Chapter 15

256 11 5
                                    

A/N: HAPPY NEW YEAR IN ADVANCE! Magpa-publish pala ako ng short story. Tapos ko na siya. Ang title ay 'Forever My Childhood Sweetheart' Sana basahin niyo. May silent readers ba dito o wala? Story 'yun ni Cavis na classmate ni Nicholo at bestfriend ni Bryle. Yey!

Enjoy reading.



=====

Chapter 15



Pagkapasok ni Ma'am Adriano, napatingin siya sa akin sabay ngiti ng sobrang lawak.

"Mukhang kumpleto na tayo kaya pwede na siguro tayong magsimula."

Nagsimula nang magturo si ma'am. Ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Oo. Plano nga siguro talaga nila 'to. 10:30 pala ang klase nila kapag second meeting of the week. 9am yung nakaraan kasi first meeting nila sa isang linggo. Naiiba nga pala ang schedule sa college.

Buenavista, Cojuangco, 'yung apelyido ni Bryle na hindi ko alam kung ano kaya siguro nagkatabi kaming tatlo. Nakita nga ata kami ni ma'am na magkasama ni Bryle noong nakaraang araw sa chapel kaya naisipan niyang gawin 'to.

Para saan? Iyon ang hindi ko alam.

"Yanna." tawag ni Bryle sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Do you believe in destiny?" sabi niya. Hindi ko sigurado kung nakangiti ba siya kasi hindi ko masyadong maaninag sa peripheral vision. Hindi naman ganito 'yung paningin ko dati. Side effect siguro 'to ng aksidente.

Medyo kumirot ang ulo ko kaya napahawak ako dito.

"Are you okay?" sabi ni Bryle habang nakahawak sa wrist ng kamay ko na nakahawak sa ulo ko. Tumango na lang ako bilang pagsagot at saka binigyan siya ng malawak na ngiti.

Pumikit ako habang mahinay na huminga.

"Yanna?"

'I'm okay.' senyas ko.

"I thought you're about to collapse or something. I hope you're really okay. Gusto mo ng tubig?" umiling ako.

"Bryle~ shhh. Nanchichicks kasi agad." sabi nung nasa likod namin. Siguro kaibigan niya kaya tinawanan niya lang.

Chicks chicks chicks. Ako?

'Sorry. I'm really okay. Don't worry. >_^' sinulat ko sa notebook na binigay niya. Nagdrawing pa ako ng emoticon na nakakindat. Pinakita ko sa kanya 'yun. Napangiti siya nang makita niya 'yung notebook.

Pagkatapos niyang magsulat, inabot niya sa akin iyon.

'I thought you're gonna throw this away. Oww. So touching. Wait. What's with the wink? You're always making me kilig, you know that? :") Yey! But it'll be better if you'll do it... like a real wink. Look at me after you read this.'

Natatawa ako sa sinulat niya. Pagkatingin ko sa kanya, kinindatan niya ako. "Like that." mahinang sabi niya.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon