Chapter 8

321 15 2
                                    

A/N: Dapat some other time ko pa 'to ipapublish kaso natuwa ako kay Angelica Marie Sarsale kaya nag-update ako. Thank you po sa pagbabasa. Chapter dedicated to her. ^_^

=====

Chapter 8

Yanna's POV

'Yanna, halika na rito' Pumasok ako sa room habang nakayuko. Nasa harap kasi si ma'am. Nakakahiya naman kung maglalakad ako doon na tayung-tayo. Center of attraction lang?

CHARACTER PROFILE:
Name: 
Eunice Adriano

Description: Professor ng Filipino. Palabirong prof nina Nicholo. Mabait kay Yanna. Matchmaker.

"Ah--aray ko! Ang sakit."

"Anong nangyari sa 'yo Ginoong Buenavista?"

Napa-angat ako ng ulo pagkarinig ko nung surname na Buenavista at nashock ako nang makita ko si Nicholo. Nagkatinginan pa kami pero umiwas din agad siya. Bakit sa lahat ng room na pwedeng mapasukan ko, dito pa kung saan nandoon din si suplado.

"Wala po, Ma'am" tapos nagsimula na siyang magkabit ng cartolina sa whiteboard. Magrereport siya?

'Doon ka muna umupo sa bakanteng upan sa third column, fourth row.' Tumango na lang ako at saka pumunta doon sa sinabi ni ma'am. Teka... parang bag ni suplado 'tong nasa tabing upuan ng inuupuan ko ah. Oo nga. Natitigan ko 'to nung palabas siya ng bahay kanina eh.

Napatingin ako sa harap. Napaatras ako ng ulo kasi nagulat ako sa mukha nung babaeng nakabunggo ko kanina. Ang sama ng tingin niya sa akin. Nagtindigan tuloy balahibo ko sa batok. Nakakatakot naman 'to.

"Ehem!" sabi niya.

"Binibining Andrada, meron ka bang problema? May ubo ka ba o ano? Kung may plema sa lalamunan mo, lumabas ka muna at iluwa 'yan. Wag mong lunukin." sabay tawanan ng mga kaklase niya.

"Wala po ma'am." tapos tumingin na ulit siya harapan. Nung tumingin na rin ako sa harap, nakita ko si suplado na nakatayo na doon at hinahanda na ang sarili sa report niya. Wala siyang hawak na cue card. Nasa utak niya lang talaga yung irereport niya.

"Maaari ka nang magsimula sa iyong pag-uulat." sabi ni Ma'am. Tagalog na tagalog kasi Filipino prof siya. Tingnan natin kung mapapabilib ako ni suplado.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Ang naatas na iuulat ng aming grupo ay tungkol sa pinagmulan ng wika. Una sa lahat, ano nga ba ang wika? Ayon sa mga naging pahayag ng mga eksperto, ang wika ay ang..." nagpatuloy lang siya. Napatulala na lang ako. Ang galing niya. Hindi siya nabubulol or something. Tapos alam na alam niya yung sasabihin niya. Hindi na nga rin siya tumitingin sa visual aid eh. Nagpatuloy lang yung report niya hanggang mapunta na sa kalagitnaan.

"Sumunod naman na teorya ay ang Yo-He-Ho kung saang pinaniniwalaan na nakabuo ng salita ang tao dulot ng tunog na kanyang nauusal sa tuwing siya ay gagamit ng pwersa." Nakatitig lang ako sa kanya. Ang sarap pakinggan ng boses niya. 

Ang galing mo, Nicholo. Gusto kong sabihin sa kanya. Nung napatingin siya sa akin, nginitian ko siya.

"Su--su-munod ay ang..." umubo siya. Parang nakalunok siya ng laway kaya bigla siyang nagkaganoon. Nung maayos na siya, sinimulan na niya ulit ang pagsasalita.

"Ang Teoryang Yum-yum naman ay nagsasabing ang pwersang may kinalaman sa pag-ibig ang dahilan kung bakit nailuwal ang wika."  

Nagkaroon ng commotion sa loob ng room. Nagbubulung-bulungan sila. Hindi ko alam kung bakit.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon