Chapter 20: LOVEnat

571 24 0
                                    

Travis' POV

"Yaya Anna, akyat na po natin siya sa kwarto niya." Inakyat na namin siya.

"Mommy" habang buhat ko siya at paakyat kami narining ko yung sinabi niya.

"Anak, wala ang mommy mo nasa Cebu diba?" Kaya pala hindi ko siya ngayon makita. Nung nakarating na kami sa kwarto niya. Hiniga ko na si Sophia sa kama niya.

"Travis pwede ba dito ka muna. Wala din kasi akong makakatulong ngayon nasa Cebu si Sandra saka hindi ka na rin naman iba." Mukhang kailangan mo nga ni Yaya Anna ng tulong. Gusto ko ring alagaan si Sophia.

"Yaya Anna, yaan mo sasamahan ko po kayo." Hinipo ulit ni Yaya Anna yung leeg ni Sophia.

"Ang taas pa rin ng lagnat niya." Hinipo ko rin yung leeg niya at sobrang init. Halos mapaso na nga ata yung kamay ko.

"Yaya Anna, penge po akong malamag na tubig at towel." Kahit papano may alam din ako sa panggagamot. Actually, doctor talaga yung gusto kong kunin someday. Madami kasing tao na nangangailangan ng tulong, na kailangang gumaling.

Bumaba na rin si Yaya Anna para kumuha ng malamig na tubig at towel. Hinawi ko yung buhok niya sa mukha niya. Ang sarap niyang pagmasdan, para siyang anghel.

"Travis ito na." Buti na lang nakabalik agad si Yaya Anna.

"Yaya, taumawag po kayo sa doctor tapos papuntahin niyo dito at tanungin niyo na rin po kung anong gamot yung pwedeng ipainom sa kay Sophia." Hindi mapakali si Yaya Anna, kabado ata.

"Sige, bababa na ako." Wag kayo mag-alala Yaya Anna, hindi ko pababayaan si Sophia.

"Tatawagan ko na rin si Sandra para malaman niya." Bumaba na rin siya tapos kami na lang dalawa ni Sophia ang naiwan sa kwarto. Pinunasan ko yung mukha niyang napakaganda kamukha niya yung artistang crush ko rin, si Loisa.

"Sophia, sabi ko naman kasi sayo palagi kang mag-ingat." Tumayo muna ako tapos nagmasid masid sa kwarto niya. Nakita ko yung picture niya nung bata pa siya kasama yung mommy niya. Wala talagang picture dito yung daddy niya. Ganun ba siya kagalit sa kanya?

BEEP!

Narinig kong nag vibrate yung phone niya pero hindi ko na pinakailaman baka lalo lang siyang magalit at mainis sa akin.

Alam mo ba sa pag-amin ko sayo at sa mga sinabi mo sa akin, gustong-gusto kong paulit ulit sabihin sayo ang salitang "sorry". Kahit ang hirap tanggapin at kahit masakit kung ang gusto mo ay layuan kita at maging kaibigan lang talaga, ibibigay ko yun sayo kung yun yung gusto mo kasi mahal kita. Ang sakit pala malaman sa bibig pa mismo ng gusto mo na hindi ako lagi makasama, makausap o kahit ano at mas lalaong masakit na malaman sayo na kahit kelan hindi mo pipiliing magkagusto sa tulad ko.

Hindi ko napansin tumutulo na pala yung mga luha sa mata ko. Kalalaking tao ko ang iyakin ko. Magpapahinga na sana ako pero dumating na yung doctor.

"Doc kamusta ang alaga ko?" Okay lang kaya si Sophia?

"Ayos na siya, painumin niyo lang siya ng gamot pag nagising siya pati pag kakain. Kailangan niya lang magpahinga." Mabuti naman at ayos lang siya. Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa kanya.

Hinatid ko na siya sa labas. Pinatulog ko na din si Yaya Anna. Sabi ko ako na lang muna ang magbabantay kay Sophia mukhang pagod na pagod na rin siya. Pumasok na ulit ako sa kwarto niya. Nilapag ko muna yung ulo ko sa kama niya.

"Tavis? Anong nangyari?" Umaga na pala at nakatulog na rin ako dito sa kwarto niya.

"Gising ka na pala. Nahimatay ka kasi kahapon pero ayos ka na kailangan mo lang daw ng pahinga." Okay lang kaya sa kanya na nandito ako.

Secretly Inlove 💜 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon