Chapter 22 - Untold Stories

487 24 0
                                    

Yna's POV

Things do end. Hindi ko lang maisip na sa lahat ng lalaking pinahalagahan, pinagkatiwalaan at binigyan ko ng chance na maging part ng buhay ko ay siya pang taong sasaktan ako ng ganito. Should I call him that, or it could be better if I call him hayop, walang-hiya. Ang sakit, kami lang man yung may alam ng relationship namin pero ang tagal nun, 2 years tapos bigla siyang bibitaw.

Ang hirap lang tanggapin lalo na ngayong nalaman ko na may sakit ako. Ang hirap, bakit ako pa? Alam niyo ba yung feeling na bilang na ang araw mo dito sa mundo. Masakit man pero wala akong magagawa. Wala pang gamot sa ngayon ang sakit na cancer at ang tanging magagawa na lang namin ay magdasal at magtiwala. Mabuti na lang andiyan si Travis, siya yung tipong Sophia na kilala ko. Yung tipo ng taong parang bato pero yung puso sinlambot ng mamon. Hindi na rin ako magtataka. Kung yung daddy nga ni Sophia, tinutulungan niya ako pa kaya. Nakwento pala yun sa akin ni Travis. Astig nga eh, kahit pinagtatabuyan na siya ng kaibigan ko andiyan pa rin siya lagi para sa kanya. Madalas ko makasama lately si Travis at mas lalo ko pa siyang nakilala. Destiny truly makes it way. Sana nga lang Dalian na ni Travis kasi kung hindi mauunahan siya ni Grae lalo pa ngayon magkatext pala sila kahit hindi alam ni Sophia na si Grae yun. Nakausap ko pa siya at umaming may gusto siya kay Sophia. Ang tagal niya na rin palang gusto si Grae, tapos balak niya ng aminin lahat kaya lang hindi ko naman masabi lahat ng yun kay Travis because I need to be fair. Basta wag na wag lang sila magkakamali na saktan ang kaibigan ko.

BEEP!

Travis

Have you take your medicine?

Nagreply ako ng "YES"

Pumasok na ako at nakita ko na namang magkasabay na naman si Sophia at Grae pumasok. Saktong nakita ko si Travis, naglalakad palayo. Ang ginawa ko sinigaw ko ng buo ang pangalan niya tapos nilapitan siya. "Bakit hindi mo na lang kasi sabihin lahat?" Natahimik siya, "Pag sinabi ko ba lahat may magbabago?" Whoa, ang hard nun. Wait, parang nahilo ata ako. "Yna, are you okay?" Hindi nga pala ako nakainom ng gamot, kungwari lang ako nag yes kay Travis. "I'm fine, don't worry" Naglakad na kami papasok ng school. Dinala ni Travis yung bag ko, wala na rin naman akong magagawa. Dapat kay Sophia niya to ginagawa kaya lang yung babae namang yun ang taray. Pumasok na kami, ang ingay nila tapos biglang tahimik. Kalma guys hindi kami kriminal. "Ayiee, si Travis at si Yna mukhang may something ah!" Kami pang napag-isipan niyo ng ganan. Kung alam niyo lang kung bakit. Umupo na kami habang inaasar pa rin nila kami. Nakalimutan ko yung bag ko pala na kay Travis. Dumating na yung teacher namin and you know what, there is something weird today. Si Sophia kasi kanina pa tinatawag nung teacher namin nakatulala lang.

"Sophia! Are you okay?"

"NO SIR, I mean Yes"

"Then, answer the problem on the board then explain." Buti na lang ang galing niya sa math, nasagutan niya ng ayos, tulala pa yun ha. Ewan ko ba, ang tamlay niya ngayon. Brake na at niyakag ko sila sa canteen na sabay-sabay na kami para man lang mas makasama ko sila ng matagal until my last breath. Niyakag ko sila but Sophia refuse, and I don't know why. "Best, are you alright?" Ayo slang kaya talaga siya? "I'm okay, just need to do something very important, Bye" Teka, something very important? Ano kaya yun? Mas importante sa amin? Umalis na siya and me and Cassy decided na sundan siya. Anong ginagawa niya dito sa may pool. Ang alam ko hindi siya marunong lumangoy. Wait, is that Grae? Oh! Lord. Sa nakikita namin ngayon, tinuturuan ni Grae na lumangoy si Travis. Nagstay kami ni Cassy then Travis texted me. Tinatanong niya kung nasaan kami. Dapat ko bang sabihin? Wag na lang, niyakag ko na rin si Cassy pabalik sa room. Pagbalik namin nakaupo dun si Travis. "Mag-isa ka lang?" sabi ni Cassy. Bigla namang dumating na yung mga kaklase namin. Hindi na tuloy namin narinig yung sagot ni Travis. "Guys look, Grae and Sophia." Ano yun? "Sa pool to ah! Sila ba?" Kanina to ah! Pinost talaga ni Grae. Ano na ba talagang meron sa kanila? Wait, si Travis. Titingnan ko pa lang si Travis pero bigla siyang tumayo. Palabas siya ng room pero papasok naman nung time nay un si Sophia. What a co-incidents. Kung nasan si Travis andun din si Sophia kaya ayun wala pa niisa sa kanila ang nakakaalis. "Sophia" May tumawag si Sophia kaya napalingon siya sa likod. "Naiwan mo yung ID mo sa may pool" Oh! Grae bakit ngayon pa. "Thank you" Ayun, nakaalis na rin si Travis, lumapit kasi si Sophia kay Grae kaya wala ng harang sa pinto. Saan kaya siya? Pumasok na rin si Sophia tapos dumating na rin yung teacher namin at absent si Travis.

Hanggang uwian wala si Travis. Kasabay ko ngayon maglakad palabas si Sophia and Cassy. Nahilo na naman ako.

"Yna, ayos ka lang?" tanong ni Cassy.

"Okay lang ako, tara na."

Pagkauwi ko ng bahay nagbukas ako ng facebook at ang malas ko naman kasi mukha pa ng ex ko ang unang unang lumabas sa wall ko. Nagstalk muna ako. May nakita akong girl, ang ganda ng dp. Dahil wala akong magawa inistalk ko. Her name is Alyssa Claire Almonte, dyosa siya. Ang dami niyang followers, daming likes ng dp at mga post. Chinita tapos maputi, tapos nakita ko taken na. Hindi na ako magtataka sa ganda niyang yun. After nun, bumaba na ako tapos pagbaba ko nandun si Grae. Anong ginagawa niya dito? Ano kayang kailangan nito? "Grae" Nasamid siya, sakto kasi nainom siya ng juice. "Anong ginagawa mo dito?"

"Mag papatulong sana kasi ako. Kung pwede, kung wala kang ginagawa. Ayo slang ba?"

"Wala akong pera e." Char "Ano ba?"

"Itutuloy ko na kasi yung balak ko tomorrow. Alam mo kasi yung mga gusto ni Sophia. Can you help me?"

"Ahmm"

"Please! Please!"

"Sige na, I'll try basta yung kaya ko lang."

Eto na nga ba, kumikilos na siya. Lagot ka na Travis nito, mauunahan ka na ni Grae. Hindi ko naman pwedeng sabihin sayo kahit ikaw yung manok ko. Umuwi na rin si Grae after niyang ikwento lahat ng plano niya sa akin. Ang sweet niya pala talaga, sana lang maappreciate yun ni Sophia. Paghatid ko sa kanya sa gate may narinig akong ingay sa garden. Pagkaalis niya tiningnan ko agad. Wala namang tao, natumba pala yung isang paso. Pero paano? May tao ba dito? Natakot ako kasi baka mamaya magnanakaw kaya pumasok na agad ako at sinarhan ang pinto. Umakyat sa taas tapos uminom ng gamot, nagdasal n asana humaba pa yung buhay ko. Pinipilit ko pa ring pumasok kasi pag nasa school ako, nakakalimutan kong may sakit ako. Sana gumaling pa ako. Ang dami ko pang gusting gawin pero dahil sa sakit na ito mukhang hindi ko lahat yun magagawa. Kung pwede lang kasing maghanap ako ng fairy na isang hiling ko lang na pagalingin ako, gagaling na ako. Nagbukas ulit ako ng facebook, scroll down tapos nakita ko nag post si Travis.

"May the best man win."

Ano yun? Sinong pinaparinggaan niya dun? Teka, wait naguguluhan ako.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon