Chapter 11
"Hi. Ako nga pala si Bryle. Remember me?" Nilahad niya 'yung kamay niya sa harap ko. Inabot ko naman iyon at saka bahagyang tumango. Ngumiti siya kaya nginitian ko siya ulit.
"I---kaw? Anong pangalan mo?"
'Ako si Y.A.N.N.A. Nice meeting you.' senyas ko. Nagulat pa siya sa ginawa ko sabay sabi ng 'oh'. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Mahihiya ba o matutuwa. Mahihiya kasi mukhang manghang mangha siya sa ginawa ko na parang first time niyang makakita ng ganun o matutuwa kasi mukhang naintindihan naman niya yung sinabi ko?
"Yanna? Ang galing naman. Pinag-aralan mo pa talaga ang sign language. Nice." Tumango ako. Nagtanong siya kung bakit, sinenyas ko naman na mute kasi ako. Nanlaki na naman yung mga mata niya sabay sabi ulit ng 'oh'. Ang cute niya. Hala.
Nang nakarecover siya sa pagkagulat, nagsalita ulit siya.
"Ano ulit 'yun, Yanna? Hindi ko kasi naintindihan eh." napakamot siya sa batok niya. Natawa tuloy ako sabay hampas sa braso niya...
Oh my gosh. Saka ko lang narealize na nahawakan ko (with super duper force) yung braso niya nang hindi ko namamalayan. Close kami? Nakakahiya. Nagsorry ako kaagad sa kanya pagkatapos kong makarecover sa aking laugh-with-lots-of-air. Hindi niya pa ata alam ibig sabihin nung senyas ko na 'sorry'.
Nilalamig ako. Baka natatakot na 'tong katabi ko sa akin. Siguro iniisip niya na weird ako kaya ang tawa ko walang tunog at puro hangin lang, samahan mo pa ng panghahampas ko ng pabigla-bigla.
Humarap ako sa kanya at saka nagbow. Aalis na sana ako nang bigla siya ulit nagsalita.
"Wait. Naiintindihan na kita. You don't have to explain."
Inabutan niya ako ng notebook at ballpen.
"Ito muna siguro ang way natin para magkaintindihan. Kapag may gusto kang sabihin sa akin, isulat mo na lang diyan. Ganoon din kapag sasagot ka sa tanong ko." mahinahon niya pang sagot habang diretsong nakatingin sa akin.
Tahimik lang kaming dalawa. Nagtitimbangan pa ng lakas. Pagkalipas ng ilang segundo, narinig ko ulit 'yung boses niya hindi dahil nagsalita siya... Nakinig lang ako sa kinakanta niya. Mahina lang pero rinig ko pa rin.
Hi
Girl you just caught my eye
Thought I should give it a try
and get your name & your number
Go grab some lunch & eat some cucumbers
WHY, DID I SAY THAT?
I don't know why.
But you're smilin' & it's somethin' I like
on your face, yeah it suits you
Girl we connect like we have bluetoothHuminto siya pagdating sa chorus. Nakaisip tuloy ako ng sasabihin sa kanya. Sinulat ko sa notebook 'Bakit ka huminto sa pagkanta?' Hindi lang pala siya gwapo eh. Talented pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/8294176-288-k410112.jpg)
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
RandomHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?