Chapter 10

272 11 1
                                    

Chapter 10

 

Yanna's POV

Isang oras na halos akong naghihintay dito sa isang bench malapit sa fountain. Ang tagal ni Nicholo.

Habang nakaupo doon, napatingin ako sa mga room sa taas. Nakakita ako ng mga estudyanteng naka laboratory attire. Naalala ko tuloy dati nung isang beses na sumakay ako ng jeep habang nakasuot ng face mask para hindi masyadong makalanghap ng usok. Sumasakit kasi lalamunan ko kapag masyado akong naexpose sa usok. Hindi ko na ulit 'yun nagawa kasi pinagalitan ako ni kuya. Bakit ko pa raw kailangan magcommute kung may service naman ako o kaya naman kung pwede niya naman daw akong sunduin.

Hindi lang yun ang dahilan kung bakit siya nagalit. Sa sobrang daldal ko kasi at feeling hero, naikwento ko sa kanya na may nakatapat ako sa jeep na nadukutan pero bago pa mawala lahat ng pera niya, naipaalam ko doon sa dinudukutan na magnanakaw 'yung katabi niya. Ewan ko. Alam ko ganoon ang nangyari. Hindi na rin kasi malinaw 'yung memory ko tungkol doon. Siguro side effect din 'to ng nangyari sa aking aksidente o kaya naman dahil na rin sa sobrang katagalan kaya hindi ko na maalala nang maayos pati na rin yung itsura ng mandurukot at nung tinulungan ko.

Sabi ni kuya paano raw kung balikan ako nung magnanakaw na 'yun (which is impossible kasi nakaface mask nga ako) o kaya naman ako mismo ang madukutan kapag nagcommute ako? Simula nu'n, hindi niya na ako hinahayaang mag-isa na aalis ng bahay. Kapag may pupuntahan ako, ihahatid sundo niya pa ako. Kaya nga nung pagkatapos ng audition, sinundo niya pa ako kasi sobrang gabi na noon.

Naglakad-lakad muna ako sa paligid ng fountain. Pinagpapawisan ako. Ganito pa naman ako kapag pakiramdam ko tinitignan  ako.

Tumingin ako sa paligid...

Tama nga ang hinala ko. Tinitignan ako ng mga estudyante na nadadaan sa gilid ng fountain. Ngayon lang ata sila nakakita ng outsider na nagtatampisaw sa amoy lumot na tubig sa fountain. Nakakahiya naman. Masyado kasi akong lutang dito dahil sa damit kong kakaiba. Lahat sila nakauniform tapos ako nakacivilian.

Para mawala sa mainit na paningin nila, pumunta ako ulit sa canteen. Atleast doon may mga tindera na nakacivilian. Yun lang. Baka mapagkamalan naman nila akong tindera.

Hindi pa naman siguro pupunta si Nicholo sa fountain. Kung makarating man siya doon nang wala ako, hindi naman siguro mabigat sa loob niyang maghintay sa akin doon ng ilang minuto kumpara naman sa pagkahaba haba kong paghihintay sa kanya. Hiyang hiyang naman kasi ako.

Papasok na sana ako ng canteen nang biglang may humawak sa magkabilaan kong balikat at saka tinulak ako papunta sa kabilang daan na papunta sa hindi ko alam. Ibig sabihin ng kabilang daan, way na palayo sa canteen at sa fountain. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko doon si Nicholo. Nang makarating kami sa lugar na maraming tao, bigla niya na lang tinigilan yung pagtulak sa akin at saka inunahan na ako. Narinig ko pa siyang nagsalita.

"Sundan mo na lang ako." Tumigil siya pagkasabi nun at sabay harap sa akin. Sa isip isip siguro niya 'hindi niya nga pala ako naririnig'. I doubt it. Hindi lang siguro 'yun ang nasa isip niya. Baka ganito pa nga eh 'hindi nga pala ako naririnig ng kutong lupa na 'to. Hayst.'

"Sundan mo na lang ako. Bilisan mo. Kapag naiwan kita, bahala ka na sa buhay mo." sabi niya habang nakaharap sa akin. Mabilis siyang tumalikod at nagpatuloy na sa kanyang walkathon. Habang nakatalikod siya, may bigla na lang akong naalala. Hindi. Namali lang siguro ako.

Mabait pa rin pala si Nicholo. Nilibre niya kasi ako ng pamasahe. If I know galing yun kay ate Anikka pero atleast hindi niya kinurakot. Ito na naman yung pagsakit ng lalamunan ko. Nakalimutan ko pa kasing magdala ng panyo eh. Wala tuloy akong pantakip sa ilong. Hayaan na nga lang. Ngayong araw lang naman.

=====

Kinabukasan, sinama ulit ako ni ate Anikka sa university para hindi raw ako mabore sa bahay. Naunang umalis si Nicholo sa amin pero bago siya lumabas ng bahay, ang dami niya pang pinagsasabi sa akin.

"Wag ka nang maghihintay sa fountain. Doon ka na lang sa may loob ng chapel. Pupuntahan na lang kita doon." Hindi raw kasi ulit ako masasabayan ni ate Anikka kasi maraming ginagawa yung college nila dahil malapit na raw yung college week.

Marami rin siyang rules.

Una- Huwag siyang lalapitan sa school.

Pangalawa- Kapag pauwi ng bahay, huwag tatabi sa kanya sa paglakad. Dapat nasa likod niya lang atleast three meters away.

Pangatlo- Kapag nagkasalubong, wala dapat pansinan. Okay.

Pang-apat- Huwag na huwag manghiram ng cellphone sa professor kapag makikitext. Lalong lalo na raw kay Ma'am Adriano. Gumawa raw ako ng paraan para makapagtext in case na kailangan ko siyang contact-in. Nakitext kasi ako kay ma'am nun na nasa fountain ako. Buti na lang nakabisado ko yung number niya. Nagreply daw kasi siya doon kasi akala niya sa akin 'yun. Siguro may kung ano siyang sinabi doon. Baka nakalagay doon 'Hoy papunta na ako diyan kutong lupa'. Boom.

Panglima- ANG PINAKAKAILANGANG SUNDIN SA LAHAT. Huwag ipapaalam (lalo na sa mga kaklase niya) na nakatira kami sa iisang bahay. Para namang malalabag ko 'to? Hindi panigurado. Kapag nakakapagsalita ako, pwede pa kasi baka madulas ako. Pero sa ganitong kalagayan, malabong mangyari 'yun.

Pagkarating namin sa school, sinamahan ko si ate Anikka sa first class niya at si Ma'am Adriano naman sa second class. Hindi niya ngayon tinuruan sina Nicholo kasi every other day lang sila nagm'meet. Ganoon daw kasi ang schedule sa college hindi katulad sa high school at elementary na araw-araw pumapasok ang teacher sa isang subject.

Natapos kaming kumain ng tanghalian bago mag12 kaya nagpaalam ako kay ate Anikka na maglilibot muna ako sa campus para matadtad yung kinain ko. Pumunta ako particularly sa chapel na sinabi ni Nicholo. Nasa kabilang daan pala 'yun. Nandoon siya sa may bandang gilid ng campus na may parking lot sa paligid.

Umupo ako sa hagdan paakyat sa chapel. Almost 15 minutes ata akong nandoon. Ang lakas ng hangin. Ang sarap. Hindi ko alam kung bakit ang bango ng hangin dito. Grabe ang bango. Kung ganito ba naman amoy sa kalsada, edi hindi ko na kailangang magtakip ng ilong dahil sa usok. Ang bango talaga. Napatingin ako doon sa mga bike na nakapark. Something-teen years old na ako pero hindi pa rin ako marunong magpatakbo nun. Nakakalungkot.

"Gusto mong matutong magbike?"

Nagulat ako nang biglang may sumulpot sa gilid ko. Mas lalong bumango sa paligid. Grabe. Pagtingin ko, nakita ko yung kuyang nagbigay sa akin nung na-stuck kong inumin sa vendo machine... si kuyang pepsi blue in can.

Nagkita ulit kami.

This time nginitian ko na siya. Ngumiti rin siya sa akin.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon