Chapter 26

216 8 0
                                    

A/N: May pinublish akong dalawang one shot based on a true story. If you have time, please read those. Ang mga title ay 'Should I Let Him Go?' at 'Should I Let You Go?'

Maraming salamat!

Enjoy reading. Hearts!

=====

Chapter 26

Nicholo's POV

Nang marealize kong kanina pa kami nakatingin sa isa't isa, napatingin ako sa ibang direksyon. "W-wala ka pa bang planong umuwi? Tara na."

Nagsimula na akong maglakad. Dumaan kami sa kabilang walkway palabas ng school na paniguradong hindi madaraanan ng kotse ni Bryle. Nung luminga ako para tingnan si Yanna, nakita kong nakangiti siya habang sinusundan ako. Bigla rin iyong nawala nang makita niya akong nakatingin sa kanya. Huminto pa siya sa paglalakad at mukhang nagulat. Weirdo.

Tutal mukhang wala naman nang makakakita na makakakilala sa aming dalawa sa labas ng school, lumapit na ako sa kanya.

"Saan mo gustong kumain?" Medyo nagugutom na rin kasi ako. Tinaas niya lang 'yung balikat niya.

May tumulo sa braso ko na patak ng ulan kaya nilabas ko kaagad 'yung payong ko. Mas lumakas iyon pero hindi pa rin mahanap ni Yanna 'yung payong niya sa bag kaya sinilong ko muna siya sa hawak ko. Tumingin siya sa akin kaya napatingin ako sa mata niya... hindi ko akalain na mas maganda pala 'yung mata niya sa liwanag.

"N-naiwan mo 'yung payong mo?" Tumango siya. Bakit ba napakamakakalimutin niya? "Ano ka ba? Dapat nilalagay mo agad 'yun sa bag mo kapag natuyo na."

Bigla kong naalala 'yung payong na binili ko para sa kanya. Naisip ko na hindi muna 'yon ibigay at baka makalimutan niya na namang dalhin bukas. Kahit na ba magagamit niya 'yung payong na naiwan niya sa shop kung sakaling makalimutan niya 'yung binili ko... hindi ko pa rin muna ipapagamit iyon ngayon.

"Makisukob ka na lang muna sa akin." dahan-dahan, inangat ko ang kanang braso ko saka inilagay iyon sa kanang balikat niya, "Tara na."

Third person POV

Hindi kalakihan ang payong ni Nicholo kaya medyo nababasa na ang kaliwang balikat niya dahil inuurong niya ang payong sa gawi ni Yanna para hindi ito mabasa. Mas lumakas pa ang ulan kaya wala siyang nagawa kundi pihitin ito nang mas palapit sa kanya. Napatingin pa ito sa kanya at bahagyang ngumiti.

Ilalabas ko pa ba 'yung payong? Basa na rin naman na ako kaya 'wag na.

He's subconscious. Ni hindi niya alam na na nakangiti na pala siya habang binabagtas ang daan papunta sa hindi niya rin alam kung saan. Basta ang alam niya, parang may kung anong pumupukpok sa dibdib niya. Malakas na rin ang pintig nito.

Saka niya lang narealize na nakangiti na pala siya nang makita ang repleksyon ng sarili sa bintana ng dumaan na sasakyan kaya agad niya iyong binawi.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon