Chapter 3

307 13 4
                                    

Chapter 3

"ARAY KO! MASAKIT YUN AH!"

Hinampas hampas ko siya. SINO BA 'TO?! Magnanakaw? Pati ba naman mga gamit sa CR papatusin niya? Hinawakan niya ako sa magkabilang braso para pagilan pero hindi pa rin ako huminto sa paghampas sa kanya.

"Tumigil ka na nga! Teka, SINO KA BA?! HA?!"

Natigil lang ako nang makita ko si Ate Anikka na pababa ng hagdan. Tinulak ko siya kaya napalayo siya sa akin.

"Bakit ang ingay dito? Oh Nicholo! Kanina ka pa ba?"

CHARACTER PROFILE
Name: Nicholo Kyle Buenavista
Description: Kapatid ni ate Anikka, 1% Tao, .01%Mabait, 98.99% SUPLADO, No girlfriend since birth. Hindi pa raw niya kasi nakikita yung magpapatibok talaga ng puso niya (Pauso~) Prankster, Gamer kuno. Tahimik pero wagas kung magsalita sa isip. Hindi pala-lapit sa babae pero lapitin ng mga babae, Minsan lang mag-ayos pero mukhang maayos. Madalas na naka-finger comb lang ang buhok. Matalino pero hindi ine-expose. Taong-kwarto (palaging nasa kwarto), Magaling kumanta at magtugtog ng piano. Marunong mag-gitara.

(A/N: See picture of Nicholo at the right side of your computer screen. Sa umpisa naman ng story makikita ang picture niya kapag cellphone ang gamit.)

Magkakilala sila? PATAY. Napatingin si Ate Anikka sa magulong sahig na may kung anu-anong gamit sa CR. Pumunta ako sa likod niya.

"Oh my goodness! Anong nangyari dito?!"

"BAKIT HINDI MO TANUNGIN 'YANG KUTONG LUPA NA NASA LIKOD MO? SAKA SINO BA 'YAN?"

Hindi pinansin ni ate Anikka yung lalaki. Humarap na lang siya sa akin.

"Okay ka lang ba Yanna? Anong ginawa sa 'yo ng lalaking 'yan?"

"ANO BA ATE? 'YAN PA KAKAMPIHAN MO EH AKO NGA YUNG BINATO BATO NIYAN NG KUNG ANO! SINO BA KAPATID MO?!"

Ate? Kapatid?

"Hindi ka naman nito babatuhin agad-agad kung wala kang ginawa, diba?" tumingin siya ulit sa akin. "Anong ginawa niya sa 'yo, Yanna?"

Tinuro ko yung CR saka yung damit ko. Alam kong naiintindihan niya kasi tumango siya.

 "Ikaw naman pala may kasalanan eh. Bakit pumapasok ka sa CR nang may tao?"

Oo nga! Buti medyo nasuot ko na yung damit ko nun. Sadyang hindi ko lang mapasok yung ulo ko sa neck line. Paano kung mas maaga siyang nakapasok sa CR? Edi.. edi nakita niya yung.... HINDI! Wala siyang nakita.

"Malay ko bang may tao? SINO BA NAMAN KASING MAGC-CR NANG WALA NA NGANG ILAW, BUKAS PA PINTO? Matinong tao ba 'yun?" 

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon