Chapter 7

298 12 1
                                    

Chapter 7

"Hubby! Okay lang ba? Nasaktan ka ba? Bakit tinakbuhan mo ako kanina nung sinundo kita? saan ka ba nagpunta?" parang naiiyak na yung babae. So si Nicholo pala yung dahilan ng pagkatulala niya kanina. Wow. Heartthrob pala 'to dito?

Naging bato ako sa harap nilang dalawa. Napatingin pa sa akin si Nicholo pero binalik niya rin agad yung tingin niya doon sa babae. Tumingin naman ng masama sa akin yung babae kaya nagbow na lang ako bilang pagsorry. Umalis na ako pagkatapos nu'n.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit ngayon lang siya dumating at naunahan pa namin siya kahit na nauna siyang umalis ng bahay.

Saan na kaya si ate Anikka?

Naglakad ako doon sa dinaanan niya kanina na papunta raw sa room ni Nicholo. Hindi nga ako nagkamali kasi nakita ko siya roon. Naglalakad siya papunta sa nilalakaran ko pero sa gilid siya nakatingin. Mukhang malayo ang iniisip niya. Bakit kaya? Nginitian niya ako pagkakita niya sa akin.

"Sorry kung napatagal ako. May mga kinausap pa kasi ako eh. Pinabigay ko na lang sa kaklase ni Nicholo yung libro niya, wala pa raw kasi siya. Buti wala yung prof nila sa first subject. Saan kaya nagsususuot ang batang 'yon?" nag-aalalang sabi ni ate.  Gusto ko sanang sabihin na nandoon siya sa may lobby kaso lang hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi through sign language. "Let's go."

Humarap ako doon sa daan papuntang hagdan pababa pero humarap naman si ate Anikka sa kabilang way. "Hindi diyan, Yanna. Dito yung daan." Baka may hagdan din pababa sa way na 'to. Unang beses ko lang kasing makapasok sa school na 'to.

Habang naglalakad, yung mga estudyanteng nakakasalubong namin nagsisihawian. Ganito ba trato nila sa mga outsider na tulad namin? Nice. Pumasok kami ni ate Anikka sa isang faculty room (nabasa ko sa labas ng pinto)

"Good morning, Ma'am Buenavista!" sabi nung babaeng nasa katabing table na pinuntahan namin. Mga kaedaran ni ate Anikka... pero... bakit  MA'AM tawag niya kay ate?

"Good morning din, Ma'am Adriano. May kasama nga pala ako. Siya pala si Yanna. She is a special friend of mine." sabay nilapag ni ate yung mga gamit niya sa table.

"Hi, Yanna! You're such a beautiful lady. Sa tingin ko estudyante ka pa lang. Saan ka nag-aaral?" Napatingin lang ako sa kanya. Paano ko sasabihin? Sign language?

Itataas ko na ang kamay ko pero bigla na lang nagsalita si ate Anikka.

"Ahm, nagho-home study siya dati. Mamaya na lang tayo magchikahan, Ma'am Adriano. Malelate na kasi ako sa next class ko eh. Sige ah." tapos naglakad na kami palabas. May hawak na mga papel si ate.

Pagkarating namin sa room, biglang nagsitahimikan ang lahat. Nakaayos na yung mga layu-layo nilang upuan. Pumunta na sa harap si ate Anikka samantalang ako, pinaupo niya sa gilid.

"Good morning, class. Are you ready for your exam in Psychology today?" sabi niya.

"Yes ma'am." sagot nilang lahat. "Siyempre magaling pong magturo yung prof namin kaya madadalian lang kami sa exam." sigaw nung isa.

"Sige UNO ka na." tapos tumawa si ate--- este prof Buenavista. "Biro lang." dagdag niya.

CHARACTER PROFILE
Name:
Anikka Buenavista
Description:
Mabait. Maganda. Ate ni Nicholo. Professor ng Psychology at mahal ng mga estudyante niya. 

Pagkatapos niyang magpatest sa mga estudyante niya, bumalik na kami sa faculty room. Pinakilala niya na rin ako sa ibang prof para kapag nakita raw ako na pagalagala sa campus eh hindi ako pagagalitan. Binigyan din ako ng ID kasi hindi naman lahat ng prof alam na kasama ako ni Ma'am Buenavista.

Love in Silence [ Ongoing ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon