Chapter 3: Emergency

953 45 2
                                    


Bakit kaya ako pinatawag ni Yaya? Ano kayang emergency? Kinakabahan tuloy ako. Ano kayang nangyari? Isa lang yung paraan para malaman ko. Pupunta na akong bahay. Buti na lang may dumaan agad taxi. Pagbaba ko ng taxi pumasok agad ako sa bahay.

Binuksan ko yung pinto, ang tahimik, parang walang tao. Ano kayang nangyari? Ano kayang meron?

"Hays! Kala ko naman kung ano na" makapunta na nga lang sa kusina. Ano ba kasing emergency na sinasabi ni Yaya Anna?

"Ya! Yaya, andito na po ako" asan na kaya yun. "ATE ARA?" totoo ba tong nakikita ko? Akala ko nasa US siya? Anong ginagawa niya dito? Yun ba yung sinabi ni Yaya na emergency?

"Sophia! namiss kita! Ang laki mo na at ang ganda ganda mo." Teka siya nga, hindi namin napigilan yung sarili namin na mapasigaw sa sobrang saya. Andito na nga siya. Almost three years ko na rin siyang hindi nakikita kasi kailangan niyang mag-aral sa US.

Yun kasi yung sabi ng dad niya. Grabe namiss ko tong pinsan ko na to. Oo, pinsan ko si Ate Ara! Si Ate Ara Lopez Cruz. Anak siya ni Tita Clara, siya yung nag-iisang kapatid ni mommy but unfortunately may iba na siyang pamilya. Bata pa lang si Ara nung maghiwalay yung mommy and daddy niya. Two years pa lang na hiwalay yung parents niya sa pagkakaalam ko nagpakasal na yung daddy niya.

Yung daddy niya na isa ring sikat na business man, mayaman ang Cruz Family kaya naisip ng Tita ko na dun na lang si Ate Ara sa daddy niya.

Isa pa nadalaw dalawa din naman si Ate Ara sa amin pati kay Tita. Ayos rin naman yung mommy at daddy niya at close din naman siya sa new wife ng dad niya kaya walang naging problema si Tita.

Isa pa may family na rin ngayon si Tita. Kinasal na rin siya kay Tito Aljur and may anak sila. Ang sobrang cute kong nag-iisang pinsan na lalaki, si Xian.

Tatlo lang kaming magpipinsan sa part ni mama, alam ko rin kasi na nag-iisang anak si daddy kaya wala naman akong magiging pinsan sa part niya at isa pa hindi na ako parte ng pamilya niya at hindi na rin siya parte ng pamilya ko, matagal na. Alam ko rin si Ate Ara may younger brother siya yung kapatid niya sa ama.

"Lagi niyo na lang akong hindi sinasali sa inyo" napalingon kami ni Ate Ara at nakita naming nakanguso si Xian.

"Ito talagang kapatid ko nagtampo agad. Parang namiss lang naman talaga ni Ate si Ate Sophia" sabi ni Ate Ara at nakita ko rin nandun si Tita Clara at mommy. Nagkiss muna ako tapos ginulo nila parehas yung buhok ko. Grabe talaga silang magkapatid, sabing ayaw na ayaw ko na ginugulo yung buhok ko e. Pero ayos na rin alam kong nilalambing lang ako nila.

"Anak! Nagpaalam ka ba ng maayos kay Cassy?" kilala nga pala siya ni Ate Ara kasi pamangkin yun ng dad niya. Nung una hindi naman sila close kasi nga yung daddy ni Bes at yung new wife ng dad niya yung magkapatid. Ngayon ko lang naisip na kasama niya palang umuwi yung kapatid niya sa daddy niya kanina. Sila pala yung sinundo nila Bes.

"Sophia, hindi ko na pinasabi kay Cassy na umuwi rin ako. Gusto ko kasing isurprise ka"

Nasurprise din naman talaga ako. Grabe ang liit talaga ng mundo.

"Sophia dito ako ngayon tutulog ha! Namiss kasi kita ng sobra"

Ako rin naman namiss kita Ate

"Dapat lang Ate dito ka matulog kasi magtatampo ako sayo kung hindi" Sabay tawa ko, namiss kasi talaga naming yung isa't-isa.

"Ate! Dito mo na ba itutuloy yung pag-aaral mo ng college?" Naisip ko lang kasi, malay mo kasi nagbabaksyon lang sila.

"Yes! Sophia dito na ako mag-aaral, buti napilit naming ni Travis si daddy. Si Travis pala yung kapatid niya sa ama pero hindi ko pa siya nakikita. Yun kaya yung sinasabing pinsan ni Bes?

Hindi pa rin kasi siya pinakikilala sa akin ni Ate Ara kasi makulit daw yun tapos mommy's boy. Parang ako lang rin, mommy's girl. Niyakag ko si Ate Ara sa room ko. Alam ko namang namiss niya yun.

Kapag nasa kwarto ko kami, nanunuod kami ng movies. Hobby na naming yun tapos mag kwekwentuhan, mag aasaran hanggang sa hindi na namin namamalayan yung oras at nakakatulog na kami. Saya diba?

"Sophia namiss ko to" sabi ko sa inyo e. Nilabas ko yung laptop ko. Halatang alam niya na yung gagawin ko. Kagaya ng dati, manunuod kami ng movie. Ano kayang papanuorin namin?

"Sophia anong papanuorin natin, yung maganda ha"ano bang maganda?

"Horror para masaya" sabi niya yun. Grabe talaga yung pinsan ko na yun palibasa madali akong matakot sa mga ganun. Nakita ko yung isang horror movie sa files ko na hindi ko pa napapanuod. Agad ko siyang inopen. Pagbigyan na si Ate Ara! kadadating niya pa rin lang naman kasi.

"SINISTER Ate!" for sure nakakatakot yun. Inihanda ko na agad yung unan ko para pantaklob sa mukha ko. Grabe una pa lang nakakatakot na, ang creepy nung sounds. Malayo layo na rin kami at hindi ko napigilang mapasigaw. Nakagulat rin kasi. Kwento yun nung isang author na piniling tumira sa sinasabing bahay kung saan lahat ng natira dun namamatay at hindi nila alam kung sino yung napatay at kung bakit laging may isang batang part ng family ang nawawala. Nakakatakot pero maganda.

Ginawa niya yun para sa career niya kasi alam niya madaming bibili ng libro niya pag yun yung ginawa niyang topic. Natapos na rin yung movie tapos nagkwentuhan na lang kami. Hindi na kami bumaba nung dinner kasi busog pa naman kami. Dinalhan na rin lang kami ni yaya Anna ng snacks. 

"So Sophia may boyfriend ka na" Seriously naiisip pa ni Ate Ara na itanong yun? Alergy kaya ako sa mga lalaki.

Kung hindi nga lang engineering yung kukunin ko sa college baka naisipan ko pang magmadre.

"Ako pang tinanong mo Ate" NBSB kasi ako at isa pa wala akong balak mag boyfriend, sasaktan ka rin naman nila, masasaktan ka lang, papaiyakin niya at papaasahinsa wala.

"Ate! sabi ko naman sa iyo na wala akong balak, pati ang bata ko pa kaya" natawa siya bigla.

"Alam mo maganda ka naman e. Wala namang masama kung magkaroon ka ng boyfriend basta lang alam mo kung hanggang saan lang at nagagawa mo pa rin yung duties and responsibilities mo. Isa pa takot na ata sayo yung mga lalaki, ang hyper mo kasi"

Dapat lang matakot sila, kahit babae ako kayang kaya ko sila no.

"Hindi naman masama kung mainlove ka Sophia, tandaan mo hindi lahat ng pumapasok sa isang relasyon naghihiwalay. Totoo ang love at nabasa ko rin yun sa bible at sabi dun, kung nasaktan ka ng sobra at iniwan ka rin lang niya isa lang ibig sabihin nun hindi pa yun love at hindi pa rin siya yung tamang tao. Kaya ka nga nasasaktan e, kasi nagmamahal ka" ang lalim nun Ate.

"Ano tawag mo kay mommy and daddy? kay Tita Clara at sa dad mo" nasabi ko ba talaga yun

"Iba yun Sophia, try to think of this. Love isn't just about happy endings. Love is also about sacrifices. Kahit masakit kailangan mong gawin, mahirap man kailangan mong tanggapin. May mga bagay na kailangang isakripisyo at ito yung patunay kung gaano mo kamahal yung isang tao. Naghiwalay man sila hindi mo pa rin alam kung magkakabalikan sila. Si mommy and daddy I know nakita na nila yung destiny nila at kahit pa ang dami ng napagdaanan nila, kailangan pa nilang masaktan parehas pero ang mahalaga kahit  nangyari yun ay naging maganda yung resulta. Nahanap pa rin nila yung happiness nila. At masaya na ako sa kung anong meron sila ngayon kasi ang mahalaga nakikita kong masaya sila pareho sa kani-kanilang pamilya. Nung una mahirap tanggapin pero natutunan ko din siyang tanggapin" Grabe, tagos sa puso yun a.

Napanganga tuloy ako pero isa pa rin ang alam ko. Ayaw kong masaktan.

"Ate! ang lalim nun ah! Natawa kami pareho, nakita ko may tumulong luha sa mata ni Ate Ara! naiintindihan ko nga siya. Kung tutuuusin ang hirap nung sitwasyon niya pero masaya pa rin ako na kahit ganun okay lang siya. Nakikita ko na masaya siya. Hindi ko nga alam kung paano niya nalampasan lahat ng yun. Maswerte pa rin kami na madaming nagmamahal sa amin. Sobrang close nga namin e. Halos kapatid na yung turing namin sa isa't- isa. Sana nga ganito na lang lagi. Namiss ko talaga siya hanggang nakatulog na rin kami pareho sa kama.









Author's Note

Comment lang kayo sana ivote niyo. Salamat! Nagsisimula pa lang yung kwento sana basahin niyo hanggang dulo.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon