Chapter 2: Girls Day Out

1.5K 33 0
                                    

"Okay lang bes, naiintindihan kita alam ko namang makakapunta ka. Okay lang na nalate ka"

Bwisit! Galit pala ako sayo kasi hindi mo sinabi na may susunduin kang pinsan sa airport.

Hindi mo man lang nabanggit" patay siya sa akin ngayon. "Sorry, hindi ko nasabi yaan mo papakilala kita sa kanya. Dito na kasi siya mag-aaral. Ang tagal niya rin nag stay sa US, namiss na ata nila Tito Frank at Tita Mara.

Sabagay namiss ko rin yung kakulitan at kayabangan ng pinsan kong yun" grabe namiss niya talaga halata kasi sa mukha niya. Naeexcite tuloy ako na makilala siya. Feeling ko magkakasundo kami.

"Okay na best! Mabuti pa punta na tayo. 9 am na din" umalis na rin kami.

Ang traffic kainis, may driver nga pala kami ngayon at car nila Bes yung gamit namin.

Nakakainip na talaga buti na lang nakausad na din kami. After one, two, three, hours naka punta na rin kami sa mall. Grabe ang tagal ng three hours kaya pumunta na lang agad kami sa isang kainan. Gutom na rin kami. Ang dami naming na order, basta pagkain talaga kaming mag best friend alam niyo na. HAHA :D

"Bes san na tayo?" gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko rin alam. "Saan ba? kakakain rin lang kasi pati natin" bigla siyang tumawa. "Salon na lang tayo" oo hindi naman ako yung tipo na manang, hindi maalam mag-ayos pero hindi ako maarte. Tama lang kung baga.

Hyper pati ako kaya kahit pa lalaki papatulan ko, tama lang yun kung karapatan naman yun diba?

"Sige bes! salon na lang tayo" Naisip ko kailangan na rin pala ng buhok ko ng makeover ang tagal na rin kasing hindi ako nakakapag pasalon buti na lang talaga at kasama ko ngayon si Bes

"Sige! tatawagin ko yung salon na lagi nating pinupuntahan, magpapareserve ako "Sige Bes una ka na pupunta lang ako sa comfort room" umalis na rin siya.

"Hintayin na lang kita dun" sabi niya
"Sige" tapos umalis na siya at pumunta na rin ako ng CR. Malayo na rin nalakad ko tapos,

"What the" may nakabangga ako tapos natapon niya sa akin yung dala niyang ice ream. Shit! ang lagkit, bulag ba siya at hindi niya ako nakita.

Nilagpasan niya ako, ang sama niya hindi man lang siya nag sorry.

"Hoy! ikaw lalaki (Hindi ko nakita yung mukha niya kahit kanina tapos nilampasan niya lang ako pero alam ko na lalaki siya, halata naman sa suot niya e.

"Hindi ka ba tinuruan ng parents mo ng GOOD MANNERS!" diniinan ko talaga yung salitang good manners. "Ikaw ba tinuruan ng parents mo? Tingin ko kasi hindi" sabi niya.

Naiinis na talaga ako sa lalaking to, sa lalaking naka black shirt din na naka shades tapos ang puti.

"So ako pa? Ikaw nga yung nakabangga sa akin tapos natapunan mo pa ng ice cream yung blouse ko tapos hindi ka man lang maalam mag sorry" nakakainis talaga siya.

Kaya rin hindi ko siya nakita kanina, nakayuko siya tapos nakatingin sa phone niya kaya hindi ako yung may kasalanan. "Sorry? Are you crazy? You wish" nainis ako kaya sa sobrang inis ko nung may dumaan na babae sa akin na may hawak na ice cream kinuha ko bigla sa kanya, kakainin na nga sana niya.

"Ate sorry, babayaran ko na lang" habang papalayo siya, kinuha ko yung ice cream sa babae binato ko sa likod niya. Stawberry pa naman yung flavor kaya kitang-kita.

"Opps! sorry, pero hindi ako yung nagsimula" sabay takbo ko tapos dumaan yung maraming tao. Kumuha agad ako ng pera tapos binigay ko kay Ate na kinuhanan ko ng ice cream. Hindi na ako nahabol nung lalaki at kitang kita rin na galit na galit siya.

Nakapunta na rin ako sa CR, naalala ko wala pala akong panyo. Hindi na kasi ako nagdadala ng panyo kasi feeling ko pag may dala ako nun nagmumukha akong iyakin. Ayaw ko ng umiyak, sawa na ako kaya hindi na talaga ako nagdadala ng panyo. Ang lagkit talaga nung damit ko, bwiset talaga yung lalaking yun. Kainis!

Tinext ko na rin si Bes sa mga nangyari para hindi siya mag-alala. Nagpunta muna akong department store para bumili ng damit kasi naman hindi ako makakatiis sa lagkit na nararamdaman ko ngayon. Nakakita ako ng shirt na maganda, cool nga eh! Isang shirt with gray on the top and black on the other part. Hati siya, kalahating gray sa taas tapos black yung baba. Sa may upper left may nakalagay na 22 ay favorite number ko pa naman yun. Binili ko agad siya tapos bumalik sa comfort room para magbihis.

Cassy POV

Nasan na kaya si Bes? Ano kaya yung nangyari?

"Best sorry! yung lalaki kasi kanina na hindi ko nakita yung mukha niya natapunan ako ng ice cream kaya bumili na rin ako ng damit sa department store"

Kita ko nga nag-iba yung damit niya. Kahit kelan talaga favorite niya yung 22 para lang yung pinsan ko.

"By the way Best tara na kanina pa tayo hinihintay" sabi ko.

Nagpasalon na rin kami tapos after tiningnan ko yung phone ko nakita ko 22 unread messages, 8 missed calls.

Binuksan ko kung sino, nagulat ako kasi kanina pa pala ako tinitext at tinatawagan ni Travis, si Travis na pinsan ko. Bakit kaya? Tiningna ko,

Where are you Cassy?

Kanina pa kita hinahanap dito sa mall. Andito ka daw kasi sabi ng mommy mo.

Hey!

CASSY REYES DE GUZMAN!!!

Buo talaga yung name ko. Bakit ba siya nandito alam niyang may date kami ng best friend ko.

Pero sa bagay mas maganda na rin para magkakilala sila ni Bes.

Pero ang kulit nung pinsan ko baka manggulo lang siya. Hayaan ko na lang siya. Bahala siya, sinabi ko bang sumunod siya?

"Bes! tarana" sigaw sa akin ni Candice. Lumabas na rin kami ng salon. Naglakad lakad lang kami tapos na padaan kami sa may ice cream stand.

Bumili agad kami, kumain kami ng ice cream, natigilan si Bes! siguro naalala niya yung nangyari kanina.

Sira kasi yung lalaki, yung hyper ko pang best friend yung kinalaban alam ko namang hindi yun papatalo. Naalala ko si Travis kaya sabi ko kay Candice pupunta lang ako ng rest room. Iniwan ko siya dun tapos malayo na rin ang nalakad ko nakita ko yung pinsan ko.

Sinigawan niya ako kaya nakita ko siya"Cassy Reyes DE GUZMAN" buo niya pa talaga sinabi yung name ko.

"What are you doing here Travis?" tanong ko sa kanya.

"I am bored, Ate Ara is busy kaya pinuntahan kita sa bahay niyo kaso andito ka daw kasama yung best friend mo"

Hindi ba siya pagod kauuwi niya lang kaya galing US. Teka! hindi ko na napansin, nagulat ako. Parehas sila ni Bes! ng shirt? Hindi na ako magtataka kasi they both love number 22 but how come?

"Oh! I forgot to tell you. Yung babae kasi kanina binato ako ng ice cream" Wait! totoo ba yun? Siya yung kabanggaan kanina ni Bes? Kaya pala ang tigas din nung lalaki si Travis pala yun.

So nagkita na nga sila! How cool! Patipala nabili nilang damit parehas pa, nakaktuwa naman. Ano kayang magiging reaksyon nila pag nakita nila ang isa't-isa. Naiimagine ko pa lang natutuwa na ako. Teka paano na pala si Best? Mamaya nag text siya

"Best mauna na ako, may emergency daw sa bahay"

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon