Chapter 9
Pumunta ako sa canteen para bumili ng makakain. Hindi kasi ako nakakain kanina nang maayos dahil sa mga naririnig ko mula kay ma'am Adriano. Yung pera na gagamitin ko, ito yung nanggaling sa piggy bank ko. Binutas ko na siya kahit mabigat sa loob ko. Kailangan eh. Buti na lang yung bibilhan ko eh vendo machine. Ihuhulog ko lang yung bayad at pipindutin kung ano yung gusto ko at makukuha ko na yung pagkain. Ganoon din sa inumin. Kaso mahal nga lang.
Naglagay ako ng 20 pesos at saka pinindot yung button na nakalagay ay 'tostillas'. Woo~ all time favorite eh. Pagkakuha ko ng sukli at nung tostillas, pumunta naman ako sa vendo machine na pang inumin. Nilagay ko na yung bayad ko pero nung pagkapindot ko sa button ng 'Pepsi blue', walang lumalabas. Mukhang na-stuck pa ata.
Hinampas ko yung machine, baka sakaling malaglag yung pepsi blue in can ko kaso wala pa rin. Bakit ganito ang kapalaran ko? Sinipa ko na rin kaso ayaw pa rin. Hinampas ko nang paulit-ulit pero sumakit lang yung kamay ko. Wala bang nakakapansin sa akin? Wala ba sa paligid lang yung operator nito?
Lumabas ako sa canteen para pumunta sa ibang vendo machine kaso wala rin naman yung nag-ooperate nun. Saglit lang akong nawala pero pagkabalik ko dun sa loob, may lalaki na agad doon sa tapat ng vendo machine. Bigla niyang sinuntok iyon tapos ilang segundo lang, lumabas na yung inumin ko. Hinagis niya pa sa kabila niyang kamay yung pepsi blue ko nung nakuha niya.
Akin po 'yan eh.
Nakakaiyak. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay kuya na akin 'yung hawak niyang inumin. Sayang yung higit 20 pesos. Next time hindi na ako bibili sa vendo na 'yun.
Tumalikod na ako at nagsimulang lumabas para bumili doon sa ATM. Automated Tubig Machine. Atleast doon hindi nakakapanghinayang kapag nakain ng machine yung piso ko.
Sa lalim ng iniisip ko, nagulat ako nang may biglang kumalabit sa akin. Paglingon ko, yung pinakamamahal ko pepsi blue ang sumambulat sa mata ko.
"Diba sa iyo 'tong pepsi blue? Bakit iiwan mo na lang doon? Sayang yung pera mo, miss." habang binababa niya yung kamay niya na may hawak nung pepsi blue in can na nakaharang sa mata ko, unti-unti kong nakita yung mukha niya. Hindi ako makagalaw.
Kinuha niya yung kamay ko saka nilagay doon yung pepsi blue in can. Ngumiti siya sa akin pagkatapos nun. Nilalamig ako. Pakiramdam ko nagpapawis na yung gilid ng ulo ko. Ganoon pa naman ako kapag may kaharap akong taong hindi ko kilala.
Bakit hindi pa siya umaalis? Magpapakilala ba siya? Nap'pressure ako. Hingang malalim, Yanna. Kalma lang.
Tumalikod ako sa kanya at naglakad na. Hindi agad nakapagprocess yung utak ko ng dapat gawin.
Hindi ko man lang siya nangitian o kahit nakapagpasalamat man lang. Siguro kaya hindi siya umaalis sa harap ko kasi hinihintay niya na magthank you ako. Dapat nag'bow' man lang ako. Ano ba naman 'yan. Wala na. Huli na ang lahat.
Nung lumingon ulit ako para tumingin sa kanya, wala na siya dun. Umalis na siya at hindi na ulit kami magkikita. Sa laki ba naman ng school na 'to at sa dami ng estudyante, 0.1% lang ang chance na magkita ulit kami. Saka hindi na ata ako ulit makakasama kay ate Anikka.

BINABASA MO ANG
Love in Silence [ Ongoing ]
RandomHow can you tell someone that you love him/her if you are unable to speak? Is it the action that speaks louder than words?