Chapter 25

232 8 4
                                    

A/N: Hi! Michael Aborita Sendico!!! Maraming salamat sa pagbabasa. Nakakagulat talaga na binabasa mo 'to. Thank you thank you. Isusupport ko rin ang mga story mo kapag nagpost ka na. Shoutout kay Roldan na sinusuportahan talaga ang mga story ko. Maraming salamat talaga sa inyo. Hearts!

I posted another story entitled 'Should I Let Him Go?' One shot true to life story po iyon. Please read that one if you have time. Thank you ulit.

=====

Chapter 25

Nicholo's POV

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing 'yon. Pagkagising ko, kakaiba ang kinikilos ni Yanna. Nagluto siya ng umagahan para sa aming dalawa pero halatang iwas siya sa akin habang kumakain. Ano bang mali kong ginawa? Siya kaya itong nang-iwan kahapon.

At naging big deal naman sa akin.

Pero bakit siya nagluto?

Baka nabilinan ni ate.

Kahit hindi ko naman na sabihin sa kanya na sabay pa rin kami sa pagpasok, alam kong alam naman niya na 'yun. Hinintay ko lang siya sa sala nang maprepare ko na lahat ng gamit ko. Nagulat pa siya nang nakita niya ako doon. Problema? Parang hindi ko naman 'yun ginagawa ah? Unang beses ba 'to? Alam ko hindi.

"May nakakagulat ba?"

Nag-sign language siya ng hindi ko naman maintindihan. Kapag may panahong hindi ko alam 'yung sinesenyas niya, napapa-isip ako kung ano 'yun at may tumutulak sa akin na alamin 'yon. Did she just curse me? Sa facial expression niya naman, mukhang hindi.

Habang naglalakad palabas ng village, kinalabit niya ako. Nagsesenyas siya na parang pinapapalayo niya ako. Parang naghahawi ba ng mga lamok sa pagkain.

"Are you shooing me away?"


Tumango siya at mukhang nagulat sa ginawa niya saka umiling-iling habang sumesenyas ng, 'Hindi, hindi.' Ang weird niya talaga minsan--- madalas.

"Ano ba 'yung sinabi mo kanina?"

Alam kong pinapadali niya lang 'yung pag-sign language para maintindihan ko. Nag-act siya na parang may hawak na payong sabay turo sa bag niya at sumenyas ng 'wala'. Pagkatapos nu'n, tinuro naman niya 'yung dinaanan namin kanina.

"Pinapauna mo na ako kasi babalik ka sa bahay para kunin 'yung naiwan mong payong?"

Mukhang natuwa siya na naintindihan ko 'yung senyas niya kaya ngumiti siya sabay na tumangu-tango. Tumalikod ako sa kanya.

"Sa tingin mo iiwan kita?" Humarap na ulit ako, "Saan mo ba nilagay?"

Nagsenyas siya ng parang box at naisip ko kaagad 'yung shoe rack sa tapat ng kwarto niya.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon