Chapter 1
"Yanna, pumunta ka ba sa therapy session mo kanina?" mahinahong sabi ni mommy. Tumango ako.
"How was it?" ngumiti lang ako at nagtaas ng thumb as a sign na naging okay ang therapy.
May sakit ako kaya kailangan kong um-attend ng therapy. It is not actually a disease... it is a disorder. I have a speech disorder. Hindi ko alam pero paggising ko na lang isang araw, hindi na ako nakakapagsalita. Mahirap. Sobra. Sabi ng mga doctor, epekto raw 'to ng trauma. Trauma mula sa isang aksidente. Sana nga hindi lang boses ang kinuha sa akin, sana pati na rin yung alaala ko--- mga alaala ng gabing bumago sa buhay ko.
Nakakarinig at nakakaintindi pa rin ako ng sinasabi ng mga tao pero nahihirapan akong magconstruct ng sasabihin kaya through cards, sulat at hand gestures ang daan ko para kahit papaano, naiintindihan pa rin nila ako. So i still consider myself as mute. Wala rin naman akong pinagkaiba sa kanila, diba? Pare-pareho kaming hindi nakakapagsalita kaya bakit ko pa ilalayo ang sarili ko sa kanila?
Sabi ng doktor, by this time dapat nakakapagsalita na ako kahit pautal-utal. I know i can talk but i just decided not to. Hindi ko kaya. Isip ko na rin ang nagsasabi na wag na. Isang taon na akong may ganito pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagsalita ng kahit ano. Para saan pa? Hindi na rin naman mabibigyan ng panibagong buhay ang isang taong mahalaga sa 'kin kung makakapagsalita ulit ako. Dahil sa boses na ito kaya nawala siya... kaya... hangga't maaari, ayoko nang marinig pa ito.
I was involved in a car accident one year ago. No--- WE were involved in a car accident.
Kung hindi siguro ako nagpasundo sa kuya ko noong gabi pagkatapos ng audition, hindi siguro kami maaksidente. Kung hindi lang naging matigas ang ulo ko, hindi sana siya mawawala. Kung hindi ko lang sinuway sina daddy na 'wag nang umattend sa audiition na iyon, buhay pa sana si kuya ngayon. Hindi sana niya agad kami iniwan.
Sana sinama na lang din niya ako sa pinuntahan niya o kaya naman ako na lang dapat ang nawala.
Sabi nila maswerte pa raw ako dahil nabuhay pa ako... pero ito ba ang buhay na sinasabi nilang maswerte? Na kahit hindi man pinapakita ng pamilya ko, ramdam ko pa rin ang galit nila sa akin dahil sa pagkawala ni kuya. Parusa na rin siguro ito sa akin. Nabuhay nga ako pero pakiramdam ko parang patay ako. I'm not living a normal life. Lumalabas lang ako ng bahay kapag pupunta sa therapy session. Nagho-home study na lang din ako pagkatapos ng aksidente pero hindi katulad ng pinag-aaralan ng mga pumapasok sa school ang pinag-aaralan ko. Nag-aaral ako ng sign language at kung anu-ano pa para madaling makipagcommunicate sa ibang tao.
Nakarinig ako ng busina mula sa garahe. Nandito na si daddy. Nagmadali akong lumabas ng bahay para salubungin siya. Lumapit agad ako sa kanya at tinulungan siya sa dala niya.
Nginitian ko siya pero blanko lang ang expression ng mukha niya. Pagod siguro mula sa trabaho. Ganoon na lang ang iniisip ko.
Pagkarating sa sala, sinalubong siya ni mommy. Aakyat na sana ako papasok ng kwarto pero tinawag ako ni daddy.
"Yanna, come here. I have to tell you something."
Tumayo ako sa harap nilang dalawa, hinihintay na magsalita sila.
"Napag-usapan na namin 'to ng mommy mo. We've decided that you will continue your studies and therapy abroad. Mas maganda siguro kung doon ka muna titira."
Natigilan ako sandali. Hindi pwede. Umiling ako bilang hindi pagsang-ayon sa desisyon nila.
"You can't disagree, Yanna. The two of us had already decided. Huwag mo na kaming suwayin pa. Minsan mo na kaming binigo kaya sana this time sumunod ka naman na sa gusto namin."
Umiling lang ako nang umiling. Maraming tumatakbo sa isip ko na gusto kong sabihin pero hindi ko masabi. Ganito ang sakit ko. Ang bigat lang sa pakiramdam. Umiyak lang ako sa harap nila. I know i look pathetic now.
Bakit kailangan niyo pa akong ilayo sa lugar na nagpapaalala sa akin ng masasayang araw na kasama ko si kuya? Na kasama ko kayo nung masaya pa tayo bilang pamilya. Hindi niyo na ba ako mahal kaya tinataboy niyo na ako palayo sa inyo? Ganyan ba kayo kagalit sa akin?
Gusto kong sabihin sa kanila lahat ng iyan pero hindi ko kaya. Kung nakakapagsalita lang ako... kung kaya ko lang. Pero hindi eh.
"Stop acting like a brat! Can't you see? HINDI KA GUMAGALING DITO! Why waste your time here?" mataas na ang tono ng boses ni daddy. Pinapakalma na siya ni mommy.
"Tomorrow na ang flight mo. You don't need to pack your things. Meron ka ng damit sa bahay na titirhan mo. Wag mo na ring alalahanin ang household chores. Naghire na kami ng maid na tutulong sa 'yo."
Umiling ulit ako at nagsimula nang tumakbo papasok sa kwarto ko. Narinig kong tinawag ako ni daddy pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nilock ko na rin ang pinto para walang makapasok.
Naglagay ako ng mga damit sa hindi kalakihang bag. Kinuha ko na rin yung mga pera sa piggy bank ko. Kasya naman na siguro 'to para makakain ako. Basta ayokong umalis sa Pilipinas.
If I can't stop them then they can't also stop me.
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
RandomHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?
![Love in Silence [ Ongoing ]](https://img.wattpad.com/cover/8294176-64-k410112.jpg)