Chapter 27

192 8 9
                                    

A/N: Chapter dedicated to Netmin13. Salamat sa paglagay nito sa reading list mo.

May iniba nga pala ako. 'Yung oras ng uwi nila Nicholo 4:30 hindi 3:00 tapos si Yanna 5:00. Sorry sa mga mali. Ang pag-update ko kasi ginagawa ko lang din the day before kong i-post. Maraming salamat ulit sa pagbabasa.

=====

Chapter 27

Third person POV (Nicholo's)

Pinatila muna nila ang ulan bago lumabas sa kainan kaya madilim na nang abutin sila sa labas. Matagal silang naghintay sa sinasakyang jeep. Wala namang baha o aksidente. Kadalasan, ilang minuto lang ang biyahe pero inabot sila ng halos isang oras.

Magkatapatan sila. Hindi nagtitinginan sa isa't isa. Walang imikan. Si Yanna ang nagbayad para sarili at ipinaabot ito kay Nicholo. Pasimple itong tumitingin sa lalaki at mapapaiwas kapag tumingin siya sa dako nito.

Nang makababa na sila, saka lang naalala ni Nicholo ang isa pang bagay na nakalimutan niyang bilhin na kasama dapat ng cellphone. Sim. They came across a store. Doon siya nakabili ng create your number sim na kapareho niya at ng ate niya ng network.

Nauunang maglakad si Nicholo. Minsan chinecheck niya ang likuran kung sumusunod ba sa kanya si Yanna o hindi.

Ang bagal maglakad.

Wala siyang pakialam dati kung nahuhuli ba si Yanna o hindi. Nagbago na nga siguro ang ikot ng mundo o baka naman si Nicholo lang ang nagbago?

Nauna na siya nang tuluyan. Malaki na si Yanna kaya makakasunod naman na iyon. Apat na street na lang at kanila na nang biglang mamatay lahat ng ilaw sa poste. Natigilan ang dalawa sa paglalakad.

Brownout na naman.

Nagpatuloy lang si Nicholo sa paglalakad. Nakakakita pa rin naman siya kahit papaano pero madilim talaga. Papaliko na siya sa may kanila nang mapansin niyang wala si Yanna sa likuran niya.

Susunod naman siguro 'yon.

Humakbang siya. Isa... dalawa, pero tumalikod din agad at bumalik sa dinaanan niya kanina. Doon, nakita niya si Yanna na nakatayo sa kawalan. Lumilibot ang mata nito sa paligid na para bang may hinahanap.

Mas lumapit pa siya rito. Hindi nga ito gumalaw mula pa kanina nang iwan niya ito. Medyo may kadiliman kaya kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka pina-ilaw iyon para itapat sa babae. Napatingin ito ng diretso sa kung nasaan siya.

"Bakit nandiyan ka pa?"

Marahang naglakad si Yanna papunta sa kanya at biglang hinawakan siya nito sa manggas ng uniform. 

"H-hoy! Ano ba? Nasasakal ako." Lumayo siya. Naurong kasi ang kuwelyo niya nang hawakan nito ang manggas ng damit niya.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon