A/N: Hi Jazeel_Rocker01! This chapter is dedicated to you! Thank you for reading this story. :)
HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT! Pasensiya na kung ang tagal kong hindi nag-update. Pero tatapusin ko talaga 'to. Promise :)
Enjoy reading!
=====
Chapter 33
Yanna's POV
Nag-abang lang ako kay Nicholo sa dati pa ring tagpuan. Sinisipat-sipat ko 'yung floor kung nasaan 'yung room nila kasi baka biglang dumungaw siya para tignan kung nasa kitaan na ba namin ako.
Mga pinag-iisip mo talaga Yanna.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay, nakita ko si Bryle kasama ng barkada niya na pababa ng hagdan. Ibig sabihin, paparating na rin si Nicholo. Napatayo ako para tignan sa likod ko kung may tao pero wala naman. Akala ko kasi nagtatago na naman si Nicholo. Dahil sa ginawa ko, nakita ako nina Bryle at ng mga kaibigan niya saka lumapit.
"Hi, Yanna." isa-isang sabi nina Cavis, Andrei at Bryle.
"Sinong hinihintay mo?" sabi ni Bryle pagkalapit sa akin.
"Ako." Biglang sabi naman ng tao sa likod ko. Hindi na ako lumingon. Kilala ko naman na kasi kung sino dahil sa boses pa lang. Sina Cavis at Andrei naman, biglang nabulungan.
"Nice performance nga pala, Nicholo!" sabi ni Andrei saka nakipag-apiran sa kanya. Doon lang ako lumingon kay Nicholo. Napatingin pa siya sa akin saka umiwas din agad.
"Mukhang inspirado ata." sabi ni Cavis saka nakipag-apiran din. Pasimple pa iyong tumingin sa akin pagkatapos ibaba ang kamay. Parang may ipinapahiwatig na kung ano. Lumapit din naman si Bryle saka tinapik 'yung balikat ni Nicholo sabay sabing 'good job'
"Bakit nga pala kayo nagkita ngayon?" ani Bryle, "May pupuntahan kayo? Pag-uusapan?"
"Sabay kaming uuwi."
'Yung mukha nina Andrei at Cavis mula sa likod ni Bryle, parang nabigla. Ako rin naman nabigla. Akala ko ba ayaw niyang malaman ng mga kaklase niya 'yung tungkol dito?
"Bakit kayo sabay?"
Bago pa sumagot si Nicholo--- kung sasagot man siya--- hinila na nina Andrei at Cavis si Bryle.
"'Wag nang masyadong maraming tanong. Kapag sinabing sabay sila, sabay sila. Tapos." ani Cavis.
"Parang 'di lalaki 'to. Marami nang pinapakilala sa 'yong babae ang mommy mo. Hayaan mo na si Nicholo. Minsan lang 'yan." sabi ni Andrei habang papunta sila sa parking lot.
Pagkalingon ko kay Nicholo, nakangiti lang siya habang tinitignan 'yung mga kaklase niya. Nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya, unti-unting nawala 'yung ngiti niya at saka siya nagsalita, "Don't mind them." sabay lakad papunta sa direksyon ng walkway. Sa likod niya lang ako, ilang metro ang layo. Bigla siyang huminto saka lumingon sa akin.
"Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Alam na nila."
Sa sinabi niya, pinantayan ko na siya sa paglakad habang ngiting-ngiti. Hindi ko na talaga napigilan.
Naghihintay kami ni Nicholo ng jeep nang bigla na lang parang may napigtas sa leeg ko saka ako natumba sa sahig nang may tumulak sa akin. Tinulungan pa ako ni Nicholo na makatayo pero nung pagkakapa ko sa leeg ko, wala na 'yung kwintas na ibinigay sa akin nina mommy.
Tinanong ako ni Nicholo kung okay lang ba ako. Napansin niya ata na kapa pa rin ako nang kapa sa leeg ko pero wala na talaga 'yung kwintas. Tinanggal ko 'yung kamay niyang nakahawak sa braso ko saka ako tumakbo.
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
RandomHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?
![Love in Silence [ Ongoing ]](https://img.wattpad.com/cover/8294176-64-k410112.jpg)