Chapter 5

324 11 0
                                        

Chapter 5

Tanghali umalis si ate Anikka ng bahay. Mga 5 ng hapon bumalik na rin siya pero ako lang yung sumalubong sa kanya. Yung kapatid niya kasi nasa kwarto pa rin, nagkukulong. Pagkatapos ng dinner, pinagstay muna ni ate si sulplado sa dining table. Umalis na muna ako. Makalipas ang ilang minuto, nagkakataasan na naman sila ng boses. Rinig ko sila kahit nasa sala ako.

"You're being unreasonable! Bakit ba napalakas sa 'yo ng ampon mong 'yan? Babawasan mo talaga allowance ko kasi hindi ako natuto ng sign language? Tsk."

"Hindi para sa akin yung pinapagawa ko sa 'yo. Para rin sa 'yo 'yan."

"Anong para sa akin? Lagi namang ganyan sinasabi mo eh pero ang totoo, hindi mo talaga ako pinahahalagahan."

Biglang nagkaroon ng katahimikan.

"Kung hindi kita pinahahalagahan, dapat iniwan kita sa ampunan, dapat hinayaan kitang mag-isa doon, dapat hindi ka nakakapag-aral ngayon." medyo mahina na ang pagkakasabi nun ni ate Anikka. 

Ampunan? Tama ba pagkakarinig ko?

Napatingin ako sa dining area. Umakyat na si ate Anikka papunta sa kwarto niya. Naiwang nakatayo si suplado sa tapat ng mesa pero umalis din siya agad. Nakita niya pa ako sa sala. Tumigil siya saglit pero dumiretso na rin sa kwarto niya.

Ako lahat ang may kasalanan nito eh.  Umalis ako sa bahay namin para mawala yung malas sa pamilya namin pero ako naman ata ang sisira sa pamilya ng taong kumupkop sa akin. Umalis na lang kaya ako dito? ANO BA YANNA?! Dapat dati mo pa 'yan ginawa nung hindi pa sila nag-aaway. Wala nang magandang madudulot 'yan. Mas lalo mo lang pasasamain ang loob ni ate.

Ano bang magandang gawin para mapagbati sila? Hindi ako makapag-isip nang matino. Hindi ko alam pero bigla na lang akong pumunta sa kwarto ko at kinuha yung sketchpad ko saka naglagay doon ng kung anu-ano. Tumakbo ako papunta sa kwarto ni suplado at walang pagdadalawang isip na kumatok sa pintuan nito.

to na naman yung kaba sa dibdib ko. Wala na yung nakapaskil na "Enter and you'll die". Tinanggal niya bago pa mabasa ni ate. Mas lalong bumilis yung kabog ng puso ko nang marinig ko yung kalabog ng paa niya na parang kakatayo lang mula sa kama.

Ito na. Ramdam kong palapit na siya.

Pagkabukas ng pinto, nginitian ko siya. Isasara niya na sana pero hinarang ko yung kamay ko at saka tumingin sa kanya.

"Tanggalin mo yung kamay ko kung ayaw mong maputol 'yan." sabi niya. Kunwaring ni-lip read ko.

Tinanggal ko yung kamay ko pero pinalit ko naman yung kaliwa kong paa. Nginitian ko ulit siya.

"Makulit ka rin 'no? 'yan ba gusto mong maputol?"

Umiling ako. Ang sama talaga ng lalaking 'to.

"Edi alisin mo 'yan."

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon