Chapter 32

161 9 11
                                    


A/N: This chapter is dedicated to Ser Nicole Resurreccion! Ito na ang iyong pinakahihintay! Hihihi.

Pasensiya na kung ngayon lang ako nakapag-update. Sa Super-sized Princess' Notes kasi ako madalas mag-update. 'Yung ideas ko kasi para sa story na 'yon, tuloy-tuloy nitong nakaraang linggo. Hindi ko tuloy mapigilang magtype nang magtype. Sana mabasa niyo rin!

Enjoy reading!

=====

Yanna's POV

"'Wag ka na ngang umiyak."

Nakaupo lang ako sa isang bench sa garden ng school. Sa ginagawa ko, pakiramdam ko ang hina-hina ko. Okay. Mahina naman talaga ako dati pa. Kaya nga patuloy akong tumatakbo palayo sa mga masasamang alaala ko. Kahit anong pilit ko, hindi ko magawang kalimutan lahat ng iyon.

Napaangat ako ng ulo para makita ko si Nicholo na nakatayo lang sa harap ko. Hindi ko mapigilang mapaluha lalo. Akala ko kasi talaga daraanan lang kami ni Nicholo kanina na parang wala siyang nakita. Well, I was wrong.

"Tumahan ka na nga." aniya.

May dumaan na mga babae at narinig ko pa 'yung usapan nila.

"Grabe naman 'yung kuya. Nagpapaiyak ng babae."

"Kawawa naman si ate oh."

"Kung ako 'yan, makikipaghiwalay na ako."

Alam kong narinig din 'yun ni Nicholo kasi 'yung mata niya, biglang nanlaki saka napalingon doon sa mga babae.

"Hindi." saka winave ang kamay na parang nagsasabing 'hindi, hindi', "Hindi ko siya girlfriend."

Napatungo na lang ako habang pinapakalma ang sarili. Hindi ko naman gustong kumuha ng atensiyon at pasamain si Nicholo sa tingin ng mga tao na nakakakitang umiiyak ako. I just can't hold back my tears. Ugh.

Patuloy lang siya sa pagsabi ng, "Hindi ko siya girlfriend. Kaibigan ko lang siya." thing sa mga tao kahit wala naman na akong bulung-bulungan na naririnig.

Bigla siyang umupo sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Tumahan ka na. Ang sama na ng tingin sa akin ng mga tao, oh. Akala nila pinaiyak kita."

Napapunas ako ng luha gamit ng kamay ko. Naiwan ko pa kasi 'yung panyo ko sa bag eh. Nakakainis. Para akong bata kung umiyak. Kulang na lang ipampunas ko 'tong apron ko para lang matuyo na 'yung pisngi ko.

"Gamitin mo muna 'to." sabi ni Nicholo sabay abot ng panyo.

Kahit nakakahiya, kinuha ko pa rin. Marahang akong napatingin sa kanya. Nakita niya ata 'yon kaya tumingin siya sa akin para kausapin ako.

"Totoo ba 'yung sinabi ni Hailey?"

Hindi na ako tumanggi. Tumango ako pero napailing din. Hindi naman kasi lahat ng sinabi ni Hailey, totoo. Kung alam ko lang na magkakaganito, sana pala sinunod ko na si Nicholo nung una palang. Sana tinapon ko na lang 'yung payong para walang gulo. Pero ang solusyon na 'yon, panandalian lang. Darating din naman ang panahon na malalaman 'yon ni Hailey pero sana naman hindi ngayon na hindi ako handa sa mga mangyayari.

Tumayo na si Nicholo kaya napatayo na rin ako. Mukhang aalis na siya kaya pinigilan ko siya. Hindi siya buong lumingon sa akin.

'Galit ka ba? Maniwala ka sa akin. Hindi ko kayo niloloko. Wala akong planong manloko.'

Alam kong hindi niya ako naintindihan pero nagpatuloy lang ako. Blanko lang 'yung ekspresyon sa mukha niya.

"Hindi kita naiintindihan pero alam ko kung anong gusto mong sabihin. Panigurado namang pagtatanggol lang sarili mo 'yung sinabi mo." huminto siya saka napabuga ng hangin, "Hindi ibig sabihin na tinulungan kita, kumakampi na ako sa 'yo."

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon