Chapter 14
Nakatayo ako sa isang tabi.
Sobrang pinagpapawisan.
Plano ko na 'to dati pa.
Kaso hindi ko naman talaga gawain 'to eh. Ngayon lang.
Sobrang nahihirapan na ako.
Pero kailangan ko nang tapusin lahat ng pasakit na 'to.
Kasabay ng pagtulo ng pawis ko ay ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.
May hawak akong kutsilyo... tatapusin ko na sana ang lahat nang bigla na lang may pumasok sa lugar kung nasaan ako.
"Yanna! Anong ginagawa mo?! Mali 'yan." Nalaglag 'yung hawak ko sa sobrang gulat. Napayuko ako. Nahihiya ako sa ginawa ko. Sana hindi niya na lang nakita para hindi niya ako isipan ng masama.
"Kapag kailangan mo ng tulong, kausapin mo lang ako. 'Wag 'yung sinasarili mo lang." pinunasan niya yung luha sa mata ko pero hindi pa rin 'yon tumigil sa pag-agos.
Pagkatapos nu'n, dinemonstrate na niya sa akin 'yung tamang paghiwa ng sibuyas para hindi ako maiyak.
"Medyo dumistansiya ka kasi. Hay. Yanna talaga." sabay tawa niya. Si Sir Blake.
CHARACTER PROFILE:
Name: Blake Del Valle
Description: 82 liner. Isa sa anak ng may-ari ng food store sa loob ng school. Boss ng new-hired dishwasher/ assistant sa assistant sa assistant cook/ all-around employee na si Yanna. Mabait. Matangkad. Mabango. Gwapo."Okay na? Don't worry. Monday pa naman ang start mo and this is just a practice para alam mo na 'yung gagawin mo on your first day. If you need some help, don't hesitate to ask, okay?" Tumango ako at saka nginitian siya.
Pagkalabas niya, lumapit agad sa akin 'yung co-worker ko. Si Bianca.
CHARACTER PROFILE:
Name: Bianice Jenica Consuelo
Nickname: Bianca
Description: Assistant sa assistant cook. Naunang mahire ng isang buwan kay Yanna kaya mas mataas ang posisyon nito. Working student."Yanna! Kamusta naman si sir? Ang bait niya, 'no? Gwapo pa. Pero kapag nakita mo 'yung kapatid niya, nakooo! Mas mapapatulala ka." with full of excitement na sabi niya. Tinaas ko 'yung kilay ko sabay tango na nagsasabing 'weh?'
"Oo. Minsan pumupunta 'yun dito. Biglaan."
Nga pala. Alam na nila 'yung tungkol sa kundisyon ko kaya hindi na sila nagtatanong kung bakit hindi ako nagsasalita. Ang swerte ko pa nga na natanggap ako sa kabila ng kalagayan ko.
Kahapon ko lang nabasa 'yung post na kailangan nila ng attendant sa store nila. Urgent hiring. Ang nakalagay lang na requirements: Biodata and yourself.
Fortunately, I was hired kahit hindi ganoon kataas ang sweldo. Weekly salary. Atleast tinanggap nila ako kahit ganito ako. Blessing in disguise nga naman. Kailangang kailangan ko kasi ng trabaho para naman makapagbigay ako kay ate Anikka.
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
De TodoHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?