Chapter 34
Nicholo's POV
"Sa bahay niyo na ba tayo?" tanong ni Manong Karlos kay Yanna. Bigla naman siyang napatingin sa akin, "Ah, sige, si Nicholo na muna'ng unahin natin."
Habang nasa biyahe, kwento nang kwento si Manong Karlos sa amin. Struggles sa buhay at kung paano niya 'yon nalampasan. Nasa mid-50's na pala siya. Saka ko lang napansin dahil sa ilaw sa loob ng taxi na halos maputi na pala yung buhok niya.
Napakwento na rin ako ng tungkol sa buhay ko dahil kay manong. Mababaw na kwento lang naman. School, course, age, background sa pamilya ko at kung anu-ano pa na sagot sa tanong ni Manong Karlos sa akin. I kind of missed my parents lalo na doon sa part na nabanggit ko sila. Napaisip ako nang saglita, how my life would have been if they're still alive?
Pagkarating sa tapat ng bahay namin, nagtaka pa si manong kung bakit lumabas pati si Yanna. Lumabas na rin tuloy siya saka tumingin sa lugar namin. Tahimik at maayos naman sa amin kahit papaano maliban na lang kapag may maliliit na inuman sa kanto.
"Tara na, 'nak." talking to Yanna, "Kaya na 'yan ni Nicholo. Gabing-gabi na rin. Baka hinahanap ka na ng daddy mo."
Sumenyas naman si Yanna kay manong na silang dalawa lang ang nakaintindi. Biglang nagreact naman si manong na parang nagulat saka tumingin sa akin nang kakaiba.
Pagkayakap ni Yanna kay Manong Karlos, inabot na no'n 'yung bayad sa bill ng taxi pero tumanggi naman si manong. Sabi niya, marami siyang utang na loob sa pamilya ni Yanna kaya kahit 'yung maliit na halaga man lang na bayad namin sa taxi e pambawi na rin niya.
Hindi muna ako pumasok sa loob kahit pumasok na si Yanna. Alam ko kasing may ibig sabihin 'yung tingin ng dating family driver ng babaeng 'nakatira na rin sa tinitirhan namin'.
"Ikaw bata ka! Pinagkatiwalaan kita tapos inuuwi mo na pala 'yang anak-anakan ko sa bahay mo!" habang palapit nang palapit sa akin. "Akala ko ba kakakilala niyo lang? Naglilive-in na agad kayo? Bakit tinanan mo si Yanna? Ang bata-bata pa niyan. Kayong dalawa, ang bata niyo pa." saka siya napasandal sa taxi niya na parang hinang-hina saka napatakip ng tuwalya niya sa mata. Nakakatuwa rin si Manong Karlos kasi parang tatay na tatay siya kay Yanna. E kaso wala naman akong masamang ginagawa!
"Manong naman. Ang advanced niyo po masyadong mag-isip. May pangarap din naman po ako sa buhay kaya hindi ako gagawa ng kalokohan. 'Yang si Yanna po, nakikitira lang siya sa amin simula nung lumayas siya sa kanila. Wala po akong kinalaman doon sa pag-alis niya sa kanila. 'Wag din po kayong mag-alala kasi kasama ko 'yung ate ko dito sa bahay kaya hindi lang po kaming dalawa ang nakatira diyan." napahawak na rin ako sa braso niya para pahinahunin siya. "Wala po ba kayong tiwala sa akin?"
"E, kasi naman 'nak. Lalaki ka, babae naman si Yanna. Alam mo naman kung anong iisipin ko, 'di ba?"
Hindi ko na napigilan tumawa. Kahit diwata pa 'yang si Yanna sa ganda, walang dapat ipag-alala sa akin.
Tinaas ko 'yung kanang kamay ko para mangako. "Wala po akong gagawing masama. 'Wag na po kayong masyadong mag-alala."
"Ikaw! Kapag nalaman ko lang na..."
Natawa na lang din ulit ako. Tumawa na rin tuloy siya.
"Ikaw na'ng bahala, ha? Alagaan mo 'yang prinsesa namin. 'Wag na 'wag---"
"Yes, sir. Nothing to worry about."
"Okay. I'll go ahead."
"Naks. English spokening master." biro ko. I even said spokening intentionally. Tumawa naman siya.
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
AcakHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?