Chapter 17

260 11 1
                                    

Chapter 17

Yanna's POV

Nagising ako mula sa pagkatulog. Panaginip lang ba 'yun? Akala ko totoo na. Almost... a reality. Pumikit ulit ako at sinubukang bumalik sa panaginip na 'yon pero hindi na ako dinalaw pa ng antok. Nung dumilat ako, nagulat ako nang biglang may sumulpot na babaeng nakaputi sa harap ko. Sa takot ko sa kanya, napabangon ako at saka ko lang nalaman na nasa loob pala ako ng... clinic.

"Kamusta ka na, miss? Are you okay?" sabi niya nang hindi nakatingin sa akin at sa ear thermometre ang atensiyon.

"Oo nga pala, sabi sa akin ng kaibigan mong nagdala sa 'yo dito, hindi ka raw nakakapagsalita. Kung kailangan mo ako, pindutin mo lang 'tong button para makapunta agad ako." aalis na sana siya nang hawakan ko siya sa kamay.

"Do you need something else? Water? Food?" Umiling ako.

'Who brought me here?' senyas ko.


=====

Hindi ako pinayagan ng nurse na umalis nang walang kasama. Tinanong niya pa kung may cellphone daw ba ako para itext na papuntahin 'yung guardian ko para sunduin ako. Sabi ko wala kasi wala naman talaga. Siya na lang daw ang magtetext kaso hindi ko naman kabisado 'yung number ni ate Anikka tapos 'yung number ni Nicholo, pang short term memory lang na saglit nagstay sa utak ko. Mamaya mamali pa ako ng taong masendan eh. Saka--- ayokong malaman niya na nandito ako.

"Saan ka ba nakatira? Mukhang hindi ka estudyante dito. Anong ginagawa mo at nasa loob ka ng campus? Hindi mo ba alam na bawal ang outsider?"

Nagsulat ako sa papel na binigay niya. Hindi pala siya nakakaintindi masyado ng sign language.

'Attendant po ako sa isang store.'

"Ganoon? Saan dito? Pupuntahan ko para sabihin sa isa mong katrabaho na sabayan ka pauwi." sabi niya at umupo sa kama na inuupuan ko na lang din. Kumuha siya ng banana chips na nakalagay lang sa gitna ng kama.

'Newly hired lang po ako kaya wala pang kaclose doon. Saka sarado na po sila ngayon. Hanggang lunch lang po kasi sila tuwing saturday.'

"Ganoon ulit?" sabay nguya sa kinakain niya. "Paano ka na niyan uuwi? Ihatid na lang kita sa inyo kaso 6 pa uwi ko. Kung okay lang sa 'yong maghintay ng..." napatingin siya sa relos niya. "Two hours."

Nagwave ako ng kamay 'Wag na po.' senyas ko.

"Dito ka na lang sa clinic forever?" sabi niya sabay tawa. Kukuha sana ako ng banana chips pero biglang nagdalawa 'yung paningin ko kaya dumapo 'yung kamay ko sa bed sheet imbes na sa supot ng pagkain.

"You know Yanna, you should consult an ophthalmologist to check your eyes. The sooner the better para kung sakaling may problema, maagang maaagapan. Mukhang hindi kasi simpleng panlalabo lang 'yan ng mata eh. Sa kwento mo, mukhang nagkaroon ng apekto sa paningin mo 'yung... aksidente." panandalian siyang nagseryoso pero bumalik din 'yung bubbly side niya after a while. "Gusto mo na bang tumira dito sa clinic? May multo dito. Sige ka." tumawa siya sabay sabing joke lang daw. "Pero may multo nga dito." nagtindigan 'yung balahibo ko at napatingin sa paligid.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon