Chapter 30

215 12 9
                                    

A/N: Hi marielbermejo3! This chapter is dedicated to you. Salamat sa pagbabasa at paghihintay sa update. Sana magustuhan mo 'to, ganoon din sa ibang naghihintay. Nakakagana tuloy mag-update dahil sa readers.

Hello there Mark Wilson Capalad! Salamat din sa pagbabasa, pagcomment at pagvote! Ito na 'yung update--- long update.

Enjoy reading.

=====

Chapter 30

Yanna's POV

It was a couple of years ago in December...

"Para sa akin ba 'yun?" sabi ko sabay turo sa gitara na nakalagay sa green na bag sa backseat ng kotse ni kuya.

Ginulo niya 'yung buhok ko, "Nah. Binilhan ka na nina mommy at daddy ng gitara, 'di ba?"

"Iba 'yung galing sa 'yo, iba 'yung galing sa kanila. Magkaiba 'yun, kuya."

"Bakit naman?"

"Kasi... kapag magtutugtog ako gamit 'yung gitara na ibibigay mo, ikaw ang maaalala ko. Sina mommy at daddy naman maiisip ko habang gamit 'yung binili naman nila."

Tumingin siya sa akin bago magdrive paalis sa parking lot ng school.

"I'll get you one... someday."

Napabungisngis ako. "Yehey! Bait talaga! Madadagdagan na gitara ko!"

"Hindi ka pa nga marunong magtutugtog eh."

"Kasi hindi mo ako tinuturuan."

"Sorry, Yanna. Masyado kasi akong maraming inaasikaso. Sige, mamaya tuturuan kita."

Saktong may tinutugtog na kanta sa radio na gitara ang gamit bilang musical instrument.

"Ang ganda oh, kuya." nilakasan ko 'yung tugtog. "Familiar 'yung kanta..."

"More than words." nakita kong napangiti siya. "by westlife."

"Bakit parang kinikilig ka, kuya?"

Napahawak siya sa bibig niya para matakpan 'yung bibig niya gamit ng kaliwang kamay niya.

"Wala naman. May naalala lang ako."

"Eeeey. Ano? Kinikilig ka talaga! Anong naalala mo?"

"Nakanta ko na kasi 'yan."

"Ay sus! 'Yun lang pala."

Napadako ulit 'yung mata ko sa rearview mirror para tignan 'yung green guitar bag na nakahiga sa backseat.

"Para kanino pala 'yung gitara?"

Ngumiti siya, "Para sa kapatid nung babaeng kinantahan ko."

Napatingin ako sa ibang direksyon nang marealize ko na kanina pa akong nakatingin kay Nicholo habang naggi-gitara siya sa sala. Hinihintay niya lang na maluto 'yung breakfast namin. Ako na kasi ang nag-offer na magluto para man lang makabawi sa ibinigay niya.

His image somehow made me remember a bit memory of my past. He resembles my brother. The way he holds the guitar, the way my brother held it--- they're almost the same. I took a glimpse of him and found out that he was looking at me.

Biglang kumabog nang mabilis 'yung dibdib ko.

'Kain na tayo.' senyas ko. Nilagay niya na rin 'yung gitara niya sa black na bag. Buti  hindi nakakautal ang pagsenyas. 

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon