Chapter 6
'Thank you Y.A.N.N.A. Bye. Ingat ka.' senyas niya at saka mabilis na tumalikod at nagpatuloy na sa paglalakad.
'Thank you Y.A.N.N.A. Bye. Ingat ka.'
'Thank you Y.A.N.N.A. Bye. Ingat ka.'
'Thank you Y.A.N.N.A. Bye. Ingat ka.'
Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko yung scene na sinenyas niya 'yan. Wala lang. Wala lang talaga.
Pumasok na ako sa loob ng bahay saka dumiretso sa kusina. Ako na lang ang maghuhugas para may maitulong naman ako. Pero pagdating ko doon, wala ng hugasin. Naabutan kong nagpupunas na si ate Anikka ng kamay sa towel. Siya na pala ang naghugas. Nakakahiya naman.
Pagkalapit niya sa akin, bigla siyang nagsalita. "Oh Yanna, ang lawak ng ngiti mo ah! Mas lalo ka tuloy gumaganda."
Huh?! Ako nakangiti? Bakit ako ngingiti? Oo nga pala, palangiti lang talaga ako. Walang dahilan para ngumiti. Meron ba dapat? Saka wala naman akong dapat paghugutan ng mga ngiti ko. May nangyari bang maganda ngayon? May nag THANK YOU ba sa akin? Parang wala akong matandaan.
Naku naman. Kapag naaalala ko yung kanina, napapangiti ako lalo. Pigilan mo, Yanna.
"Namumula ka! May masakit ba sa 'yo? Nahihirapan ka bang huminga?" sabi ni ate Anikka habang hinahawakan yung braso ko. Umiling na lang ako. Ako namumula? Natural lang 'yun sa mukha ko. Bakit ako mamumula? Hindi naman ako kinikilig.
"Sigurado ka?" Tumango na lang ako. "Sige magpahinga ka na lang. Baka magkasakit ka na naman eh. Uuwi ako mamayang tanghali kaya dadalhan na lang kita ng pagkain. Si Nicholo sa school na kakain ng tanghalian kaya hindi na 'yun uuwi dito." Tinitigan ko lang siya. "Bakit Yanna? May itatanong ka ba? Mabilis ba masyado yung pagkakasabi ko? Ulitin ko na la---" Umiling ako.
'Pwede po bang sumama ako sa trabaho niyo? Hindi po ako manggugulo, promise'
Napatabingi siya ng ulo. Hindi niya naintindihan yung sinabi ko. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko saka kinuha yung sketchpad para magsulat.
=====
Nicholo's POV
Naglalakad ako palabas ng subdivision. Medyo malayo yung bahay namin mula sa labasan pero nilakad ko na lang. Hindi naman masyadong tirik yung araw kasi maaga pa kaya hindi nakakapagod. Isa pa, nakakaganang maglakad kasi okay na kami ni ate. Buti na lang talaga. May maitutulong din pala yung kutong lupa na 'yun.
"NICHOLO KYLE! Hubby ko!" bigla na lang may kutong lupa na sumulpot sa harap ko kaya napaatras ako. Kutong lupa? Hindi pala dapat 'yun ang tinawag ko dito. May iba akong taong tinatawag sa bansag na 'yun.
CHARACTER PROFILE:
Name: Hailey Venice Andrada
Description: Dakilang stalker--- i mean admirer ni Nicholo (ayaw magpatawag na stalker kasi cheap daw pakinggan) Patay na patay kay Nicholo at self-proclaimed 'wifey' nito. Rich kid. Palaging gustong kadikit ang hubby niya (Nicholo as her hubby). Maganda sa sarili niyang paningin (OO na. Maganda talaga siya.) Boyfriend si Nicholo--- sa dreamland.
Favorite quote: Patience is a virtue (patience sa pangungulit niya kay Nicholo para lang mapansin siya nito.)
(A/N: See picture of Hailey at the right side of your computer screen -------->)
"Iniisip mo ba ako kanina, Hubby ko? Tulala ka kasi tapos nangingiti ka pa." dagdag pa niya.
AKO NANGINGITI? Hindi kaya. Psh. Imbento 'to. Saka anong ginagawa nito sa subdivision namin? Taga kabilang ibayo pa 'to eh.
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
AcakHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?