Chapter 16
Nicholo's POV
Ilang minuto na halos ang lumipas pero hindi kami makaalis ni Yanna sa kung nasaan kami.
"Yanna!" sigaw ni Bryle.
"Nicholo! Nasaan ka na ba? Hubby!" na parang nanlulumo na ang tono ng boses. "Aray ko! Ano ba Brylieboy! Bulag ka ba? Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo."
"Bakit hindi mo sabihin 'yan sa sarili mo? Ikaw kaya 'tong hindi tumitingin sa daan. At saka, tigilan mo nga 'yang pagtawag sa akin ng Brylie--- ugh, Miss Fatty Hailey Venice." at sa imagination ko, he sticks his tongue out.
Wala akong maalalang araw na nag-usap sila ng ganito sa room. Ngayon lang ata. It's quite unusual.
"We're not--- even--- close--- para--- tawagin mo ako niyan!" pasigaw niyang sabi.
"Oh really, Fatty Venice?"
"Y---yes. Itigil mo na nga pagtawag sa akin niyan! Bulag ka nga siguro talaga. Hindi mo ba nakikita na payat na ako?"
"That doesn't change anything. Ikaw pa rin 'yung Fatty Venice na nakita kong mag-isa lang sa kwarto niya at nagmumukmok dati. Loves eating, huh?"
"Ikaw na nagsabing dati pa. Past is past. Just forget about that." narinig ko yung tunog ng takong ng sapatos ni Hailey. Paalis na ata siya.
"Madali ka na pala ngayong magpatalo." tumawa siya ng pang-asar. "Ooops. Dati pa pala kitang natatalo sa mga ganitong trash talk."
"Nakakainis ka na. I hate you Brylieeboy! Pffft."
"Bakit hindi ka na lang magpasalamat sa ginawa ko? Hindi mo siguro maiisipang magpapayat kung hindi mo ako nakilala at hindi ka nagkagusto sa ak---"
"Shut up!"
"Bakit ba ayaw mong pinapaalala ko sa 'yo 'yun? My gosh, Venice. That was 10 years ago. We're already 17. Hindi ka pa nasanay sa pang-aasar ko sa 'yo. Ano bang problema sa mga sinabi ko? Those were just---"
"You are my problem! I'm so sick of you."
May binato siya na nagbounce papunta sa pinto. Sa gulat ko, mas napalapit ko tuloy si Yanna sa akin. Yung kamay kong bumitaw sa kamay niya, napunta na ngayon sa likod ng ulo niya at nanatiling nakahawak 'yung isa kong kamay sa likod niya.
Nakayakap na ako sa kanya. Malamang ramdam na niya 'tong malakas na kabog ng dibdib ko katulad na lang ng pagkaramdam ko sa bilis ng tibok ng kanya.
Why am i having this weird sensation in my chest? Dala lang siguro 'to ng kaba na makita nila kaming magkasama at gutom dahil hindi pa ako nakakapaglunch.
"Umalis ka na lang sa paningin ko, Brylieboy!"
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
De TodoHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?