Chapter 27- Donut

522 27 0
                                    

Have a bless Sunday everyone! Keep safe

.

.

.

.

.

.

.

.........POSTED

Good morning! Mabuhay! Hay! Ang aga-aga ang bangag ko, ano ba to? Nag-inat-inat muna ako. Ano kayang unang gagawin ko? Makapag jogging nga muna tutal hindi rin naman ako makaksimba ngayon.

"Good morning Yaya"

"Good morning"

"Ganda ng gising ah!"

"Yaya talaga, mag-jojogging lang po ako"

"Sige, bumalik ka rin agad"

Bago ako mag-jogging, sinuot ko muna yung head set ko.

Now playing, Born for You

Too many billion people. Running around the planet

What is the chance in heaven, that you'd find your way to me

Tell me what is this sweet sensation. Its a miracle that happened

Though I search for an explanation. Only one thing it could be..

That I was born for you, and that you were born for me

And in this random world, this was clearly meant to be

What we have the world could never understand, or ever take away

Until the day I die, I bless the day that I was born for you.

"Ay, sorry miss" Sino ba tong nakabanga ko. "Sorry I didn't mean it. Are you okay?" Ganun naman lagi diba, hindi sinasadya. Ano daw? "Ayos lang, okay lang ako." Titingna ko yung mukha niya yun pala nakatingin rin siya sa akin. What the, magkalapit ngayon yung mga mukha namin. "Ahmm, sige una na ako"

"Wait miss, I'm Travis" Oh! my, magkapangalan sila. Ang tadhana nga naman.

"Travis?"

"Yes! may problema ba sa pangalan ko?"

"Wala naman, may naalala lang ako. Sige, mauna na ako.

"Wait miss, what is your name?" Hindi ko binigay yung pangalan ko. Sa pangalan ko lang kasi siya kilala, malay natin kriminal pala siya o kaya naman. Wait, may kriminal bang ganun kagwapo? Oo na, gwapo nga siya pero mas gwapo yung unang Travis na nakilala ko. J O K E !!!

Speaking of Travis, kamusta na kaya siya? Dalawin ko kaya siya? Umuwi na ako sa bahay. Nagpahinga, uminom ng tubig tapos kumain na rin ng umagahan. Ang sarap talaga magluto ni yaya. "Yaya, si mama po nakaalis na?" Papunta pala siya ngayon sa Davao. "Paalis pa lang" Oh! lord kailangan ko ng magbihis at ihahatid ko pa siya sa airport. Dinalian ko maligo, magbihis, mag-ayos, at buti na lang naabutan ko si mama. Papunta na kami ngayon sa airport. "Anak, mag-ingat ka ha habang wala ako." Ang mama ko talaga. "Mama, ayos lang ako wag ka mag-alala. Kayo po dapat ang mag-ingat dun." Ang agang dramahan na naman ito. "Basta mama ang pasalubong ko ha." Yan tayo eh. "Ako pa ba? Sige na, andito na tayo sa airport." Ang bilis naman ata ng biyahe namin. Niyapos ko ng mahigpit si mama. "Mama mag-ingat ka dun ha. I love you." Parang ang tagal namang mawawala ni mommy samantalang isang linggo lang naman. Pero ang tagal rin nun ha. "I love you too anak, sige na baka maiwanan pa ako ng eroplano."

Pagkahatid namin kay mommy, hindi muna ako sa bahay umuwi. Naisip ko lang kasi na pwede ko ngayong dalawain si Travis. Bago ako pumunta sa hospital dumaan muna ako sa Mister Donut. Hindi ako ang kakain ha, hindi kasi ako nakain ng ganun. Hindi ko lang type, ewan ko ba. Sa pagkakaalala ko kasi favorite yun ni Travis, nabanggit dati sa akin ni Ate Ara. Pagkabili ko nagpunta na ako sa hospital. Sana matuwa si Travis. Sana talaga kasi kung hindi, hindi ko na talaga siya papansinin kahit kailan. Nakita ko pauwi na yung parents ni Travis. Yung yaya niya lang ata ang nagbabantay sa kanya ngayon. Wait, paano ba? Makapasok na nga.

"Sophia"

"Yna" Andito pala si Yna. Akala ko may sakit siya. Ayos na kaya siya? "Kamusta ka na Yna? Ayos ka na ba?" Tumawa siya sa akin. "Ayos na ako Sophia. Salamat sa pag-aalala. Hindi naman kasi pwedeng hindi ko dalawin si Travis. "Alam niya pala, akala ko kasi hindi. "That's good, kanina ka pa?" Bakit ko pa ba yun tinanong? "Mga 6;30 pa" 6:30? Sure siya, so kanina pa talaga siya. Silang dalawa lang? Anong ginawa nila? Nag-usap ng halos 3 oras? Teka, pakialam ko ba. "Kanina ka pa pala" Kasasabi lang Sophia diba? "Actually paalis na rin ako. Sige, maiwan ko na kayo. Bye, pagaling ka Travis" Umalis na nga siya, weird. "Good Morning" Walang good sa morning, kanina pa siguro. Nag-smile lang ako sa kanya. "Anong dala mo? Para sa akin ba yan?" Yung dala ko talaga yung una niyang napansin ha. "Kanino pa ba?" Binigay ko sa kanya na padabog yung donut. "Galit ka?" Anong klaseng tanong yun? "Ako? hindi ah. Pag hindi mo yan kinain magagalit ako." Nginitian niya ako, wala bang thank you? "Donut?" Akala ko paborito niya yun? Hindi niya ba nagustuhan? Sabi ni Ate Ara favorite niya daw, oh! my. Iba ang pagkakaintinid ko. Parehas pala kami ni Travis na ayaw ang donut. Yung pagkakasabi ni Ate Ara na favorite niya yun kabaliktaran ang meaning, hindi pala siya kumakain nun. Naku, baka isipin niya ang bad ko talaga sa kanya. Sorry Tavis, hindi ko sinasadya. "Thank you" sabay ngiti niya sa akin tapos kinain niya yung donut. What? Bakit niya kinain? Alam ko namang ayaw niya nun. Joke lang naman yung sinabi kong magagalit ako pag hindi niya kinain yung dala ko. "Sarap ah!" Sinabi niya yun pero alam kong may halong kasinungalingan yun. Para naman hindi lang siya yung napilitan, kukuha ako ng isa at kahit ayaw ko kakain rin ako. Kukuha na sana ako pero hindi niya ako binigyan. Nilayo niya pa nga sa akin. "Akala ko ba para sa akin to, bakit ka hihingi." Seryoso ba siya? Mukhang sukang-suka ka na nga diyan hindi ka pa mamimigay. "Isa lang, titikman ko lang." Para siyang bata tapos ang damot pa. "Diba hindi ka naman nakain nito?" Teka, paano niya nalaman na hindi ako nakain ng donut? "Sabi sa akin ni Ate Ara" Ah, sinabi naman pala. "Bakit ikaw hindi ka rin naman nakain ng donut ah." Natahimik siya, akala mo hindi ko yun alam ha. "Hindi ah, nakain kaya ako. Wag ka maniwala kay Ate, favorite ko nga to. Sus, ako pang niloko mo. "Bigyan mo na kasi ako para parehas tayo." Wala pa ring nangyari. "Wag na, hindi ka naman kasi nakain nito." Ang bad niya talaga, siya rin naman.

"Isa, bigyan mo na ako"

"Ayaw ko, binigay mo to sa akin e. Sabi mo akin ito"

"Isa lang, sige na. Wag kang madamot, para kang bata"

"Wag na kasi, akin na lang lahat ito. Tubig na lang ang inumin mo." Hindi pa rin ako patalo kaya nakipag-agawan ako. Pinilit kong makuha yung donut. Bakit ganun? Ang lakas niya pa rin kahit nabangga siya at masakit ang katawan. Nakipag-agawan pa rin ako hanggang sa nagkatinginan kami. Yung tipong magkalapit ngayon yung mukha namin. Habang tinititigan ko siya may iba akong nararamdaman, hindi ko nga lang Papalapit siya ng papalapit sa akin pero sinubuan ko na lang siya ng donut. Pagkasubo ko ng donut, kumuha akong isa at sinubo ko rin at kinain. Aaminin ko, hindi ko talaga type. Uminom agad ako ng tubig. "Sophia, eto pa oh! ginusto mo yan." Sinubuan niya pa ako. Anong nangyari, bakit yung donut na sinubo niya sa akin type ko yung lasa. May magic ba yung kamay niya? "Sarap no?" Masarap nga, anong ginawa mo? "Masarap din pala ang donut. Bakit ba hindi ko yun nalasahan dati?" Ang wierd naming dalawa. Parang nung una lang halos masuka na kami tapos ngayon naubos namin yung donut na nung una hindi namin makain-kain. Grabe, nabusog ako dun ah.

"Travis, kamusta ka na pala?"

"Ayos na ako, pwede na nga akong umuwi bukas. Hindi naman ganun kalala yung aksidente, ang OA lang talaga nila lalo na si Ate."

"Ikaw talaga, isususmbong kita dun." Pero ang OA nga ni Ate Ara

"Pero kahit ang OA niya mahal na mahal ko siya" Woahh! ang mais pala ni talaga ni Travis. Natatawa tuloy ako.

"Kamusta pala ang date mo?" Hindi nga sabi date yun.

"Kung hindi date yun? Anong tawag mo dun?" Kung hindi ano nga ba? Ewan ko basta hindi, tapos

"Bahala ka nga Travis"

"Sophia, may pag-asa ba siya?" Nabigla naman ako sa tanong niya.

"Mabait siya, gentlemen, may tiwala ako sa kanya, okay siya kay mama, at hindi siya mahirap magustuhan."

"So, sasagutin mo siya"

"Yun lahat siya. He is actually a good person pero kahit anong gawin ko kaibigan lang talaga yung tingin ko sa kanya. Mas okay na rin kong kaibigan lang, hindi ako masasaktan ng sobra, ayaw ko ng maulit yung dati. Hindi pa rin ako handa sa mga ganung bagay at wala akong balak magka boyfriend."

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon