Chapter 31

145 10 10
                                    

A/N: Chapter dedicated to markwilsoncapalad! Thank you sa pagbabasa, pagvote at pagrecommend nito sa friend mo. THANK YOU THANK YOU! Sana hindi ka magsawang basahin ito at ganoon din sa ibang readers.

Enjoy reading!

=====

Chapter 31

Yanna's POV

Hindi agad ako nakatulog pagkatapos ng 'guitar lesson' ko kay Nicholo. Kahit ilang beses na akong nagpaikot-ikot sa kama, wala pa ring epekto.

Ano bang nangyayari sa 'kin? Binigyan nga pala ako ni Bianca ng instant coffee kanina kaya siguro ganito ako. Hanggang ngayon may epekto pa rin sa akin 'yung kape. Iyon nga ba talaga?

Dinampot ko 'yung phone na, sabi ni ate Anikka, galing talaga kay Nicholo. I started typing a message.

'Salamat sa pagbigay nitong phone sa akin.'

Binura ko iyon. Nagsimula ulit akong magtype ng bago.

'Gising ka pa ba?'

Binura ko ulit iyon. Para naman kasing naghahanap ako ng textmate o parang nagpapapansin ako sa kanya sa text na iyon. Gusto ko lang may mapagkaabalahan habang hindi pa nakakaramdam ng antok. Nakatulog na kasi ako kanina, dapat pala tinuluy-tuloy ko na para hindi ganitong hirap na hirap akong magpaantok.

'Nicholo...'

Binura ko na naman. Until I came up with this short message, 'Thank you.' At iyon na nga ang sinend ko sa kanya. Napahiga na ako sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame habang hawak-hawak 'yung phone gamit ng dalawa kong kamay na nakapatong sa dibdib ko.

Hindi pa lalagpas ng isang minuto nang maramdaman kong nagvibrate 'yung hawak ko. Dali-dali ko namang tinapat 'yung phone sa mukha ko at sa hindi inaasahang pangyayari, nabitawan ko iyon bigla kaya sumaktong laglag sa noo ko. Medyo masakit pero hindi ko na lang ininda. Ang nasa isip ko kasi, gising pa siya at nagawa niya pang magreply. Kahit simpleng 'Para saan?' lang ang text niya, napangiti na ako. Hindi ko alam kung bakit biglang mas nagising ang diwa ko nung alam kong gising pa siya.

'Nalaman ko na hindi pala binigay ni ate Anikka 'tong phone sa akin. Sa 'yo pala 'to galing and I thank you for that. Salamat din kasi kahit bagong kakilala mo palang ako, hindi mo man directly pinapakita pero alam kong mabait ka sa akin. Thank you kasi tinuruan mo ako kanina. Para kang kuya ko kaya natutuwa ako sa 'yo. Thank you for all the good things you've done to me. :) BTW, your hand is too soft for a guitarist.'

Isesend ko na sana kaso nahinto ako nang mabasa ko 'yung huli kong nai-type. Binura ko na lang din lahat.

'For everything. Basta.'

Sent. Akala ko hindi na siya magrereply pero nagawa niya pa rin. Napabaliktad tuloy ako sa kama para isubsob 'yung mukha ko sa unan. Oh, my goodness. Para akong high schooler na tinext ng famous student sa school nila.

Him: Masyado bang marami para hindi magkasya sa text? Parang wala naman akong naalala na good deed na nagawa ko.

Me: Basta salamat.

Him: Kung 'yung tungkol 'yon sa pagtuturo ko sa 'yong maggitara kanina, wala 'yun.

Almost 10 na. Dapat natutulog na kami ng ganitong mga oras pero hindi ko matigilang magtext sa kanya. Ganito na lang, kapag hindi na siya magrereply sa itetext ko, ititigil ko na.

Me: Hindi 'yun 'wala'. May time at effort kang nagamit doon kaya 'meron' yun. Thank you ulit.

Pagkalapag ko ng phone sa gilid, pumikit na ako. Iniisip ko kung anong ginagawa niya sa kabilang kwarto. Nakahiga ba siya, nakaupo sa study table niya, naggi-gitara, nakatayo, o ano.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon