Chapter 12

266 11 0
                                    

Chapter 12

Tinaas ko yung kamay ko na parang nagsasabing 'wag na. Okay lang talaga.'

Pagkatingin ko sa taas ng building, nagulat na lang ako nang makakita ako ng familiar na figure. Si Ma'am Adriano Hindi ko alam kung dito ba siya nakatingin kasi medyo malayo siya. Muntik ko nang makalimutan na sasamahan ko pala siya sa class niya ngayon.

'I have to go. Sorry ah. May pupuntahan pa kasi ako eh. Bye.'

Aalis na sana ako pero hinawakan niya 'yung wrist ko kaya napahinto ako. Ito na naman ang nakakaawa niyang mukha. Mag-i-insist pa dapat siya na ihahatid niya ako sa pupuntahan ko pero tumanggi ako.

"Kapag babalik ka sa ibang araw, pumunta ka lang sa chapel ah. I'll be waiting for you." 

Tumango ako saka nagmadaling maglakad pabalik sa faculty room. Saka ko lang narealize na hindi ko nabalik yung notebook at ballpen kay Bryle. Ang dami kong nakakalimutan kapag nakakasama ko siya. Mayroon na ata akong Brylenesia. Di bale, kapag nagkita na lang ulit kami, isasauli ko 'to sa kanya.

Will our paths cross again?

=====

Another day passed. Bago ako matulog, palagi kong iniisip kung kamusta na kaya sina Mommy at Daddy ngayon.

Masaya kaya sila?

Hinahanap kaya nila ako?

Baka hindi pa rin nila alam hanggang ngayon na umalis ako. I hope they're aware about that. It's almost a week since i run away from home. I even left a note on my bedside table with the words "I'll just look for the real happiness outside the box. I'll be back if things go right. Sorry." Nakalagay sa tabi ng note ang lahat ng gadget na binigay nila sa akin. IF... hindi WHEN. I'm still hopeful na magiging maayos ang lahat.

Nagdala lang ako ng bag na may lamang mga damit, sketch pad, ballpen, pair of shoes, wrist watch, flashlight, yung suot kong damit at necklace. Regalo sa aming magkapatid 'yon ng magulang namin. May pendant siya na nakaengrave ang pangalan ko. Mahalaga pa rin 'yun sa akin kahit na may conflict kami ng magulang ko. Kahit papaano, it recollects happy memories so i still value it.

Wala pa akong plano kung anong gagawin ko sa mga susunod na araw. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari. Basta ang alam ko lang, kailangan kong i-enjoy ang mga araw habang nasa labas pa ako ng apat na sulok ng bahay namin na para nang kulungan.

Huwag dapat sayangin ang araw na malaya pa ako.

Darating ang panahon na mahahanap nila ako at wala na akong magagawa kundi ang sumunod na lang sa gusto nila... ang pumunta sa ibang bansa.

In the first place, bakit nga ba lumayas pa ako kung alam ko rin naman kung ano'ng kahahantungan nito? I just want to be free. Freedom will lead me to my happiness. Kahit saglit lang. At least naging masaya ulit ako bago ko harapin ang mapait na katotohan. Sana lang hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko.

"Can't sleep?" sabi ni Ate Anikka mula sa likod ko habang nakahawak sa mga braso niya na parang nilalamig. Tumango na lang ako. Nadatnan niya ako na nakadungaw sa gate habang nakatingin sa taas. Hindi ko alam kung bakit wala akong makitang stars. Yung buwan lang na hindi ko pa sigurado kung buwan ba talaga kasi hindi ko rin siya maaninag dahil madlim. Ilaw lang dito sa garahe ang nagbigay sa akin ng paningin para makita si Ate.

"Why?" I just gave her a smile as i shook my head. Nothing. I'm tired of explaining and i'm tired of making them tired about my endless problems... challenges in life, though. Being mute is so hard.

"Sige. Papasok na ako, ah? Patayin mo na lang yung ilaw sa sala kapag papasok ka na. Good night, Yanna."

Pagkasara niya ng pinto, bigla na lang nawalan ng ilaw sa labas. Nawala siguro sa isip niyang may tao pa sa labas. Buti na lang may ilaw pa mula sa sala na ako ang magpapatay kaya medyo may nakikita pa ako kahit nangangapa pa rin ako. Sinusundan ko lang kung saan nangagaling yung ilaw na sumusungaw sa sala. 

Pagkapasok ko, sinara ko na yung ilaw ng sala at naglakad na. Saka ko lang na-absorb na wala na talaga akong makita dahil sa dilim. Wala talaga akong maaninag ni ano. Para akong nakapikit. May diperensiya na nga siguro ako sa mata. Sinubukan kong bumalik kung saan yung switch pero hindi ko na nakapa pa. Dahil doon, mas lalong naguluhan ako sa daan kung saan yung kwarto ko.

Para akong bulag na nag-e-extend ng kamay para malaman ko kung bubunggo ba ako kung saan hanggang sa nakakapa na ako ng doorknob. Chineck ko pa kung akin ba 'yung kwarto kasi mamaya kay Nicholo pala 'yun. Patay ako kapag na-envade ko yung kwarto niya. Nalaman kong akin kasi hindi nakalock.

Nung nabukas ko na, wala pa ring ilaw kaya todo kapa na naman ako para sa switch. Bigla kong naalala na pundido pala 'yun kaya study lamp ang ginagamit ko. Ang masakit lang, mangangapa na naman ako nito sa nakabubulag na kadiliman kasi nasa bedside table pa 'yung lamp.

Sobrang dilim kaya pumikit na lang ako. Ganun din naman ang nakikita ko eh. Puro itim.

Mabagal lang akong naglalakad. Habang nakalahad ang kamay ko, may nahawakan ako na kung ano. Hindi ko alam kung ano 'yun basta malambot. Kapa lang ako nang kapa pero nauurong ko yung ineexamine ko kaya napapalayo tuloy 'to. Napatigil lang ako sa ginagawa ko nang may mahawakan akong kamay.

"A---nong ginagawa mo? S---saka bakit ka nasa kwarto ko?!" nagsusuplado niyang sabi na medyo nauutal-utal pa.

Si Nicholo.

PATAY. Mali ako nang napasukang kawarto. Hindi pa rin ako dumidilat. Anong gagawin ko? Isip!

Tama! Hindi ko siya naririnig. Nakapikit ako't hindi ko mababasa 'yung galaw ng bibig niya.

Niyugyog niya ako. "Tulog ka ba?" Sabay tapik sa pisngi ko. Parang may naramdaman akong kuryenteng dumaloy doon sa kamay niya na dumampi sa pisngi ko. Bakit may ganoon? Hala.

Narinig ko na pinindot niya yung switch ng ilaw sa lamp shade niya. Hindi ko pa rin natatanggal 'yung kamay ko na nakahawak sa kanya. Kapag binitawan ko 'to, baka malaman niyang gising talaga ako.

"Ang tanda na pero naglalakad pa rin nang tulog." sabay buntong hininga niya na parang nag-iisip ng gagawin. Mahinay na tinapik tapik niya ulit ako para gisingin.

Maraming bagay ang pumasok sa isip ko 'nun.

Bakit hindi siya naglock ng pinto? At saka...

Bakit hindi siya pumapalag nung hinahawak-hawakan ko siya? Dahil baka inaantok pa siya at tinatamad kumilus-kilos.

Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako papunta sa kwarto ko kaya napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanya. Para akong lumulutang. As in lumulutang sa ulap. Ang bango niya.

Ano ba 'tong mga naiisip ko.

Nakakarinig ako ng mga tunog na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Nanaginip ba talaga ako? Baka naman tulog talaga ako? May mahinang tunog ng kampana. 

Pagkabukas niya ng pinto, hindi ko alam kung paano niya pinagsabay ang pagbuhat sa akin sa paghawak sa ulo ko. Iniiwasan niya sigurong tumama 'yung ulo ko sa kung saan pwedeng tumama. Baka naman nananaginip lang talaga ako. Hindi pwedeng... maging ganito kabait si Nicholo sa akin.

People change. 

Bulong ng konsensiya ko. Nananaginip nga talaga siguro ako.

Pagkababa niya sa akin sa kama, umupo muna siya doon sa gilid nang saglit. Naramdaman ko 'yung paggalaw niya. Parang nagkamot siya ng ulo sabay iling. Bago siya lumabas, narinig ko pang mahina siyang nagsalita. "Good night."

Nananaginip nga siguro talaga ako. O baka siya ang nananaginip.

Napahawak ako sa dibdib ko pagkalabas niya. It feels like something's gonna burst out of my chest.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon