Chapter 4
Kinabukasan.
Pumasok si ate Anikka sa trabaho niya. Hindi ko alam kung ano yun. Gusto kong sumama sa pinagt'trabahuhan niya, nakakabagot sa bahay eh. Ako pa naman lang ata mag-isa dito. Ang tahimik eh. Nandito kaya si suplado? Baka wala. Wednesday eh kaya malamang may pasok 'yun. Hindi naman kami close para matanong siya ng sched niya sa school.
Nakakatakot sa loob ng bahay pero pakiramdam ko mas nakakatakot sa loob ng kwarto ni suplado. Sa pinto pa lang may nakapaskil ng kasindaksindak. "Enter and you'll die". Wala 'yun kahapon, ah? Masamang bata talaga. Akala niya siguro magnanakaw ako. In his dreams na pagnakawan ko siya ng mga gamit niya diyan. Kahit sa panaginip nga pala hindi ko iyon magagawa. Tao nga naman. Ang bilis manghusga.
Hindi ganoon kalakihan ang bahay nila. Hindi rin naman ganoon kaliit. Sakto lang talaga sa tatlo o apat na tao. Saan kaya yung mga magulang nila? Walang frame sa bahay nila. Kahit picture nilang dalawa wala. Ganito ba kalungkot pamilya nila? Pero mukha naman silang nagmamahalang dalawa. Kami, may malaking picture frame nga sa bahay pero hindi ko naman maramdaman yung pagmamahal nila.
Lumabas ako sa pinto at dumungaw sa gate. Tinignan ko yung mga katabi naming bahay. Wala naman kami sa lugar na mukhang maraming gangsters at tambay. Kumbaga, nasa ligtas pa kaming lugar.
Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang sarap pakinggan ng paglagaslas ng mga dahon. Nakakarelax. Nakakawala ng problema. Inhale... exhale.
What the---?
Biglang bumukas yung gripo na may host na nakakonekta kaya napaliguan ako ng wala sa oras. Malakas yung pressure ng tubig kaya pagalawgalaw yung host. Hindi ko makuha kasi natatamaan ng tubig yung mata ko kaya hindi ko makita.
Bakit ba bigla na lang 'yun bumukas?
Nakarinig ako ng pigil na pagtawa sa may parte ng bahay kung nasaan yung gripo na pinagkokonektahan nitong host. Nakuha ko na rin sa wakas ito bago pa ako tuluyang mabasa. Pinulupot ko muna para mapigil yung paglabas ng tubig. Conserve water dapat. Para akong si James Bond habang hawak yung host na parang baril.
Nang makarating ako doon sa lugar na pinanggagalingan ng tunog, tinanggal ko sa pagkaipit yung host saka tinapat sa parte ng bukasan ng gripo. Napapikit pa ako nun. Feel ko 'yung moment eh. TINATAMAAN KO NA YUNG TARGET! YES. Para akong naglalaro ng baril-barilan sa arcade.
"ANO BA!? Iti---gil mo nga--- 'yan!"
Laking gulat ko nang pagdilat ko, si suplado na pala yung nasa harap ko. Anong ginagawa ng isang 'to rito? Akala ko may pasok 'to?
"Pa---tay---in mo sa---bi eh!!!" Hindi siya diretsong makasalita kasi natatamaan ng tubig yung bibig niya. Hindi ko iyon sinasadya.
Dahil sa takot ko sa kanya, nabitawan ko yung host kaya pareho na kaming nababasa. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kalakas yung pressure ng tubig nila. Malakas ata sila sa Manila water eh.
PATAYIN MO YUNG GRIPO SUPLADO! PATAYIN MO YUNG GRIPO.
Para akong engot na sumisigaw sa isip ko habang tinuturo sa kanya yung gripo. Hindi niya ata naiintindihan yung sina-sign language ko. Ang hirap naman nito oh! Basic na nga lang 'tong ginagawa ko eh. Turo sa gripo ---> Umacting na pinipihit ito para mapatay ---> Ituro ulit ang gripo ---> Idemo ulit ang pagpatay sa gripo. Ako na nga lang papatay. Naku naman. Basang basa na ako. Basa na kami. Kasalanan niya 'to eh. Ggrr.
Tumakbo ako palapit sa gripo pero tumakbo rin siya papunta doon kaya nagkabungguan pa kami. Ngayon niya lang nagets yung sinesenyas ko. Sa lakas ng impact ng bungguan namin eh tumumba pa ako. Hindi man lang ako tinulungan. Tumayo na lang ako kahit ang sakit ng buong katawan ko dahil sa ginawa niya. Prankster kasi masyado eh. Naperwisyo rin tuloy siya ng sarili niyang pant'troll. Buti nga.
Tumingin siya sa akin saka sinamaan ako ng tingin. Kung nakakapisikal lang ang tingin. siguro bugbog na ako.
"Kasalanan mo 'to eh." sabi niya.
Ako pa talaga ang may kasalanan? Siya naman nagsimula nito eh. Sinamaan ko rin siya ng tingin. Kung video 'tong nangyayari sa amin, siguro may parang kuryente na lumalabas sa mata namin na nagbubungguan. Patibayan. Nakakabadtrip siya eh. Akala niya papatalo ako sa titigan?
Napalunok na lang ako bigla.
Nahahagip ng mata ko na nakatitig sa mata niya yung buong mukha niya. Ang cute ng kilay niya. Makapal na malinis. Yung bangs niya na nabasa, lalong nakapagpalitaw sa maganda niyang mata. Nagpapafacial kaya 'to? Bakit wala siyang blackheads o pimple man lang. Araw-araw ata 'tong nagli-lipbalm kasi lutang yung kulay at mukhang soft yung lips niya.
Bak---la ata 't-to eh...
Napakurap ako nang bigla kumabog ang dibdib ko at saka na tumingin sa ibang direksyon. Tinalikuran ko siya at saka nagcross arms.
"Wala ka pala eh." bigla niyang sabi. Hindi ko lang kayang makipagtitigan sa... katulad niya... Hmmp. Prankster.
Nung alam kong wala na siya sa likod ko, doon lang ako humarap ulit. Nakita ko siya na nakatayo malapit sa gate. Hindi ko alam kung bakit nahinto siya doon. Nung sinipat ko kung anong meron...
"Anong nangyari sa 'yo? Bakit basang basa ka?"
Nasa harap ni suplado si ate Anikka. Napatingin din siya sa akin.
"Anong nangyari sa inyong dalawa?"
=====
"Ganyan ka ba kaisip bata para gawin 'yun, ha Nicholo?!" galit na sabi ni ate Anikka.
Hindi ko siya sinumbong ah. Nasense siguro ni ate na siya ang may kasalanan. Hindi kasi makakibo si suplado. Ganoon siguro kapag guilty. Nahuli siya sa sarili niyang bitag. Kahit na nakakainis 'to, parang nakakaawa siyang tingnan ngayon. Nakayuko lang siya.
"Bakit ba lagi na lang ako? Bakit hindi mo naman kaya sisihin 'yang ampon mo. Simula nang patirahin mo 'yan dito, palaging ako na lang ang mali."
Wala na. Hindi na ulit ako naaawa sa kanya. Lagi na lang ako. Grabe.
"Alam ko kasing malawak ang pang-unawa mo. Ginagawa ko lang naman 'to para sa 'yo. Saka intindihin mo na lang yung kalagayan niya, Nicholo. That's the least thing you can do."
"Yun na nga eh. Paano ko siya iintindhin kung pati ako hindi niya maintindihan."
Eh? Siya lang naman hindi nakakaintindi sa akin eh. Naiintindihan ko kaya siya.
"You got it right! Paano nga ba? Edi alamin mo kung paano kayo magkakaintindihan. Mag-aral ka ng sign language."
"Ayoko nga. Pag-aaksaya lang 'yan ng oras."
"Mahirap magkaroon ng kasama sa bahay na hindi mo naiintindihan kung ano yung gusto niyang sabihin. Ikaw na rin nagsabi na nahihirapan ka kasi hindi kayo nagkakaintindihan, diba? Why don't you make a move?"
"Siya ang mag-adjust sa akin... sa atin, hindi yung tayo pa ang maga-adjust para sa kanya."
"Hindi dapat ganyan ang nasa mind set mo, Nicholo. Minsan kailangan mo ring mag-effort na gumawa ng paraan para magkaintindihan kayo. Dali na. Babalik pa sa ako sa trabaho. Umuwi lang naman ako para kunin yung naiwan ko kaso napatagal pa dahil sa kalokohang ginawa mo. Pagbalik ko kailangan may natutunan ka nang kahit kaunting sign language lang ah, kung hindi, babawasan ko allowance mo."
"Ate naman!"
"Bye na."
Naiwan lang kaming nakatayo doon ni suplado. Mahirap matuto kung ayaw. Tama si suplado. Ako na lang mag-a-adjust para sa kanila.
"Bahala siya. Edi bawasan niya allowance ko."
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
DiversosHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?