Chapter 20

269 11 3
                                    

Chapter 20

Yanna's POV

It was hard for me to sleep. Naaalala ko pa rin yung... Kagigising ko lang pero iyon agad ang naisip ko. Ghawd.

Napahampas na lang ako sa ulo sabay tinakpan ng unan ang mukha.

May mga bagay na gusto mong gawin pero sa panaginip lang nangyayari. Yung ibang bagay naman, kahit anong pilit mo na isiping panaginip lang iyon, pilit pa ring sumisiksik sa utak mo na totoo ang lahat. Nangyari nang hindi mo inaasahan.

It just happened. Malay ko bang nandoon siya? Hindi ko kasi siya makita dahil sobrang dilim. Dapat lumayo na lang siya nung nakita niya ako. Hay. Iiksi na ang lifespan ko. Goodbye world. It was worthwhile living 17 years on earth.

Pumikit ako habang nakapatong ang kamay sa harap ng mata. Iisipin ko sana kung anong gagawin ko kapag may bigla na lang maglagay sa akin sa sako pero sa ibang mundo ako napunta.

"How's the audition?" tanong ni kuya pagkapasok ko sa kotse.

"Good." sabi ko.

"I know you did better. Ikaw pa! Mana ka sa akin eh." at saka ginulo ang buhok ko.

"Weh kuya. Paano ako magmamana sa 'yo eh hindi naman ako sa'yo nanggaling? Bleh!"

"Ikaw talaga! Mas matanda pa rin ako sa 'yong bata ka. Dinasalan kita bago ka lumabas kay mommy pero hindi ata umepek." at pinunas niya ang kamay niya sa mukha ko habang tumatawa.

"Bad! Kadiri ka po! Kaya hindi ka nagkakagirlfriend eh. Tsk. Hahaha!" bigla siyang namula habang natataranta kung anong gagawin. Smells... "Kuya? Eeeey. Bakit nataranta ka?"

"Yanna, buckle up." hindi niya  pinansin ang tanong ko.

"Halaaa. May girlfriend ka na kuya, 'no?" at pinaandar niya na ang sasakyan habang kinakabit ko ang seatbelt.

"Yanna..."

"Kuya! Ang damot. Ikaw sinasabihan ko ng crush life ko samantalang ako hindi mo mapagkatiwalaan sa lovelife mo. Dali na."

"Kulit mo talaga. Oo. Meron ka ng ate. Actually, kanina niya lang ako sinagot." nangingiti niyang sabi.

"Uwa! Oh my gosh. Bakit ngayon mo lang sinabi na may nililigawan ka? Kuya naman." kunwaring nagtatampo kong sabi.

"Alam mo naman diba na may ibang gusto para sa akin si daddy?"

"Oh~ that witch."

"That's mean, Yanna."

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon