Chapter 12: First Day of School

554 24 0
                                    

Parang ang bilis ng panahon. Parang kelan bakasyon lang. Grade 10 na ako, senior na ako next school year. Mabuti pa makapagbihis na. Namiss ko yung uniform ko.

Hello! Araneta pasukan na. Inayos ko na yung buhok ko. Nagbuhaghag lang ako. Excited na ako, ihahatid kasi ako ni mommy. Bumaba na ako para mag breakfast. Ininom ko yung gatas ko tapos umalis na kami ni mommy.

"Take care anak, enjoy your first day" Ang sweet talaga at sobrang maaalahanin ni mommy

"I will mom but promise me ikaw rin." Sabay tawa ko at nag promise rin naman siya.

"BES" I guess andiyan na yung best friend ko.

Nakaalis na rin si mommy nun.

"Bes, tara na sabay na tayo." Sabay na kami pumasok since magkasection naman kami. Star section kami parehas. Hanggang ngayon magkaklase pa rin kami.

"Cassy, Sophia" Sumabay din sa amin si Yna.

"Sabay ka na sa amin Yna" Niyakag namin siya tapos pumunta na kami sa room.

Medyo madami na ring tao pero wala pa yung teacher namin.

"Balita ko may transferee daw ngayon at sabi gwapo daw"

Transferee? Sino kaya yun? Ang bilis talaga makasagap ng balita ng mga kaklase ko. Hindi pala kami magkakatabi nila bes at Yna sa class. Babae lalaki kasi pero si Yna nasa unahan ko katabi si Justin tapos nasa pagitan namin ni Bes si Karl. Nasa may left side ko sila. Ang katabi ko na naman siguro si Grae. Oo nga pala nasa kabilang section na siya. Sino kayang makakatabi ko ngayon. Sana kagaya lang ni Grae, naka close ko na rin kasi yun.

Ang gentleman nun saka varsity siya. Panlaban namin yun sa swimming. Ang galing niya nga sa sport na yun. Kung maalam lang ako lumangoy nag try na akong sumali sa swimming team. Sana nga matuto ako.

"Good morning class" Dumating na pala yung teacher/adviser namin.

Ang pinaka bata, pinaka maganda at alam ko na mabait siya kasi at saka coach namin siya sa volleyball team. Yes! I am a volleyball player.

"Good morning Miss Valencia" Buti na lang siya yung teacher namin.

"Class I want to tell you na may bago kayong magiging kaklase. From US, I would like you to meet Mr. Travis Cruz."

Oo nga pala dito siya mag-aaral.

"Sabi ko sayo gwapo" Gwapo nga masama naman ang ugali.

"Mr Travis, you can sit beside Ms. Alcantara."

Tuwang-tawa naman ni Jea. If I know kanina pa siya kinikilig kay Tavis. Hindi pa nga nakikita mukhang bibig niya na. Oo, siya yung kanina pa excited makilala yung transferee.

"Miss Valencia, can I sit beside Sophia?" Loko talaga ng lalaking to.

"Hello, no way" Bahala kayo kung anong isipin niyo basta ayaw ko siyang katabi.

"Miss bago pa lang po ako dito kaya gusto ko kilala ko yung makakatabi ko. Kilala ko po si Sophia at sana pagbigyan niyo po ako."

Seryoso ba talaga siya na inisin ako.

"Okay, Mr. Cruz you can sit beside Sophia."

What? Seriously? Umupo na siya sa tabi ko. Nang-iinis ba siya talaga? Ngiti pa ngiti pa. Kainis, bakit kasi hindi na lang to bumalik ng US.

"Okay class, since this is our first day wala tayong masyadong gagawin." Sana lagi na lang first day.

Natapos na din yung klase namin. Dahil break, pumunta kami nila Bes at Yna sa canteen.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon