Chapter 18

260 11 2
                                    

Chapter 18

Nicholo's POV

Pumasok ako kaagad sa kwarto pagkarating namin ni Yanna sa bahay. Nagpalit kaagad ako ng damit at humiga sa kama para matulog. Matutulog. Matutulog. Matutulog.

Take me to your heart,
Show me where to start,
Let me play the part of your first love;

Nagpagulung-gulong ako sa higaan. BAKIT HINDI MAALIS SA ISIP KO 'YUNG KANTA?!

All the stars are right,
Every wish is ours tonight, my love.

Nagtakip ako ng unan sa ulo. Baka sakaling mawala 'yung tunog na paulit-ulit nagp'play sa isip ko. KASO MAS LUMAKAS PA! Napabangon sabay napakamot sa ulo.

Got to believe in magic,
Tell me how two people find each other
In a world that's full of strangers

Nang pumikit ako... siya lang nakikita ko. 'Yung nakangiti niyang mukha.

Dumilat ako at tumingin sa kisame... nagp'play 'yung ginawa niya kanina--- 'yung paghawak niya sa mukha ko.

You've got to believe in magic,
Somethin' stronger than the moon above
'Cause it's magic when two people fall in love.

"Tigilan mo na ako. Ano ba! Ugh!" sabi ko na parang may kausap. Nasisiraan na ata ako. Huminga ako nang malalim. Tubig. Tama. Kailangan ko ng tubig para mahimasmasan.



Pagkabukas ko ng pinto, on cue, nakita ko na naman siya. Hindi talaga ako tinitigilan ng clone niya. Napa-facepalm ako.

"Yanna! Hindi ka pa naaawa sa 'kin? Kanina mo pa ginugulo utak ko. Bakit ba kung saan ako tumitingin at pumupunta, laging nandoon ka? What have you done to me? Pwede bang for once, umalis ka muna sa isip ko? I'm so tired getting rid of you." nakatakip lang ako ng mukha.

Napapahaba sinasabi ko dahil sa 'yo. Ano ba talagang ginawa mo sa akin, Yanna?

Nang tumingin ako in between my fingers, nandoon pa rin siya--- nakatitig sa akin. Napatakip ulit ako ng mata.

"Please. 'Wag mo akong titigan ng ganyan." nanghihina ako. Banaaas. May nagwawala na naman dito sa dibdib ko.

Napatanggal lang ako ng kamay na tumatakip sa mukha ko nang may kumalabit sa akin. Pagkatingin ko, si Yanna. Gumalaw 'yung kamay niya at nakita kong inabot niya sa akin 'yung payong ko. Umalis na rin siya't pumasok sa kwarto niya nang kunin ko 'yun.

Na-weird-an siguro siya sa mga ginawa ko. Gusto kong lamunin na ng lupang kinatatayuan ko ngayon. Good thing, hindi niya narinig 'yung pinagsasabi ko kanina at hindi niya na lipread kasi nakatakip 'yung mukha ko nang sabihin ko lahat 'yun. Kahit na ba! Nakakahiya pa rin kahit papaano.

=====

Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako ng kwarto para tingnan kung nakauwi na ba si ate pero wala pa rin siya. I'm starving to death.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon