Chapter 21
First heartbreak? Wala akong maalala. Siguro side effect 'to ng aksidente years ago. Pagkarating na pagkarating namin sa coffee shop, tinanong ko kaagad siya kasi na cucurious talaga ako at baka meron akong diperensiya sa utak dahil may mga naalala at hindi ako naaalala.
'Anong first heartbreak? Sa akin?' Nginitian niya ako. Tinitigan ko siya na parang nagsasabing 'umayos ka.' kasi hindi siya sumasagot at puro ngiti lang ang ginagawa niya. Kaasar.
"Hindi mo nga talaga maaalala kasi hindi ko naman pinaalam sa 'yo, kaya 'wag kang mag-alala kung iniisip mong may amnesia ka." tumawa siya. Hindi naman niya sinagot tanong ko eh. Tcch. Pagkalapag ng inumin namin, nagsalita ulit siya.
"Get over it, Yanna. This is not the right time to tell you about it. Diba ikaw ang may kwento?"
Hindi ako makaget over sa sinabi niya lalo't nalaman kong 'yung lalaking nagustuhan ko dati, nagkagusto rin pala sa akin. Walang nakakaalam nu'n, ako lang. Bakit ganoon ang pag-ibig? Sa huli mo na malalaman ang mga bagay bagay kung kailan huli na.
(Picture of Kayden at the right side of your computer screen.)
May part sa akin na nanghihinayang dahil sa sinabi niya at mayroon din namang masaya. Masaya kasi nakatagpo ako ng bestfriend sa katauhan niya at nanghihinayang na baka nasa kanya na pala ang tinutukoy kong 'everlasting love'. Siguro kaya nangyari 'to kasi may mas magandang plano si God para sa magkaibang love story naming dalawa.
Kinuwento ko sa kanya lahat ng gusto niyang malaman, pati kaliitliitang detalye hindi ko nakaligtaan. Magaan sa pakiramdam ngayong may napagsabihan ako ng LAHAT ng nagpapabigat sa loob ko.
"Kung natuloy ka, edi sana magkasama tayo doon ngayon, edi hindi na dapat ako pumunta dito para dalawin ka pa." napahinto siya at napangiti. "Dapat pupuntahan kita ngayon sa bahay niyo to give you this. Hindi ko nga alam kung bakit pumunta ako sa mall eh. Parang may force na nagtulak sa akin para bumili ng kung anu-ano." may inilabas siyang sketch pad at coloring materials. Mahilig akong magdrawing, sadyang malayo lang sa katotohanan ang kinalalabasan ng mga gawa ko. Kumbaga, mahal ko ang art pero hindi niya ako mahal. Unrequited love. Ouch.
"Natuwa ka ba?" Tumango-tango ako. "Actually, hindi naman 'yan ang pinakaregalo ko sa 'yo. Nasa loob pa niyan. Buksan mo 'yung sketch pad." Pagkatingin ko, may pencil sketch na magkasama kaming dalawa sa unang page ng pad.
"Okay ba?" Sa tuwa ko, napatayo ako at niyakap ko siya. Pagkahiwalay namin sa yakap, sumenyas ako.
'Ikaw ba nagdrawing nito?' magaling din kasi siya magdrawing. Isa 'to sa nagustuhan ko sa kanya, ang pagiging artist niya. Bata palang, imbis na playstation ang hawak niya, paint brush o kaya naman pastels. Magaling din siyang magblend ng kulay, bagay na hindi naman ako magaling.
"Nope. Baka kapag drawing ko na 'yan, ipaframe mo pa. Alam mo namang ayokong gumastos ka eh." Yabang talaga kahit kailan ng lalaking 'to.
'Yung totoo?'
"Hindi nga. Kaya nga sapat lang kagwapuhan ko diyan kasi nainggit sa akin yung artist dahil may maganda raw akong kasama." Pinigilan kong mapangiti sa sinabi niya kaya napakagat ako sa lower lip ko.
"Si Yanna kinikilig." Umiling-iling ako. Hindi kaya! Porket nangingiti kinikilig na agad? "Weh? Hindi talaga?" Kinulit kulit na naman niya ako. Hindi ko na lang siya pinansin at ininom ko na lang ulit 'yung inorder niya para sa akin na frappe.
"You can live with me if you want. Besides, you're not just 'someone' to me. Kaibigan kita kaya kailangan kong tulungan ka lalo ngayong alam kong you're in your darkest days." Ayokong maipit siya sa sitwasyon kaya tumanggi ako.
'Salamat pero hindi na.' Okay naman na ako. Baka mas magkagulo pa kapag nalaman ng mga magulang ko na nakikitira ako sa bahay ng anak ng business partner nila. 'Ayokong maipit ka pa sa gulo. Don't worry, babalik din naman ako sa bahay.' Someday. Sooooommmeeedaaay.
"If you need a helping hand, mine is always available. At dahil palagi nga 'tong free, Pwede ko pang higitin 'yang kamay mo kapag nagustuhan ko." at kinindatan niya ako na nagpataas ng dugo sa pisngi ko. "Biro lang. Pero seryoso, if you need some help, i'm just one text away." Napangiti na naman ako. Bigla ko na lang naisip na wala nga pala akong cellphone. Hayaan na nga lang basta, maswerte ako sa kaibigan.
'Hindi ka talaga pumapalya sa pagpapangiti sa akin. Salamat.'
"Bumabawi lang ako sa 'yo. Ano? Kailan mo ba kasi ako sasagutin?" Hinampas ko siya nang mahina sa braso. Sa sobrang close namin, wala nang meaning sa amin ang magsabihan ng ganyan dati although kinikilig ako noon kapag sinasabi niya 'yan. Pero ngayon, bigla kong narealize na baka ito ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng heartbreak sa akin kasi lagi ko siyang binabusted.. Paano ko malalaman kung hindi niya kasi sasabihin ang totoo?
'Ewan ko sa 'yo. Nasobrahan ka lang sa kape.'
"Aray ko naman. Basta itago mo 'yan, ha?"
'Kahit hindi mo naman sabihin itatago ko pa rin 'to.' nginitian ko siya habang tinataas baba ang kilay ko.
Masyadong nakakapagod ang araw na 'to. Pagkatapos kasi naming magkwentuhan sa coffee shop, inaya niya pa akong mamili. Hindi ko sana tatanggapin 'yung mga damit na binili niya sa akin kaso mapilit siya kaya tinanggap ko na. Nilibre niya pa ako ng dinner sa isang restaurant malapit sa bahay na tinutuluyan ko. Dahil sa hiya ko, nangako ako na kapag ako naman ang nagkapera, siya naman ang ililibre ko.
"Next time ulit, Yanna." sabi niya pagkababa ko sa kotse. Tumango ako at nagpasalamat ulit.
Madilim sa loob ng bahay pagkapasok ko kaya nangapa-ngapa ulit ako. Pagpindot ko sa switch, medyo nasilaw ako dahil madilim sa una tapos biglang lumiwanag pero naaninagan ko na si Nicholo habang nakaupo sa sofa.
"Umuwi ka pa." tumayo na siya. "Patayin mo 'yung ilaw dito pagkalapag mo niyan sa kwarto mo." naglakad na siya pero inunahan ko siya papasok ng kwarto ko. Hindi ko namalayan na may extension wire pala sa sahig kaya natalisod ako. Naramdaman kong hinawakan ni Nicholo ang braso ko pero binitawan niya rin agad. Walang anu-anong pumasok na rin siya sa kwarto niya.
Sinundan ko ng tingin 'yung dulo ng extension wire at may nakita akong piano. Whoa. Ngayon ko lang nalaman na may keyboard pala dito.
Mas nagulat ako na nagtutugtog pala 'tong si Nicholo. Bakit ganoon? Hindi halata na may dugong nananalaytay sa kanya ng pagiging musician.
There's something in my head that pushes me to know him more.
BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
RandomHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?
![Love in Silence [ Ongoing ]](https://img.wattpad.com/cover/8294176-64-k410112.jpg)