A/N: Hi foreverIUlover! Thank you sa pag-add nito sa iyong reading list. This Chapter is dedicated to you. Sana magustuhan mo. And to those who are waiting for the update, sorry for the long wait. Salamat sa pagbabasa. Hi kina Jasmine Bognalos at Angelica Marie Sarsale! Hihihi.
=====
Yanna's POV
Pagkalabas ko sa diner, nakita ko si Ma'am Adriano na naglalakad. Mukhang pauwi na rin siya katulad ko. Kailangan ko pa siyang habulin para lang mapansin niya ako. Gugulatin ko sana siya kaso hindi na kailangan kasi nagulat na siya nung makita ako.
"Papatayin mo naman ako sa gulat, Yanna." sabi niya habang nakahawak sa dibdib, "Oh hello, Yanna! Kamusta?!"
'Okay naman po. Kayo po?'
"Ito, maganda pa rin." tumawa siya bigla saka pabirong hinampas ako sa braso, "Joke lang. Pauwi ka na rin ba?"
'Opo. Kakatapos lang po ng work.'
"Sipag na bata talaga. Kaya bet na bet kita kay Nicholo eh." bigla siyang lumapit saka bumulong sa akin, "Kamusta naman kayo ni Nicholo? May usad na ba? Kayo lang dalawa sa bahay, ah?" lumayo siya saka tinaas-baba ang kilay.
Nanlaki 'yung mata ko sa sinabi ni Ma'am Adriano. GRABE NAMAN!
'MA'AM NAMAN PO! Wala pong ganoon.' napahawak na lang ako sa magkabilaan kong braso na parang pinanindigan ng balahibo.
"Wala naman akong sinabi masama, ah? Ikaw talaga, Yanna! Baka naman... kung ano na'ng nasa isip mo---"
'Wala po! Wala talaga po.' saka ako umiling-iling.
Tumawa siya nang malakas saka hinawakan ako sa kanang kamay gamit ng kaliwang kamay niya. Nagsimula na kaming maglakad. "Alam mo, Yanna, mabait na bata 'yang si Nicholo. Magkakaklase kami ni Anikka nung high school. Kapag may school project, sinasama niya si Nicholo sa bahay ng kaklase namin kasi wala raw magbabantay sa kapatid niya. Tahimik lang siyang manonood sa ginagawa namin. Kapag sinabi ni Anikka na sa isang tabi lang siya, doon lang talaga siya. Bibigyan lang siya ni Anikka ng papel na pagd'drawingan niya. Ang cute-cute ni Nicholo nu'n. Gwapo na kasi siya ngayon eh---"
Napatingin ako kay ma'am. Bigla siyang nagsalita, "Edi gwapong cute. Okay na, Yanna?"
'Hindi naman po 'yun ang sasabihin ko!'
"Ay, ganu'n ba?" Ano?"
'Wala po pala akong sasabihin.' senyas ko saka ngumiti.
Pagkatapos magkwento ni Ma'am Adriano, pakiramdam ko naayos ko na ang ilang piece sa mala-puzzle na nalalaman ko tungkol kay Nicholo. Habang patagal nang patagal, gusto ko pa siyang makilala nang mabuti. Napaka-misteryoso niya kasi para sa akin.
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
RandomHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?