila bagay magkapatid magkalayo yung ugali nila sa isa't-isa.

"So, hello Tavis" Mommy wag nga kayong mag hello diyan kung alam mo lang enemy kami nan.

"Hello po, okay lang po ba na kasama ako?"

Sabiihin ko kayang hindi. Sasabihin ko na sana pero omo-o agad si mommy. Akala ko naman magiging maganda yung araw ko. Nakarating na rin kami sa restaurant namin. Titingnan kasi namin yung mga food na ihahanda. Syempre special yung araw bukas ni Yaya kasi 60 na siya. Ang tagal na rin namin siyang nakasama lalo na si mommy. Ako kasi 15 years palang, natural 15 pa lang ako.

R"Hi ma'am" bati nung mga empleyado ng restaurant namin. At yung mga babe ayun nakatingin lahat kay Travis. Ganun ba katindi yung dating niya. Nauna na pala sila mommy at Ate Ara.

"Hi! Sir, Hi! Sophia" Sophia yung tawag nila sa akin, ayaw ko kasing tawagin nila akong ma'am.

"Hi" nag hi si Tavis sabay ngiti. Mabuti pa sundan na namin sila mommy dun.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon