Chapter 13
Nicholo's POV
'Love is not always a compromise, Sometimes it's a complete surprise.'
Iyan ang nakalagay sa nabunot kong card sa box ng 'Today's Advice'.
Love Advice sa umaga. Ayos. Hindi naman ako Lover Boy kaya bumunot ako ng bago.
'Make one person happy each day even if it's yourself.'
Inayos ko na 'yung hinigaan ko at saka pumunta ng CR para ayusin ang sarili. Buti wala pang nauna sa akin. Nagsuklay na rin ako ng buhok na madalang ko lang ginagawa kapag bagong gising. May himala ata sa aking nangyari.
Ewan ko rin kung bakit ako nag-ayos kahit hindi pa ako papasok sa school. Ang aga kong nagising kumpara sa gising ko nung mga nakaraang araw. Totoo nga siguro ang himala. Baka may mangyayaring maganda mamaya kaya maganda rin ang gising ko.
Lumabas muna ako ng bahay para makalanghap ng sariwang hangin.
Sa paglalakad ko, napunta ako sa hilltop malapit sa subdivison namin kung saan may isang puno na nakatayo. Madalas akong pumupunta doon para makita 'yung pagsikat ng araw. Akala ko ako lang 'yung nandoon pero may naabutan akong babae na nakaupo sa ilalim ng puno. Sa pinupwestuhan ko palagi. Mukhang may dinadrawing siya kasi may sketch pad sa harap niya kaya hindi ko rin makita 'yung mukha niya. Oh well. Wala naman akong planong manchicks kaya pumunta ako dito.
Umupo ako sa harap niya. Medyo malayo sa kanya. Suddenly, narinig ko na lang siya na kumakanta. Parang boses ng anghel na bumababa sa langit. Hindi ko sigurado pero narinig ko na 'yung boses na 'yun sa hindi ko matandaang lugar at panahon.
May kung ano na pumipilit sa aking tignan siya kaya lumingon ako sa kanya... nagbabakasakaling tumingin din siya sa lugar ko.
Siguro napakiramdaman niyang nakatingin ako sa kanya kaya binaba niya unti-unti 'yung sketch pad na nakaharap sa mukha niya hanggang sa makita ko 'yung mata niya. Familiar pair of beautiful eyes. Medyo nahiya ako kaya binalik ko na lang yung tingin ko sa sunrise. Baka isipin niya pang manyak ako kapag tinitigan ko pa siya.
I fight the urge na tingnan pa siya lalo. Kilala ko siya. Hindi ko lang alam kung kailan at saan ko siya nakita.
Parang ang bagal ng pagpapakita ni haring araw. Hindi ko alam kung anong oras na kasi wala akong dalang kahit ano maliban sa sarili ko at ang damit ko.
Nakaramdam ako na parang may papalapit sa akin kaya napalingon ako. Parang fast forward na sumikat ang araw kaya natamaan ng liwanag yung mukha nung lumapit sa akin pero alam kong siya yung babaeng nagd'drawing sa ilalim ng puno.
Naalala ko na kung kailan at saan ko siya nakita. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Nikee! Kamusta?" isang tao lang ang tumatawag sa 'kin n'un... or should i say TUMAWAG kasi isang beses at napakatagal na panahon na rin simula nung huli ko 'yung narinig.
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
De TodoHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?