Chapter 2

318 13 0
                                    

Chapter 2

Matapos kong maayos lahat ng gamit, hindi nila alam na umalis ako ng bahay. Hindi na rin naman nila ako papakinggan--- mali... hindi naman nila iniisip ang gusto ko kaya mas mabuting umalis na ako sa bahay na 'to.

Sinigurado kong tulog na lahat at wala yung bantay sa guard house. Pagkalabas ko ng bahay namin, pakiramdam ko nakawala ako sa kulungan.

Naglakad lang ako kasi hindi naman ako pwedeng sumakay ng jeep. Kung sasakay ako, baka pagtawanan lang nila ako kapag nagsign language ako. Paano ko ba naman sasabihin kung saan ako bababa? Paniguradong hindi rin naman nila ako maiintindihan kung gagamit ako ng senyas.

Naglakad na ako papunta sa lugar na alam kong nakakatakot pero payapa at kung saan nandoon din yung taong makakaintindi sa akin kahit hindi ko kausapin. Habang naglalakad, naramdaman kong may tumulong tubig sa braso ko. Kung kailan nakalimutan kong magdala ng payong saka naman uulan. Pero kahit na pigilan man ako ng panahon, tutuloy pa rin ako. Natatanaw ko na rin yung palatandaan ng lugar na pupuntahan ko. Malapit na ako.

Ilang minuto lang, nakita ko na rin yung gate papasok ng sementeryo. Basang-basang akong naglakad sa gilid ng kalsada. Hindi ako natatakot. Wala na akong nararamdaman ngayon. Ewan ko ba. Basta parang nahihilo lang ako. Malapit na ako sa mausoleum ni kuya. Konti na lang.

Bigla na lang nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari.

=====

Pinilit kong dumilat. Ang sakit ng ulo ko. Hinawakan ko yung noo ko para himasin. Teka?

Nasaan ako?!

May lumapit sa akin na babae.

"Miss. Buti gising ka na. Okay ka na ba? May masakit pa ba sa 'yo?" nakatitig lang ako sa kanya. Nasaan ba kasi ako? Nilibot ko lang yung paningin ko sa paligid.

"Miss? Okay ka lang ba? Nakita kasi kitang walang malay na nakahiga sa kalsada doon sa sementeryo kaya dinala kita dito sa clinic. Hindi ko naman matawagan yung magulang mo kasi wala kang ID or anything na may contact number nila sa bag mo." nakatitig lang ako sa kanya.

"Galit ka ba? Sorry kung pinakialaman ko na yung bag mo. Kailangan ko kasing matawagan magulang mo para malaman nila na nandito ka. Wag kang mag-alala, hindi naman ako magnanakaw." nginitian niya ako.

"Ano pa lang ginagawa mo sa sementeryo ng ganung kagabi?"

(A/N: Kapag naka bold at nasa apostrophe ang lines ng characters, ibig sabihin 'sign language' po iyon. Kapag nakapaloob sa apostrophe at nakaItalic--- sinulat. Kapag nasa quotation mark--- sinalita. Ginawa ko po iyon para maintindihan nating lahat. Basta intindihin niyo na lang po. Minsan kasi namamali ako. Thank you.)

Hindi pa rin ako sumagot. Iniisip ko kung ano yung mga nangyari. Natigil lang ako sa pag-alala nang makita ko na nagsign language siya.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon