A/N: This chapter is dedicated to Marigold Lorenzo Andres aka Goldilovestoread. Author din siya sa wattpad at magaganda stories niya! Yieee. Thank you sa pagvote at sa support. Pati na rin sa pag-comment! Hohoho! Mwah mwah! Hahaha. Love lots. Third person POV pala 'to pero dito mabibigyang linaw ang ilang mga bagay. *grins* Yey.
=====
Chapter 24
Third person POV
What a stupid question! Nag-iisip ka ba, Nicholo?! Nakipagdate nga siya, diba?! Malamang kumain na 'yun!
Sumampa si Nicholo sa kama pagkapasok sa tahimik niyang kwarto at nagtakip ng unan na kakakuha niya pa lang sa biladan kanina. Hindi niya rin maipaliwanag kung anong nararamdaman niya. Una, pinaghintay at iniwan lang naman siya ni Yanna. Pangalawa, hindi niya magawang magalit dahil wala naman siyang karapatan na maramdaman 'yun dahil kumpara naman sa ilang araw na paghihintay ni Yanna, walang-wala ang isang oras na tumunganga siya.
Wala siyang maisip na dahilan kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig niya ang mga sinabi kanina. Hindi siya galit... nag-alala lang siguro. Basta gumaan ang pakiramdam niya ng mga oras na 'yun kahit na ba sa pananaw niya, hindi narinig ni Yanna ang huli niyang sinabi.
Pero hindi pa rin niya maiwasang mainis dahil hindi man lang nagawa nitong magpaalam sa kanya. Kahit text man lang wala siyang nareceive. Alam niyang pumunta iyon sa trabaho nito sa isang kainan sa school. Pasado alas-singko na pero wala pa rin iyon kaya pumunta na siya sa pinagt'trabahuhan nito. Naabutan niya na sarado na iyon.
Hinanap niya pa sa iba't ibang lugar sa campus si Yanna. Nahanap niya ito pero hindi niya inaasahan na kasama nito ang mga kaklase niya. Si Andrei, Cavis at lalo na si Bryle. Lalapit sana siya pero naisip niya na baka makahalata ang mga iyon sa magiging kilos niya kaya pinagmasdan niya na lang ang mga ito sa malayo.
Halos gusto niya nang hilanin nu'n si Yanna pauwi. Napabuga na lang siya ng hangin nang makita niyang mukhang masaya si Yanna at walang inaalalang pinaghihintay na kasabay pauwi. Doon lang siya nakaramdam ng inis. Mas lumala pa iyon ng pumasok na ang mga ito sa isang Gray Ford Fusion na kakarating lang. Sasakyan iyon ni Bryle.
Ganun-ganon na lang ba 'yun? Hindi niya ba naisip na naghihintay ako sa kanya?
Napakuyom ang isa niyang kamay nang makita niya na lumapit si Bryle kay Yanna at may ginawang kung ano rito habang nasa loob ng kotse. Kita niya ang anino ng mga ito kahit tinted ang kotse dahil sa ilaw ng paparating na sasakyan na tumatama sa harap ng kotseng sinasakyan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
RandomHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?