A/N: Chapter dedicated to Janille May Tolentino Gatapia! Wahaha! Support mo rin 'to ah! Mahaba-habang update din pala 'to. Hi din Roldan Carmen! Nag-update na ako ng mahaba :) Love love. Saranghaeyo sa inyong dalawa!
=====
Chapter 23
"Bakit nga kayo magkasama?!" dagdag pa niya.
Actually, nalaman ko ang pangalan niya dahil kay Bryle. Nung nasa canteen kasi kami, nasabi niya sa akin 'yung tungkol doon sa babaeng nagkakandarapa kay Nicholo na masama ang tingin sa akin nung pumasok ako sa classroom nila. Hailey Venice Andrada raw ang pangalan niya which made me tremble. Kilala ko kung sinong magulang niya... Mr. Harrison and Mrs. Victoria Andrada. Narinig ko na 'yung pangalan na Hailey Venice kay daddy. Dapat daw makipagkaibigan ako sa kanya dahil kaibigan nila ang pamilya namin. Pero ni isang beses, hindi pa kami nagkita kaya malamang, hindi ako kilala ng isang 'to. Nagkasakit ako nung araw na aattend ang pamilya namin sa gathering ng mga kaibigan ni daddy. Tadhana ang gumawa ng paraan para hindi kami magkadaupang palad.
"Bakit ba kailangan ko pang ipaliwanag sa 'yo? Wala akong panahon ientertain 'yang tanong mo."
I gestured them that i'll go ahead. Bago pa man ako makahakbang sa kanila, hinawakan ni Hailey 'yung braso ko kaya natigilan ako. Medyo madiin 'yon. Kung sharp knife lang ang titig, malamang kritikal na ako ngayon.
"Are you flirting with him?" salitan akong napatingin sa kanya at sa kamay niya na madiin nang nakahawak sa braso ko. Sasaktan niya ako para sa supladong lalaki na 'to? Ano bang pinakain ni Nicholo dito't mukhang patay na patay 'to sa kanya?!
Hinawakan ni Nicholo 'yung kamay niya at tinanggal 'yun sa braso ko. "Stop it! 'Pwede ba!? Nagkasabay lang kami. Walang dahilan para maging paranoid ka."
Medyo napahiya si Hailey sa ginawa niya sa akin. Tama naman 'yung sinabi ni Nicholo. Halos wala namang sinungaling sa sinabi niyang 'Nagkasabay lang kami.' Naging kalmado na rin 'yung expression ng mukha ni Hailey. Hindi na ako nag-e-expect ng kung ano pang sasabihin nila pero nagulat ako sa sinabi ni Nicholo.
"Magsorry ka sa kanya."
Napatingin ito bigla sa kanya. Hindi ko alam kung anong koneksyon ng naging tingin ni Nicholo nang napakurap kurap na lang si Hailey at mukhang gusto pang umalma pero hindi naman na niya nagawa.
"S-sorry."
Nauna nang maglakad si Nicholo pagkasabi niya nu'n. Saka naman sumunod si Hailey. Naiwan akong nakatayo doon--- manghang-mangha sa ginawa ni suplado.
Ayos. Ang lakas ng tama nung babae sa kanya.
Isa lang ang naisip ko nang makalayo na sila... Kailangan kong mag-ingat sa babaeng 'yon. Mahirap na't baka malaman niya kung ano mang tungkol sa akin. My identity should be kept hidden.
=====
"Yanna! Pakidala naman ito sa table number 5."
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
RandomHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?